Chapter 9

2 0 0
                                    

Fres POV

Namiss ko ang kumanta. Matagal tagal din ng huli akong humawak ng mikropono. Matapos kong kumanta ay puro papuri ang nakuha ko sa mga kamag anak ko.

"Wala pading kupas!" Sabi sakin ng pinsan kong debutante.

"Sus! Happy birthday" bati ko sa kanya at nakipag beso.

"Salamat kuya for granted my wish!"

"Small thing! Basta ikaw!" At hinampas nya ako. Batang ito talaga. Di pa din nagbabago. Escort ako ngayon sa debut ng pinsan kong si Rose. Maraming seremonya ang ginawa. Gaya nung mga 18 candles, Roses, bear at kung ano ano pa. Nakakatuwa lang, dahil pag dito talaga sa probinsya ay usong uso to.

1am na ng natapos ang kasayahan. Kaya pati ako ay bagsak. Bukas daw ng hapon ang uwi namin sabi ni Mom at Dad.

Okay lang naman sakin yun, para makalanghap din ako ng sariwang hangin at makapag isip isip. Kamusta kaya ang lakad nina Grae at Nathan? Hays, muli akong napailing sa mga iniisip ko. Alam ko namang kasalanan ko din to, dahil bababagal bagal ako.

~~*

Alas nuwebe ng umaga ng magising ako. Mainit na kasi dito sa kwarto kaya nagising na din ako. Dumiretso muna ako sa cr para magawa ang morning rituals ko.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita kong nagkakasayahan ang mga kamag anak namin. Nakakamiss din ito. Yung makipag kwentuhan ka kasama ang mga lolo, lola, tito, tita, at mga pinsan mo.

Kung ano ano ang pinag uusapan nila habang ako ay pangiti ngiti lang naman.

"Ikaw Fres, may girlpren ka na?" Tanong ng Mamay Goring. (Mamay means lolo)

"Wala pa po. Nag aaral pa po ako" sagot ko naman.

"Abay, pwede ka pa din namang mag girlpren kahit nag aaral ka. Wag mo nga lang bubuntisin! Hahahaha" sabi ng Kakang Berting at nagtawanan sila. Kaya nakitawa na lang din ako. (Kaka means tito. Salitaing Quezon po sila. Hehehe)

"Torpe naman kasi yan, kaya walang girlfriend!" Banat naman ni Mom

"Di kaya!" Pagtanggi ko. Pero totoo naman e. Torpe ako. NGSB ako! Sabagay isa lang naman talaga ang nagustuhan ko simula una pa lang.

"Sus. Kaya pala di mo maligawan si Grae!" Sabi naman ni Dad. Pinagtutulungan nila ako ah!

"Si Grae? Diba bagong author yun?" Tanong ni Lai na pinsan ko.

"Oo, kilala mo sya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo! Fan ako nun! Nakakakilig ang mga sinusulat nya pero nakakadugo ng ilong! Panay english kasi!" Kakamot kamot pa na sagot nya.

"Pakilala kita! Pag nagpunta ka samin!" Tuwang tuwa naman ang pinsan kong to..

"Kuya, habang di pa kami nagkikita
Pwedeng sabihin mo pa Fansign at pa Video greet? Hahaha" request nya.

"Sure! Pag walang topak. Camera shy yon e!"

"Sige kuyaaaa! Thank you! Gwapo na mabait pa!" Natawa naman ako sa kanya.

Madami pa kaming pinagkwentuhan na kung ano ano. Tapos, nanungkit din kami ng buko para gawing buko salad. Ang saya talaga sa probinsya.

No PlagiarismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon