Chapter 10

1 0 0
                                    

Nutella POV

Katatawag lang ni Kuya Nathan sakin at sinabing may swimming daw kami this week end. Icecelebrate daw kasi ang birthday nya. Isama ko daw ang gusto kong isama. Naeexcite ako, kasi siguro kasama don si Fres. Kahit sabi ni Kuya ay hindi daw naman. Sus! If I know! Gusto lang ako nung isurprise. Kyaaaaa. Napapahampas tuloy ako dito sa desk ko, dahil sa kilig! Nag iimagine na naman ako ng kung ano ano.

"Fvck! Magpatulog ka" sabi nitong weird na katabi kong si Patrick

"Tse! Wapakels ako sayo" sabi ko sa kanya at tuloy padin ako sa pagpuk pok sa desk ko.

"Papatulog ka ba o hahalikan kita?" Pananakot nya sakin.

"Dami mong alam! Feeling mo naman kaya mo" kahit yung totoo kinakabahan ako. Baka mamaya totohanin nya e. Huhuhu, my special first kiss. Napa smirk naman sya sa sinabi ko.

"Tssss" tapos inilapit nya ang mukha nya saakin. Syempre nagulat ako kaya sinampal ko agad. Akala mo ha!

"Pervert! Wirdo!" Tapos ang sama pa din ng tingin ko sa kanya. Nakakainis talaga to.

"Akala mo naman tototohanin ko. Asa ka uy!" Tatawa tawang sabi nya. Di ba sya nasaktan sa sampal ko? Malakas kaya yun! Inirapan ko na lang naman sya. Pampasira moment talaga to. Inilabas ko na lang ang cellphone ko para mag facebook. Vacant naman kami ngayon e. Kaya etong wirdong katabi ko, ayun natulog na ulit. Di ba to natutulog sa kanila? Bakit palagi syang dito sa school natutulog. Di sya nakikinig sa lessons. Wala din namang pakialam ang mga profs namin sa kanya kasi pag nagpa quiz or exam naman. Palaging mataas ang nakukuha nya. Yung totoo? Baka naman alien to? Hahaha

Pag open ko ng facebook may post ang VCC publishing. Pagbasa ko dito ay nawala yung excitement ko. Huhu, totoo palang di makakasama si Fres sa weekend. May booksigning sya sa Davao kasama si Fres. Nag out na lang tuloy ako sa fb. Nawala na ko sa mood. Pupunta na lang akong canteen. Makabili ng ice cream. Pagtayo ko, biglang hinawakan ni Patrick ang kamay ko. Sasampalin ko sana ulit sya pero nahawakan nya yung kabilang kamay ko.

"Wait lang! Di ako pervert. Ibili mo din akong pocari sweat" sabay abot sakin ng 50. Yung totoo? Ang weird talaga to. Nakakabasa ba sya ng isip ng tao? Kasi una, alam nyang tatawagin ko syang pervert dahil sa paghawak nya sa kamay ko. Pangalawa, bakit alam nyang sa canteen ako pupunta?

"Oy sweet natin o! Saka yung laway mo tutulo na!" Di ko namalayang napatitig na pala ako sa mukha nya. Napatingin naman ako sa kamay kong hawak padin nya. Kaya pinilit ko yung tanggalin. Binitawan din naman nya agad.

"Ang kapal mo! Tinitignan ko lang ng ayos ang mukha mo, kung totoo ka ba talagang tao o nagbabalat kayo ka lang. Mamaya alien ka pala" palusot ko pa. Pero ngayon ko lang napansing may itsura pala sya. May bangs syang tumataklob sa kaliwang mata nya. Tapos yung hugis ng mukha nya parang puso. Maputi, maliit at matangos na ilong. At brown na mata. Nga lang, di mapula ang labi. Di kissable. Pero gwapo pa din. Ayt! Ano ba tong naiisip ko. Napailing naman ako sa mga iniisip ko. Kinuha ko yung 50pesos bill sa kamay nya at pumunta na akong canteen.

Ano ba tong naiisip ko, nahahawa na ata ako sa kawirduhan ng lalaking yun.

Nathan POV
Its Tuesday night. At may lakad kaming apat na magkakabarkada. Nagkayayaan lang.

"Pre, kamusta lil sis ko?" Tanong ko dito kay Pat. Nabalitaan ko kasing magka section sila. At seatmate pa

"Ayos naman pre! Palaging galit at bwisit sakin" natatawang sabi nya

"Baka naman kasi binibwisit mo Pat! Ang sweet at charming kaya ng batang yun!" Sabat naman ni Grae.

"Nakasama mo na ba yon ha?" Tanong naman ni Pat.

"Hindi pa. Pero pinakilala sakin ni Nates nung nakita namin sya sa SB" paliwanag ni Grae.

"Nakita mo pa lang. Di mo pa nakakawentuhan!" Sabi ni Pat.

"Whatever!" Ayan nagbangayan na naman ang dalawang yan.

