trouble.trouble.trouble.

6 1 0
                                    

"Good! Meet me here at the lobby!"

Loading...
.
.
.
.
.

"sorry?" sagot nya sa pinsan, gusto nya ipaulit dito ang sinabi nito at baka mali sya ng pagkakarinig.

"Couz, I'm here at the hotel lobby." sagot din naman nito at medyo nahihimigan nya ang lungkot sa boses nito.

Nagsuot sya ng robe nya at bumaba sa lobby ng hotel para sunduin si Myrtle. Pagbukas pa lang ng elevator sa lobby nakita na kaagad nya ang pinsan nya. Nakatagilid ito kaya di nito agad napansin na papalapit na sya. Habang naglalakad palapit kay Myrtle, napansin nya na parang namayat ito. May problema nga ito. Sabi ng isip nya.

Halos isang pulgada na lang ang pagitan nila ng maramdaman siguro nito ang presensya nya kaya lumingon ito sa kanya. Nangigitim ang ilalim ng mga mata nito at namumugto.

Pagkakita sa kanya, bigla itong lumapit sa kanya at yumakap. Di na din nito napigilan ang sarili na umiyak sa kanya. Naguguluhan man, hinayaan nya lang ang pinsan nya na umiyak, wala syang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga tao. Nang mahimasmasan naman na ito, yakap yakap pa rin nya to habang inaya na papunta sa elevator. Sinenyasan nya na lang yun isang roomboy na ihatid sa room nya yun mga gamit ni Myrtle, kilala naman na sya nun staff dahil na rin kay Arym.

.....

"I don't know what to do couz." matapos ikwento sa kanya ni Myrtle ang problema nito pero ayaw nya magconclude agad dahil kelangan nya pa din marinig ang side ni Robbie.

"Ano ba nangyari?" tanong nya dito ng makapasok ba sila sa kwartong tinutuluyan nya. Aaminin nya, minsan naiinggit sya sa pinsan nya pero sa nakikita nya ngayon parang naaawa sta dito. Nangingitim ang paligid ng mfa mata nito ang medyo namayat.

"Si Robbie"

"What about him? " tanong uli nya dito.

"I have a feeling na niloloko na nya ako, may babae sya." sabi nito na labis nysng kinagulat

"What made you think that way?"

Tiningnan nyang maigi si Myrtle pero di ito sumagot, instead, nilalaro nito ang mga kuko at parang maiiyak na naman.

"lam mo couz, naiinggit ako sa'yo." nakita nya ang gulat sa mukha nito ng sabihin nya yun.
"you have a perfect relationship. You love him, he loves you. So, ano pang inaarte arte mo?"

"No couz, you don't understand. Nung una ok kami. As in ok, tapos nung pumasok na sya sa law school parang nag-iba, tapos may locked na yun cp nya. Lagi pati syang ginagabi sa pag-uwi. Pati yun agency pinagdidiskitahan nya, and worst he asked me to have it close." Paliwanag nito habang umiiyak.

Hindi sya makapaniwala sa mga sinabi nito, buong akala nya ay napakasaya ng pagsasama ng dalawa. Alam nyang mahal na mahal ni Robbie ang pinsan nya kaya naman parang hindi matanggap ng sistema nya na may kinalolokohang babae ang asawa ng pinsan nya. At yun pagpapasara ng business ng pinsan nya ang lalong di katanggap tanggap. Maliit pa lamang si Myrtle pinangarap na nya yun at alam yun ni Robbie kaya naman bakit nito hihilingin ang ganun bagay.

Matapos ang pagiyak nito, tinabihan nya ang pinsan nya sa pagtulog habang hinahagod nya ang likod nito nang dalawin sya ng antok.

Pinutol ng sunod sunod na ring ang pagtulog nya. Pikit matang kinakapa nya ang mobile phone nya pero di nya makapa. Tutulog na uli sya ng magring na naman and this time nakapa na nya ang phone nya.

"hello..." namamalat pa ang boses nya ng sagutin.

"meet me here on your doorstep." sagot ng nasa kabilang linya.

"huh?!" nagtatakang tanong nya, saka lang nya tiningnan kung sino ang caller nya kasi parang nabosesan nya ito. Bigla syang napabalikwas ng mapagtanto nya kung sino nga ang caller nya. Di sya magkadaugaga sa pagsuot ng robe nya habang tumatakbo papunta sa pintuan.

"what....whh... Ahm...you're robe" nagkandauutal na sabi nito sa kanya pagbukas nya ng pinto. Tiningnan nya ang sinasabi nito at nakita nyang halos makita na ang dibdib nya dahil sa di maayos na pagkakabuhol ng robe nya, loose shirt lang kasi ang suot nya at panty, di sya nagsusuot ng bra pag natutulog at ngayon nga ay halos makita na ni Arym ang kaluluwa nya. At dahil sa hiya, bigla nyang naisara ang pinto.

"What brought you here?" tanong nya dito ng mahimasmasan na sya. Nakaupo na sila ngayon sa receiving area ng room nya. Pilit nyang kinukubli ang hiyang naramdaman kanina,at ngayon nga ay panay ang paghigpit nya ng tali ng robe nya. Nakakaloka lang, kahapon lang kakaibang ganap ang nangyari, taz madaling araw dumating si Myrtle na nagiiyak at ngayon naman wala pang 24oras ang pangyayari sa kanila ni Arym at ito na naman ang lalaking ito.

"where is she?" di nito sinagot ang tanong nya pero alam nya ngaun bakit ito nagpunta sa kanya.

"who's she?" pangaasar nya dito.

"you know who she is, stop playing dumb Myar Stella." sagot nitong parang nayayamot.

"I don't know." natutuwa sya sa nakikitang itsura ng lalaking kaharap.

"ok! We both know who am I referring to. Now, tell me where is Myrtle? Robby's keep on calling me. For heaven's sake, I'm up until 1:00am and when I'm about to have my sleep, my cousin keeps on bothering me." mahabang litanya nito.

Bakit? Ikaw lang ba? Ngali ngali nya ng sabihin ito sa kaharap ng....

"Arym?!" sabay silang napalingon kay Myrtle, palapit ito sa kanila at kita sa mukha nito na narinig nito ang lahat ng napag usapan nila ng binata.

Paglingon nya kitang kita nya ang tingin ni Arym na parang nanguuyam. Lagot.

The Sign Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon