Fres POV
Pagkalabas ko ng GO nagdiretso ako sa parking lot para naman pumunta sa klase ko.
Pagdating sa classroom, late na ako. Pero di gaya ng ibang estudyanteng pag nalate nagdiditch na. Ako naman kahit alam kong Late na, pumasok pa din ako.
"Mr. Fres Erichzen Do, why are you 2 hours late?" Tanong sakin nung prof namin ngayon.
"I'm sorry Sir, May pinuntahan lang po akong mahalaga" paliwanag ko at umupo na sa tabi ni Grae.
Nagpatuloy naman sa pagdidiscuss sa una si Sir.
"San ka galing?" Tanong sakin ni Grae.
"May inayos lang about sa publishing" sagot ko naman.
"Ha? Nag meeting kayo? Bakit wala man lang nagtext sakin?" Sabi naman nya. Louela Grae ang totoong name nya at Yes, sya ang palagi Kong kasama. Co-writer ko din sya. Kaya kami naging mag best friend dahil sa pareho naming passion ang pagsusulat. Nagkita lang kami 7 years ago, at 11 years old pa lang ako nun. Nagkita kami sa isang workshop about writing. Tapos yun, bawat event palaging kami na yung magkasama. Nauna nga lang akong makapag publish ng book sa kanya, busy kasi sya kaya kalalabas p lng ng first book nya. hanggang ngayong college, sya ang Girl Best friend ko, at the same time my First love pero hindi nya alam na matagal ko na syang gusto.
18 years old na kami pareho, at parehong journalism ang course. 2nd year.
Si Louella ang dahilan kung bakit sinusuway ko ang gusto ng mga magulang ko.
May dad was an best architecture in the Philippines, and my mom was a best singer, dancer and even in acting.
Gusto ng dad ko na mag maging katulad nya ako. At ang mommy ko naman pinupush ang pagiging artista ko. In fact, nag try na ako dati gumanap na ako sa ilang teleseryeng umacting. Kumakanta sa mga events at sumasayaw din. Pero di ko talaga gusto ang pag aartista. Mas gusto ko ang simpleng manunulat lamang. Masaya na ako sa kung anong meron ako. Kilala din naman ako, at sapat na sakin yun. Isa pa, dun lang ako nagiging malapit Kay Grae, kaya nakakaya kong suwayin ang magulang ko.
Pagkatapos ng klase, tumawag ako sa babaeng may kasalanan kung bakit late ako kanina. Kay Leibniz
Dalawang ring pa lang pero sinagot nya na ito.
"He-hello" mukang natatakot na bati nya.
"Hello, pwedeng magkita tayo ngayon? Sa Starbucks sa pinaka malapit na mall Dyan. 5 pm sharp" at pinatay ko na ang call. 4:30 na kaya pumunta na din ako sa mall na alam Kong pinaka malapit sa school nila na pagmamay ari nina Grae.
Nutella's POV
Naglalakad ako pauwe sa amin ng tumawag si Fres.
Kung wala lang sanang galit sakin si Fres baka nagpakamatay na ako dahil tinawagan nya ako. Pero bahagya pa din akong napapangiti dahil Alam ko na ang number nya.
Di ko kasabay si Ara at Jeramie ngayon kasi mag momall daw sila. Hindi naman ako pwedeng sumama dahil tumawag si Kuya Nathan kanina na pupunta daw sya sa bahay.
Pero ngayong tumawag si Fres at magkikita kami, nagtext ako kay kuya na bukas na lang sya pumunta dahil may pupuntahan pa kami Nina Ara. Nagsinungaling na naman ako :(
Pagtingin ko sa relo ko, 4:40 na pala. Kaya kumaripas na ako ng pagtakbo puntang kwarto ko.
Naghanap agad ako ng matinong maisusuot ko, at nagpulbos, lipbalm at halos pang ligo ko na ang pamango.
Tatakas na lang ako kay Tita. Bahala na pagdating ko mamaya. Kahit alam Kong galit sakin si Fres dapat maganda padin ako sa harap nya. Kinikilig ako, pag naiisip ko na sya ang makikita ko mamaya at mag Starbucks kami!