"Mabait naman talaga yon. Iba lang mainis ang lil sis kong yun" sabi ko sa kanila

"Ewan ko ba dun. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero palaging inis sakin"

"Mukha mo palang kasi, nakakainis na" sabat na naman ni Grae.

"Ay nako! Ewan ko sa inyong dalawa!" Tatawa tawa kong sagot.

"Bye the way, Fres. Alam mo na naman siguro diba?" Napatingin naman sakin si Fres at Grae. Si patrick naman dire diretso pa din sa pagkain.

"Little sister mo si Leibniz"

"Pano mo sya nakilala Fres?" Tanong ni Grae.

"Avid fan ko yun. Sya yubg nagbigay sakin ng Fres candy last Mibf" paliwanag ni Fres kay Grae.

"Ahh! Tanda ko na sya! Kaya pala. Pamilyar talaga sya sakin!" Sabi ni Grae.

"Oo, fan na fan ng kapatid kong yun si Fres. Hindi nya lang alam na kabarkada ko tong si Fres. Kaya nung nalaman nya. Binugbog ako" tatawa tawa ko na namang sabi. Naaalala ko yung facial expression ng kapatid ko nung sinabi ko sa kanyang barkada ko si Fres.

"Kahit naman ako! Bubugbugin kita pag nalaman kong yung idol ko na hinahabol ko, kabarkada pala ng kapatid ko" sabat ni Pat.

"Baka araw araw lang akong kulitin ng kapatid kong yun. Pag nalaman nyang related kami nitong si Fres e"

"E ngayong alam nya na. Kinukulit ka ba nya?" Napailing naman ako sa tanong ni Fres.

"See? May naulit ba sya sayo?" Tanong ulit ni Fres.

"Oo, yung tungkol sa ginawa nya sayo" sagot ko sa kanya.

"Uy ano yun? Outdated ako ah!" Sabi ni Grae.

"Sorry Fres sa nagawa ng lil sis ko. Hindi ko din alam ang dahilan nya kung bakit nya ginawa yun. Pero ako yung humihingi ng tawad"

"Its okay Bro!"

"Ano nga ba kasi yon?" Naiinis na tong si Grae.

"Nag plagiarize kasi si Leibniz. Haha, pinaphoto copy nya yung mga libro bi Fres at pinagbenta sa public school" paliwanag ko.

"Ahh. I see. Pero diba di naman sya totaling plagiarism. Ang dami na kayang gumagawa non. Diba, tayo nga nagpapa bookbind pa e ng walang author consent" sabi ni Grae. Naubo naman si Fres.

"Oo nga Fres, bakit di mo na lang pinalampas? Dont get me wrong Fres. Nagtatanong lang ako" sabi ko sa kanya.

"Baka kasi maulit yon bro. Pero wag ka mag alala di naman ako galit sa ginawa ng lil sis mo" sabi ni Fres.

"About PA thingy bro? Ano yun?" Nabilaukan naman si Fres sa tanong ko.

"Naulit nya yon?" Tumango lang naman ako.

"Di naman kasi PA talaga yon. Admin lang. Di ko lang alam kung anong pumasok sa isip ko at PA ang nasabi ko."

"Naku bro, makulit yon." Banta ko sa kanya.

"Okay lang yon! She must know her limitations na naman siguro. Kagaya ngayon alam nya ng barkada mo ko, pero di ka naman nya kinukulit"

"Sabagay. Basta, bro. Ikaw na din bahala sa kanya" tiwalang sabi ko. Aware ako na si Fres ay inlove kay Grae. Kahit di nya sabihin. Halatang halata namin ni Pat yon. At etong si Grae. Ang.manhid! Kaya alam kong di ako magkakaproblema sa kanilang dalawa.

Fres POV

Naulit din pala ni Leibniz sa kuya nya yubg tungkol sa PA thingy. Buti na lang nakalusot ako kanina.

Ang plano ko kasi talaga ay gamitin si Leibniz. Nagselos ako sa nakita ko sa sb nung nagsusubuan si Nathan at Grae kaya nasabi kong PA. Gaya sa mga isinusulat ko, gusto kong pagselosin si Grae sa pamamagitan ni Leibniz. Hindi ko kasi maintindihan si Grae kung may pag asa ba ko sa kanya or wala. Minsan, nagpapakita sya ng motibo. Minsan naman parang wala lang ako sa kanya. Kaya naisip kong makakatulong si Leibniz samin. Pero nung nalaman kong kapatid pala ni Nathan si Leibniz. Nakonsensya naman agad ako, kaya di ko na tinuloy ang balak ko. Para naman makalusot ako kanina sa tanong ni Nathan. Sinabi ko na lang na gagawin kong Admin ang kapatid nya. Total, hindi nadin active ang admins ko. At kailangan ko ng maghanap ng bago.

Bago ako matulog ay itinext ko na si Leibniz na magkita kami bukas ng hapon.

No PlagiarismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon