Chapter 2

21 2 0
                                    

DEDICATED TO

"Miss Almario?"

"Miss Almario?"

"Hoyy Nutella kanina ka pang tinatawag ni Ma'am Hernandez" pagkulbit sakin ng bestfriend kong si Jeramie. Kaya naman saka pa lang ako bumalik sa wisyo ko. At tumayo.

"Yes Ma'am?" Pagharap ko kay Ma'am na nakasimangot na.

"Are you with us Miss Almario" halatang pagpipigil ni Ma'am ng galit. Patay terror pa man din to.

"Y-yes M-Ma'am" Sabi ko naman.

"Okay, what is The structure of Personality?" tanong nya sa akin, Psychology kasi ang subject namin ngayon.

"Ma'am I-id,E-ego,SuperEgo" sagot ko naman, di ako sure kung tama ang sagot ko.

"Very good" Medyo nag iba naman yung aura nya. Uupo na sana ako pero nagtanong ulit sya.

"What is Anxiety?"

"Anxiety......(medyo matagal na pause) hmm, is a state tension that motivates us to do something" Di kasi ako sure kaya nagpause ako.

"Very good, pero di ka pa sure sa sagot mo ha? Isa pa" Napabuntong hininga naman ulit ako, Buti na lang nakapag advance reading ako kagabi.

"What are the kinds of anxiety?" Tanong ulit nya.

"Reality,Neurotic and Moral Ma'am" For sure tama na ang sagot ko nyan.

"Okay, lets give of applause to Miss Almario" Papuri nya sa akin at umupo na ulit ako.

"Ang talino mo talaga!" papuri sa akin ni Jeramie.

"Hindi naman, nag advance reading kasi ako kagabi saka isa pa alam mo naman favorite subject ko to,"

"sus, matalino ka talaga!" papuri pa rin nya, at nginitian ko ulit sya. Kinurot naman nya ang pisngi ko, kaya napa ouch ako. Tumingin ulit si Ma'am at masama na naman ang aura nya.

"Miss Almario again" Kaya tumayo ako.

"What are the Big five?"

"Openness to experience, Conscientiousness, Extroversion, aggreableness and neuroticism"

"Very good, you may sit. Pero di porket palagi kang nakakasagot sa tanong ko di ka na makikinig ha, makinig ka pa din" Sabi ulit nya sakin.

"Mr. Leones, what is Paranoid Personality Disorder" si jeramie naman kasi ang tinawag nya.

"Amm, ammmm, ammm, Paranoid personality disorder is... isss.. isssssss...." At hindi nakasagot si Jeramie. kaya badtrip si ma'am.

"Ang lakas lakas ng loob mong makipagharutan sa klase ko, paranoid lang hindi mo pa alam?" galit na talaga si Ma'am kaya napatungo na lang si Jeramie.

"Okay class, next meeting may long quiz tayo. Dissmiss" sabi ni Ma'am at umalis na. hay nako, napaka terror talaga.

"Yaan mo na yun Jeramie" pagcocomfort ko sa kanya,

"Ano ka ba ok lang ako! tara na sa cafeteria. kain na tayo nandun na si Ara!" Sabay higit nya sa akin.

Canteen

"Nutella, ano may pera ka na ba?" tanong sa akin ni Ara habang kumakain kami.

"Wala pa nga e," halata sa mukha ko ang pagka lungkot.

"Nako sorry talaga nutella, di kita mapahiram ng pera. Nalaman kasi ng daddy ko na madami akong bagsak nung prelim at midterm kaya naman yung baon ko lang ay sakto lang talaga sa pangkain ko, Sorry talaga" sabi sa akin ni Jeramie.

No PlagiarismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon