Chapter 3 (Bright Idea)

24 0 0
                                    


Nakahiga na ako sa kama ko.
Hay ilang araw na lang MIBF na. Nawawalan na talaga ako ng pag asa na makita ang future husband ko.

Kaya nag isip na naman ako ng nag isip kung ano ba talagang magandang gawin ko para magkapera.

"Mangupit sa step mother ko?"

*Nooo! Mabait ako kahit palagi nila akong pinahihirapan

"Magbabakal Bote?"

*Pwede, pero baka di ako makaipon sa loob ng isang lingo ng 500 e.

"Hmm, Mamamalimos?"

*Noo, hinuhuli na ngayon ang mamalimos e

"Ahh, manghoholdap na lang!"

*iling iling, Di ako bad!

"Ahh, alam ko na talaga, Magbebenta ako ng DRUGS!

*wahh, di pwede baka mahuli ako ng pulis!

Lahat na ata ng illegal na paraan naisip ko na para magkapera e! Tsk

Kinuha ko muna ang cellphone ko para ag fb. Ilang araw na akong outdated sa group!

Pagbukas ko ng fb ko, lalo lang akong nalungkot kasi lahat halos ng mga member sa group ay excited dahil mkakapunta sila samantalang ako 50:50 pa! Hayy buhay!

Nag instagram na din ako kasi baka sakaling may bagong post na picture si Fres pampagood vibes man lang. Kaya lang wala syang picture e. Puro coffee and books ang new post nya!

Ayon sa pag aaral ng mga networker 3 raw ang paraan para magkapera. USB. Hindi yung USB na flash drive ha.

UTANG
SANLA
BENTA NG LAMAN

Kaya lang kanino ako mangungutang e dumadaing na din ang mga kaibigan ko, alangan namang kay kuya e di nagtaka naman yun?

Kung sangla naman. Ano ba ang isasangla ko? Tv na lang kaya namin? Tapos pagtinanong nina tita kung nasan ang tv sabihin ko baka namiss place lang!
(Ayy grabe Nutella, ang laki ng tv pano mamimiss place yun!)

Kung benta na lang kaya ng laman???

Laman ng bahay o bag ha. Baka kung anong laman ang iniisip nyo!

Napa ikot naman ang tingin ko sa kwarto ko, at boom! Nakita ko ang mini library ko kung nasan ang mga precious book ni Fres. Kaya lang tama ba o mali ang gagawin ko?

Kinuha ko yung book nyang No Plagiarism at binuklat ito. Unang page palang eto na ang naka sulat.

Plagiarism is the "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another 's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own . The idea remains problematic with unclear definitions and unclear rules. The modern concept of plagiarism as immoral and originality as an emerged in Europe only in the 18th century, particularly with the .

Plagiarism is considered  and a breach of . It is subject to sanctions like penalties, suspension, and even . Recently, cases of 'extreme plagiarism' have been identified in academia.

Plagiarism is not in itself a , but can constitute . In academia and industry, it is a serious  offense. Plagiarism and copyright infringement overlap to a considerable extent, but they are not equivalent concepts, and many types of plagiarism do not constitute copyright infringement, which is defined by copyright law and may be adjudicated by courts. Plagiarism is not defined or punished by law, but rather by institutions (including professional associations, educational institutions, and commercial entities, such as publishing companies).

Nakakapag dalawang isip tuloy kung tutuloy ba ako o hindi! Nag fa flashback din sa isip ko yung narinig ko sa school ng pinsan ni Ara. Di nila afford ang bumili ng libro ni Fres pero gustong gusto nila itong basahin.

No PlagiarismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon