Fres POV
Wednesday night ng biglang tumawag sakin ang publishing. Tuloy daw ang book signing this week end sa Davao. Sinabi ko namang di ako pwede dahil may out of town kami. Pero ayaw pumayag ng publishing dahil kailangang kailangan daw ako dun. Ako daw ang most in demand ngayon saka ako daw ang may bagong release ng book kaya dapat nandon ako. Napa OO na lang tuloy ako. Pano ba yan? Masosolo ni Nathan si Grae. Tsss. Nakakabadtrip naman.Nag open na lang ako ng facebook ko. Naalala ko, di ko pa pala friend si Leibniz. Kaya inadd ko na sya at tinignan ang profile nya. Natuwa naman ako dahil may sobrang loyal pala akong reader. Ang cover photo nya ay picture naming dalawa. Kuha to nung MIBF. Tapos ang DP nya ay picture nya habang nagbabasa sya ng book ko. Natuwa din ako sa bio nya. Ang nakalagay kasi ay
FRESters 💕 Fres Erichzen Do Prprty 💙 IG, Twttr, WP @LEIBNIZ
Naka private naman yung iba nyang post pero yung mga shinare nya ay nakikita ko. Yung nga tweets ko sa twitter ay inuapdate nya dito para daw sa mga walang twitter. Kahit yung nasa Instagram ko, at bawat post ko sa facebook ay shineshare nya. Finallow ko sya sa Instagram at Twitter. Maya maya ay may nag notif sa facebook ko. Inaccept nya na pala yung friend request ko. Inadd ko naman sya sa GC namin ng 3 kong admin.
Fres: welcome Leibniz
Leibniz: Thank you Kuya Fres
Jane: Insan, bagong admin? Welcome bebe.
Leibniz: Thank you Ate Jane. Di mo ko tanda?
Fres: bagong head admin, diba sabi mo mamamahinga ka muna?
Jane: Leibniz, oo nga tanda kita! Ikaw si Nutella diba?
Jane: Yey, thanks Fres! Buti nakahanap ka na!
Jane: Congrats new head admin Nutella!
Leibniz: oo ate! Buti tanda mo pa ako!
Nics: himala ingay dito!
Franz: nag backread muna ako mga beh! May bagong head admin na pala! Congrats Nutella at welcome :)
Nics: oy! Tanda pa kita Leibniz. Ikaw ang pinaka maingay sa group! Hahaha
Franz: May tanong pala ako.
Jane: Sorry fres ah! Di ko naman gustong iwan ka sa ere pero alam mo na! Graduating e.
Fres: Anong tanong mo Franz?
Nics: Sorry din Fres! Naging busy sa work. Napromote e! Alam mo na :)
Franz: Pano mo naging head admin si Nutella, akala ko ayaw mo ng sobrang fan mo? Uy Leibniz, wag ma offend ha?
Jane: Nawala na si Leibniz!
Fres: no choice e. Joke Leibniz!
Fres: sa personal na natin pag usapan
Saka wag na kayong mga mag sorry! Naiintindihan ko naman.
Leibniz: SLR, nag open po ako ng IG at twttr e. Thank you Kuya fres sa pag follow :)
Jane: pustahan, kinikilig yang si Leibniz. Hahahaha
Leibniz: halaaaa :)
Nics: dont worry! Ganyan din kami nung una.
Fres: stop teasing Leibniz. Basta may rules din kami bilang admin ha. Saka as of now, kayo ni Franz ang active na admin.
Leibniz: ano pong mga rules kuya Fres?
Fres: kita kita us bukas sa SB. Pwede kayo?
Jane: game ako! 6pm?
Nics: game din ako ng 6pm!
Leibniz: noted po!
Franz: pilitin nyo ko! :p
Fres: balakadyan Franz.
Franz: Joke lang. Sige 6pm
Fres: sige. See you bukas! Mag aupdate muna ako bago matulog.
Leibniz: yey. Abangan ko kuya Fres.
Fres: matulog ka na Leibniz.
Leibniz: okay po. Goodnight.
Franz: goodnight.
Nics: see you. Night!
Jane: Sweetdreams.Nag out na ako sa facebook at nagsulat.
Leibniz POV
Gusto kong pagsasampalin ang kaliwat kanan kong pisngi para malaman kung totoo bang nangyayari to or panaginip lang. Di ako makapaniwalang nakakacommunicate ko na si Fres. At napapalapit na ko sa kanya. Parang kelan lang habol ako ng habol sa kanya. Iniistalk sya sa facebook, instagram at twitter. Ngayon! Friend na kami sa facebook follower ko pa sya sa instagram at twitter. Nagpagulong gulong na naman ako sa kama ko! Tapos bukas mag kikita na naman kami! Kyaaaahhhh. Gustong gusto kong tumili pero baka marinig ako sa kabilang kwarto kaya todo ngiti lang ang nagagawa ko. Banat na banat na ang labi ko sa kangingiti. 1:43am na at mulat na mulat pa din ako. Goodluck sakin! 7am pa ang pasok ko bukas. Nag open ulit ako sa facebook at ayun may pinost si Fres. Kuya Fres pag nakaharap, Fres or Babe pag nakatalikod. Nag update na pala sya! Kaya babasahin ko na din. Di pa naman ako tulog e. Pag open ko ng wattpad ko. May update na nga si Fres. Inopen ko naman yon at hinihintay na magloading ng mag pop out sa screen ng phone ko ang name ni Fres. Agad ko naman itong binuksan.