Yes! It's BLUE

30 1 0
                                    

Pagkauwi nila kinuha nya kagad ang bola ng volleyball at niyaya ang pinsan maglaro gusto nya ilabas ang inis nya pero wala pang 15mins tumigil na sila. Parehong nakasimangot ang magpinsan habang nakatambay sa labas ng gate ng bahay nila, dahil nagkaubusan na daw ng ticket para sa charity event sa village nila. Bawat magdaan sa harapan nila yun ang naririnig nila kaya naman lalong nabubusangot ang mukha nilang magpinsan. Ok na sana siya, nakangiti pa sya habang naglalakad pauwi, medyo nawala na yun inis nya kaya lang dahil sa mga narinig nya bumalik na naman sa kanya ang nangyari sa Clubhouse kanina.

"hay!!! nakakainis, likod lang nakita ko kay Robbi. pero atleast alam ko nakablue siya." kinikilig pa nya sabi sa pinsan

"hay!!! naiinis din ako kasi bakit ba sinaway saway ko pa yun mga babaeng yun, andun na tayo, konting hakbang na lang. lam mo naman na gusto ko yun mga ganun activities." malungkot na pahayag ng pinsan nya. Dahil sa sinabing iyon ng pinsan para naman syang nakonsensya.

"sorry na couz, kasi naman may pag irap irap pa yun mga panget na yun eh," hinging paumanhin nya dito

"Myar! Myrtle!" sabay pa sila lumingon sa tumatawag sa kanila ng ngpaningning ng kanyang mga mata, pero habang palapit ito nangunot ang kanyang nuo

"di ba nakablue ka kanina?" tanong nya kagad kay Robbi ng makalapit ito sa kanila. parang nanlumo siya ng makitang ibang kulay ang suot nitong t-shirt na hindi naman nito sinusuot.

"oo! kanina pa yun kaya lang pinawis na ko. patawa nga kasi bihira lang ko magsuot ng gantong kulay, ito pala nilagay ni mommy sa bag ko." kakamot kamot pa sa ulo habang nagkkwento

Lalo tuloy napasimangot si Myar ng mapatitig sa sa suot nitong damit.

"Parang shirt lang yan ng pinsan mo ah" sabi nya dito na di maitago ang yamot

"yeah, pero akin talaga 'to. binilhan kami ni mommy, balak pa ata kaming gawin kambal. hahaha!" sagot naman nito na ito lang ang tumatawa

"hmm, it's not you. I'm not use to it, you better change your shirt", naiinis nyang sabi dito

"hindi ba bagay sakin ang black?" tanong nito sa kanila

"bagay naman, you look good, di lang nga siguro kami sanay" sagot naman ng pinsan nya

"Ay ambot!" nasabi na lang nya dahil naiinis na talaga siya

"Bakit nga pala nawala kayo kanina? di ko na kayo napuntahan ang dami kasing nagparegister." pagbabago nito ng usapan

"ahm, ang haba nga kasi ng pila eh medyo nainip na kami tapos may mga sumisingit pa" si Myrtle na ang sumagot ng makitang busangot na lalo ang mukha nya kaya patagong natatawa na lang ito sa kanya

"ganon ba, nainip ka ba dun?" tanong nito sa kanya habang ginugulo ang buhok nya

Nilapit pa nito ang mukha sa kanya ng di pa rin siya sumasagot

"bunso, nainip ka ba dun sa clubhouse kanina?", tanong uli nito sa kanya, pag tinatawag na siya nitong bunso pakiramdam nya nilalambing siya nito.

"hindi sana, kaya lang kasi may mga sumisingit nga" sagot naman nya, di na nya ito matiis, oo nga, naiinis sya pero kinikilig din sya sa ginawa nito sa kanya, na malimit nitong gawin tuwing nakikita nito na busangot ang mukha nya.

"tapos may mahaderang babae sumingit sa unahan namin, aba sabi pa ikaw daw nagpapunta sa kanila," dagdag pa nya na may pagsusumbong

"ah, si Stefani! nasabi nga sakin ni Arym kanina" sagot naman nito

"ah, kilala mo pala talaga yun sila?" tumango naman ito ng tanungin ng pinsan nya, natahimik sya kasi totoo pala sinabi nun mga mahaderang yun

"nameet ko sila nun pinadala kami sa Tagaytay nun August for Climate Change Conference, di ka kasi sumama nun" sabi nito na ang kinakausap na ang pinsan nya.

Inis na inis na talaga sya, kaya napapahigpit na yun hawak nya sa bolang kanina pa nya hawak hawak.

"nasan nga pala si Arym?" tanong ng pinsan nya dito

"nagpaiwan, may kukunin pa daw sya, tinanong nga ko kung pupuntahan ko kayo kasi susunod daw sya." sagot naman nito

Tahimik pa rin sya, parang wala na siyang naririnig sa inis nya.

"ayan na pala e," narinig nyang sabi ng pinsan nya

nakayuko lang syang nakatingin sa hawak nyang bola kaya nagulat siya ng may kamay na biglang sumulpot sa may mukha nya at may hawak na charity event ticket, at dahil dun napatingala siya para lalo lang magulat.

"ahhhhhh!" sigaw nya sabay bato ng bola sa taong nag abot ng ticket sa kanya at saka tumalikod at humakbang pauwi. padabog nyang sinara ang gate nila sa gigil nya.

"bakit? anung ginawa ko dun?" naguguluhang tanong ni Arym habang hawak hawak ang bolang ibinato sa kanya, buti na lang mabilis ang reflexes nya at hindi sa mukha nya tumama ang bola.

Nagkibit balikat lang si Robby

"naka BLUE ka kasi, hahahahahaha!" sagot ni Myrtle habang tumatawa at tumalikod na din pauwi

Nagkatinginan ang magpinsang Arym at Robby sabay napailing at naglakad na din pauwi sa kani-kanilang bahay.

"oh!" sabay abot ng ticket sa kanya ni Myrtle,

Tiningnan nya lang 'to, nabblanko sya ngayon dahil sa nakit, dapat makausap nya kagad ang mommy nya para magtanong ng pangontra. di maaari yun nakita nya, imposible, ang tao ay para sa tao lamang at ang alien ay sa alien lang.

Pakiramdam nya pinagkaisahan sya ng mundo. Akala nya magiging maganda ang araw nya dahil sa mga volkswagen na yun pero bakit tila hindi umaayon sa kagustuhan nya ang lahat ng pangyayari.

Bumalik na naman tuloy sa isip nya ang nangyari noon kaya gigil na gigil sya sa lalaki.





The Sign Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon