Nutella's POV
Kitang kita ko ang mga ngiti sa labi ni Fres habang palapit ako ng palapit sa kanya. Nakasandal sya sa kanyang subaru BRZ na kulay blue. Sinundo nya ako dahil may surpresa daw sya sa akin. Panay naman ng pangungutya sa akin ng kaibigan Kong si Ara. Habang si Jeramie ay panay ang pagbibilin sakin. Dinaig nya pa si Kuya.
"Aww. Shet! Nutella. Yan na ang Lalabs mo! Gora na!" Habang tinutulak tulak ako ni Ara palapit Kay Fres.
"Hoy Nutella, umuwi ka kaagad sa inyo bago mag alas nwebe ha! Baka hanapin ka ni tita Lav sa amin" pahabol pa ni Jeramie.
Nilagay ko ang ilang strands ng buhok ko sa ilalim ng tenga ko, at unti unting ngumingiti.
Hinawakan ni Fres ang kamay ko, at inaaalalayang sumakay sa may Front seat. Kitang kita ko ang ang pagkainggit saakin ng iba.
Ng makasakay na si Fres sa sasakyan. Sya ang nag ayos ng seat belt ko.
Natuon ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi, habang sya ay nakatitig din sa akin. Unti unting naglalapit ang aming mga muk----
"Hoy Nutella, tanghali na! Bumangon ka jan at tumatawag ang Daddy mo sa Skype." Pambubulabog ng tulog sakin ni Tita Lav.
Akala ko totoo na. Panaginip lang pala.
Nagtoothbrush at naghilamos lang ako, bago bumaba.
Nag uusap si Daddy at si Ame, ng bumaba ako.
Agang aga ay good mood ako, dahil
sa pakikipag Skype ko Kay Daddy.This Christmas ay uuwe sya.
After namin kumain ay ako ang naghugas ng pinggan. Dahil isinama ni tita Lav pag gogrocery yung katulong namin.
Habang nagbabasa ako sa wattpad, biglang nag ring ang cellphone ko.
Unknown number Calling....
Sinagot ko ang tawag, pero wala namang umiimik sa kabilang Linya. Kaya pinatay ko na yung phone.
Maya maya ay dumating si Tita Lav at pinag bebake naman ako ng cookies.
Kahit business administration ang course ko ay mahilig akong magbake.
Dadalhin daw nya sa Bahay ng Amiga nya mamayang gabi.
Fres POV
Nasa meeting kami nina Grae kasama ang ibang authors. Regarding sa book signing naming gaganapin sa Davao. Next week.
After meeting ay yayayain ko si Grae sa province namin sa Quezon dahil debut mamayang gabi ng pinsan ko.
Kakanta ako mamaya habang pumapasok sa entrance ang pinsan kong debutante. Kaya gusto Kong isama si Grae para unti unti akong gumawa ng move.
After meeting ay yayayain ko na sana sya, pero nag ring ang cellphone nya.
Malaki ang kanyang ngiti ng sinagot nya ito."Hello"
"Yeah"
"See you. Take care"
Mga katagang sinasabi nya sa kausap nya. Bago sya bumaling sa akin.
"Gosh! Fres, pupunta kami nina Nathan sa Enchanted Kingdom mamaya kasama sina Patrick! Excited na ko! Sasama ka?" Tanong nya sa akin.
Nginitian ko muna sya bago sumagot.
"Uuwi ako sa Quezon ngayon e. Birthday ng cousin ko." Maikling sagot ko sa kanya. Tapos sumimangot sya.
"Sayang naman!" Nag pout pa syang parang bata. She's so cute. Kaya napangiti ako.