Nutella POV
Ow my God! Nagtext sakin kagabi si Fres at nakikipag kita. Kaya maghapon akong lutang! Hindi ako makausap ng matino ng mga kumakausap sakin. Aware ako dun. Dahil ilang beses akong tinanong ni Maam Hernandez at hindi ako nakasagot. Nagpa quiz din sa management at 5 lang ang tama ko. Iba talaga ang naiinlove. Kaya naman etong si Patrick. Inaasar ako ng inaasar. Anong meron sa lalaking to? Natuto na umimik. Hindi na sya pipi.
Nag aayos na ko, para pumunta ulit sa sb. Ayaw ko ng mahuli sa usapan namin. Nagsuot na lang ako ng white loose shirt at denim shorts at nag sneakers. Nag pulbos at naglagay ng lipbalm at halos ipanligo ko na ang pamango. Wala naman si tita kaya mabilis lang akong makakaalis. Dali dali akong bumaba dahil 4:30 na. 5 kami magkikita, medyo napatagal din pala ang pag aayos ko.
"Sis napapadalas ata pag alis a" puna sakin ni Cass. Andito na pala sya. Lumapit naman sakin si Ame at nagkiss sa cheeks ko.
"May pupuntahan lang kami ni kuya Nathan" sagot ko sa kanya.
"Pwedeng sumama?" Ow my! Di sya pwedeng sumama.
"Next time na lang Cass. Nagmamadali na kasi ako" sabi ko at nagpaalam na kay Ame. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Cass. Bahala na mamaya. Sumakay agad ako ng tryc. 4:43 na!
Pagdating ko sa SB, buti na lang wala pa si Fres. Nakakahiya e.
Umupo ako sa bakanteng upuan, nagdadalwang isip pa ko kung oorder na ba ako or hindi pa. Alam kong Cookies and Cream ang favorite ni Fres. Pero nakakahiya naman. Hays, bahala na nga mamaya. Oorder na lang muna ako ng para sakin. Tatayo na sana ako ng dumating naman sya bigla.
"Nainip ka ba?" Tanong nya sakin. Kaya napaupo naman ako.
"Hindi naman. Oorder na sana ako" sagot ko sa kanya.
"Sige. Ako na lang oorder" sagot nya at pumunta na syang counter. Tinanaw ko naman sya mula dito sa kinauupuan ko. Naka tshirt din sya ng white at naka pants. Ang gwapo gwapo talaga nya. Ang swerte ng magiging girlfriend nyan. Kinuha ko naman ang cellphone ko at patago syang kinuhanan ng litrato. Hindi ako makapaniwalang nakakasama ko na sya ngayon. Nga lang, hindi na sya ngumingiti ng gaya ng dati.
"Stalker talaga tss" napatingin naman ako sa nagsalita. At nakita ko si Patrick.
"At anong ginagawa mo ditong weirdo ka?" Tanong ko sa kanya.
"Malamang magkakape, alangang maglalaba" sagot nya at umupo sa vacant na table na kaharap ng nasakin.
"Upuan yan ni --"
"Bro! Anong ginagawa mo? Long time no see" biglang dating ni Fres.
"Ano ba namang mga tanong yan?" Tatawa tawang sabi ni Patrick. Nilakihan ko naman sya ng mata. Inupuan nya kasi ang dapat upuan ni Fres. Kumuha na lang tuloy si Fres ng upuan nya.
"Malamang magkakape ako dito, kapehan to e. Alangan namang magla--" di na nya natuloy ang sasabihin nya kasi
"Akala ko kasi tutulog ka dito" nagkasabay pa kami ni Fres na sabihin ang word na yun. Kinilig naman ako! Haha. Napangiti kasi sya sakin.
"Fres, Nutella" tawag ng nasa counter. Kaya lumapit si Fres sa counter. Mas kinilig naman ako, kasi ang alam ni Fres ay Leibniz ang pangalan ko pero Nutella ang nilagay nya sa coffee ko.
"Kilig ka naman?" Sabi ni Patrick. Inirapan ko lang sya. Pagkalapag ni Fres ng frappe namin. Tumayo naman si Patrick.
"Order lang ako" sabi ni Patrick. Nilagay naman ni Fres yung frappe sa tapat ko.
"Bye the way, how are you?" Tanong sakin ni Fres ng nakangiti. Mas gumaan naman yung feeling ko. Kasi atleast ngumingiti na sya.
"Okay lang naman. Galit ka pa din ba sakin?" Tanong ko sa kanya.