Ilang araw na ang nakalipas, at madami na ang nangyare. (Malamang sa isang gabi nga maraming nangyayare, sa ilang araw pa kaya)
Nung linggo nagdate kami ni Kuya Nathan at Ame, syempre kasama si Ara at Jeramie. Nagpalibre. As usual.
Lunes, dinala ko na Kay Margaux ang librong pasalubong ko sa kanya kaya halos sakalin na ko sa higpit ng yakap nya.
Martes, ano nga bang nangyare ng martes.
Flashback
"Huy may exchange student daw, galing dun sa school ni Kuya Nathan" sabi ni Ara habang kumakain kami ng lunch.
"Ah, anong pangalan? At course?" Walang kagana ganang tanong ko.
"Business Ad din daw, 1st year din. Diba dapat classmate nyo yun?" Tanong nya samin. Nga pala, ang course ni Ara ay Radtech. At kami ni Jeramie ang BA.
"Minsan lang magka exchange student a. Di dapat may kapalit yun? Galing dito dadalhin dun sa school nila" sabi naman ni Jeramie.
"Siguro ganun na nga. Sister school lang naman ang Infinity International School(school namin) at Forever International school (school ni Kuya) e." Sabi ko naman.
"Babae ba yung exchange student?" Tanong naman ni Jeramie.
"Wow, chickz agad tanong mo!" Sabi naman ni Ara.
"Selos ka naman?!" Pang aasar ko Kay Ara.
Bigla namang nag bell.
Ibigsabihin magkaklase na ulit. Di namin namalayan ang oras, sarap kasi ng pagkekwentuhan e.
Pumunta na kami ni Jeramie sa room namin.
Maya maya dumating na yung prof namin, kasama yung yung yung..
Yung lalaking gentlemen! Yung bumangga sakin na di man lang nag sorry, naki seat in sa table ko sa Jolibee, at yung umagaw sa upuan ko sa bus. Pinabayaan akong nakatayo, sya naka upo.
"Class this is the new exchange student from Forever International school. Please be nice to him." Sabi ni Ma'am Sheena"
"Hi I'm Patrick Andrew Sallave" yun lang. Ang haba ng sinabi nya no?
"Sige iho, umupo ka na kung San mo gusto" sabi ni Ma'am.
Lumakad naman yung lalaki papalapit papalapit at tumigil sa harapan namin ni Jeramie.
"Brad. Pwede bang dyan ako?, pinagbilin lang kasi ni Pareng Nathan itong kapatid nya" sabi lang naman nya.
"O Mr. Leones, pwede bang ikaw mag adjust. Dun ka na lang sa likod nila?" Sabi naman ni Ma'am.
Kaya naman padabog na lumipat sa likod namin si Jeramie.
Sinamaan ko naman ng tingin tong si Patrick. Na ngayon ay umub ob. Mukhang matutulog pa ata ito a. Ang bago bago pa nya. Pasaway na. Tsk.
End of flashback
Miyerkules.
Inanounce naman yung papalit sa FIS.
Classmate ko din yung palit.At tong Patrick na to, palaging tulog
Flashback
*poke* ko Kay Patrick. Naka ubob na naman kasi. Gusto ko lang itanong kung magkabarkada ba sila ni Kuya.
Pero di pa din ako pinapansin.
*poke ulit* dedma ulit.
Nilaksan ko nga ang pagbatok ko! Kaya yun tumingin sya ng nakakatakot. Ikaw ba naman ang batukan ng malakas e. Pero hindi ako nagsorry.