"ayiiie!!!!!" matinis na sigaw ni Myar habang nakasunod ang mga mata sa Volkswagen na dumaan.
"ano ba yan Maria, kung makatili ka jan parang walang bukas" sita ng pinsan nyang si Myrtle. sa lahat ang mommy lang nya at si myrtle ang tumatawag ng Maria, Myar ay jumbled for Mary.
"hahaha! kasi naman naka 23 na ko, konti na lang couz." tuwang tuwa sagot nya sa pinsan nyang nakakunot ang noo.
"ano naman yun? ibig sabihin naniniwala ka talaga dun?" manghang tanong nito sa kanya
Noong mga bata pa kasi sila nagkwento ang mommy nya na para malaman nila kung sino soul mate nila magbilang sila ng 50 volkswagen car at iyong kulay ng volks na pang50th ay katulad ng damit ng soulmate nila, at kelangan yung unang makita nya sa araw na iyon. para sa kanya isa iyon sa pinakamahalagang naibahagi sa kanya ng kanyang ina.
TOINK!!!!
"aray! para san naman yun?" inis nyang tanong sa pinsan habang hinihimas ang ulong sinapok nito.
"ang sabi kasi ni kuya Carl pag may dumaan na Volks, pektusan daw yun katabi" sagot ng pinsan nya habang ngingisi ngisi
"24!" excited na sigaw nya na nakalimutan na ang ginawa ng pinsan
"hay naku couz, makaalis nga muna, punta ako ng clubhouse para sa gaganapin atang charity works duon." paalam nito
"oki!" sagot naman nya pero maya maya din tinawag nya ang pinsan nya
"couz! yan ba yung paparegister para sa gaganapin night for a cause?" tanong nya dito habang humihingal pa dahil sa pagtakbo sa hagdan
"uhm, oo. bakit?" tanong naman nito
"join tayo!" yaya nya dito kasi naalala nya nag invite nga pala si Robby nung isang linggo.
Si Robby kababata nilang magpinsan at classmate din nla ni Myrtle , crush nya ito simula pa noong grade 6 sila , ngayon graduating na sila ng 4th year highscool (di pa K-12) at active sa iba't ibang organization ang binata kaya lalong humanga si Myar.
Pagdating sa Clubhouse...
"ang daming tao, di ko makita si Robby. " reklamo nya agad pagkakita sa mahabang queue sa registration
"magpalista tayo para makita mo, laki ng problema nito. " ani Myrtle
Kaya lang napasimangot sya kaagad ng may matanaw ang kanyang mga mata.
"mamaya na lang " sabi nya sa pinsan nya
"ano ka ba? baka maubusan tayo ng ticket?" ani Myrtle
wala na nga siya nagawa kaya pumila na rin sila. Nang malapit na sila sa registration table kung saan nakapwesto si Robby, may biglang sumingit sa unahan nilang 3 babae kaya di nya makita lalo si Robby.
tinapik ito ni Myrtle at sinabi "Miss, excuse me. May pila kasi," pero tiningnan lang ito at saka nagbulungan na paismid ismid pa kay Myrtle kung kaya naman di na nakatiis si Myar at kinompronta ang mga sumingit na babae.
"sinabi nyang may pila di ba?" umpisa ni Myar,
"narinig namin" sagot ng isang babae nakapekpek shorts na maitim ang tuhod
"Angas nito ah!" nayayamot na siya kaya lang pinipigilan sila ni Myrtle
"hindi naman kayo tagarito ah" dagdag pa nya ng inirapan siya ng mga ito.
"so?! Ang alam namin kami ang priority, they even invited us to come and escorted us here, anong problema mo?" sagot naman ng isang maarteng babae na nakasuper mini skirt.
Magsasalita pa sana siya ng lumapit sa kanya ang pinaka ayaw niyang nilalang sa balat ng lupa.
Meet Yram, ang pinakamayabang na alien sa balat ng lupa, pinsan ni Robby na galing Singapore. Nagtransfer ito nun grade 5 na siya, classmates din siya nila Myar.
Nakita nyang nakatingin sa kanya ang alien este ang binata pala kaya't umiwas siya ng tingin. Nagulat na lang siya ng magsalita ito.
"hi girls!" masiglang bati nito,babarahin na niya sana ng sumagot yun babaeng naka micro skirt
"I want to go na, we're not welcome here." maarteng wika nito
"why? Did something happened? " tanong ng binata dito
"actually we were bullied before you came, lucky us!" dagdag pa ng mahaderang naka micro skirt
"excuse me?!" di na xa nakatiis kaya sumagot na siya "bullied is not the right word miss, we are in this queue and you just step in, that was rude you know?" ito na nga siya, pag nagagalit siya napapaenglish din siya.
"that was rude too, we were talking here and you just interrupted our conversation, that made you guilty lady. By the way, Robby asked them to come," sabat naman ng lalaki habang ngingisi ngisi.
"what?!" and she was lost, she can feel the betrayal so she just walked away
naglakad siya palayo ng clubhouse at nang makarating siya sa may parking area umupo siya sa bench at napatulala sa mga nakita nya.
"Myar! Myar! Myar! Wait!" Habol sa kanya ng pinsan. "napatulala ka jan?" tanong sa kanya ng pinsan at sinundan ng tingin ang mga mata nya at...
"Wow! Ang daming pagong!" sabi ng pinsan nya, halatang naamaze din ito sa nakita
Di siya makapaniwalang ang daming nakapark na Volks dito sa parking area.
"My day is not that bad after all, di ba couz? Makukumpleto ko na ang bilang ko!" excited na pahayag nya sa pinsan habang sinisimulan na ang pagbibilang nya.
Nangingiti na lang si Myrtle sa kanya, alam naman nito na mababaw siyang tao.
"49!" sigaw nya "isa na lang couz, sana blue, mahilig si Robby sa blue eh."
"tara na! balik na tayo sa registration" yaya sa kanya ng pinsan
"mamaya na lang, may mga panget dun." inis nyang sagot
Nagkibit balikat na lang ang pinsan nya ng tumayo na siya at naglakad na pauwi.
Pinaka ayaw nya kasi yun sinasagot at nagmamaldita sa pinsan nya, di kasi ito lumalaban kaya siya na lang, kahit na matanda ito sa kanya ng isang taon pakiramdam nya responsable sya dito, simula iwan ito ng momi nito sa kanila siya na ang tagapagtanggol nito.
Habang naglalakad, may sasakyan na lumampas sa kanya at ikinatili nya.
"Grabe couz, mahiya ka naman, ang ingay ingay mu" saway ng pinsan nya
"couz, 50 na! 50 na!" excited na sabi nya, "i-i-its bbbblue!" tuwang tuwa siya hanggang makauwi sila at saglit na nalimutan ang mga mahaderang babae sa Clubhouse.