Surprise

3 1 0
                                    

Everything goes smoothly. Walang masyadong hassle sa work, review lng ng shopdrawings at sa site. Ang maganda pa nito di nya masyadong nakikita si Arym, hay maganda nga ba?
Sa maghapon na nagdaan, hindi manlang sumilip si Arym. Aminin man nya o hundi, kahit naman nagtatalo sila malimit gusto nya pa din nakikita ang pagmumukha ng binata. Nakakawala ng pagod para sa kanya. Pakiramdam nya pagod na pagod sya kasi di nya nakikita ang binata. Kasalukuyan syang may nirereview na drawing ng may pumasok sa loob ng opisina nya.

"hi pretty consultant! Itatanong ko lang kung bakit narevised na naman yun location ng mga FCU?" si Jim ang lumapit at halatang nagpapacute sa kanya.

Ang lalaking ito ang wala ng ginawa sa kanya kundi ang magpapansin. Kahit napakasimpleng bagay itatanong pa sa kanya para lang makalapit. Gaya na lamang ngayon, inilahad nito ang blueprint na dala dala at iniharap sa kanya at saka naman pumwesto sa may likuran nya. Tiningnan nya ang sinasabi nito at saka nagpaliwanag.

"well! as you can see it, the pipeline length is not enough, we can't move the CU's anymore here...Ahhhhhh!" nageexplain sya ng bigla na lang bumulagta si Jim sa gilid nya kaya bigla syang nagulat at napasigaw.

"what's your problem?" singhal nya kay Arym ng makita nyang naguusok ang mukha nito sa galit, si Jim naman ay tatawa tawang pinapahiran ng panyo ang labing nagdugo sa pagkakasuntok ni Arym. Hawak hawak pa nya ang dibdib nya sa bilis ng kabog nito dahil sa gulat.

Imbis na sagutin sya hinarap nito si Jim, at binantaan.
"stay away from her or else..."

"or else?" hamon na tanong naman ni Jim na napatiim baga.

"I'll break your neck. And i know that you know that I can do that." pagbabanta nito saka sya hinatak palayo, nagulat ang mga kasamahan nilang nasa container van lalo na nung binalibag nito ang pinto ng site office nila.

.......

"what's wrong with you?" iritang tanong ni Myar sa kanya ng makapasok na sila sa kotse nya.

Tahimik lang syang inistart ang engine ng kotse, di nya alam kung bakit bigla na lang nya sinuntok si Jim eh pede naman magcause sya ng ingay kanina para malaman nito na may taong nakakita sa kanila pero masisisi ba sya eh nakita nyang papalapit na ang mukha ni Jim kay Myar, inaamoy amoy pa nito ang buhok ng dalaga kaya di na nya napigilan ang sarili. Tanglang talaga, mapapatay nya talaga si Jim, ang dami dami na nitong babae isasali pa si Myar. Sa galit nya nasuntok nya ang manibela habang nagddrive.

"Ahhhhhh! Ano ba talaga ang problema mo?!" sigaw ni Myar dahil sa frustration. Kanina pa nya tinatanong si Arym kung bakit nito sinuntok si Jim pero walang sagot, kita nyang galit ito pero mas galit na sya.

Tinigil naman ni Arym ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"what do you think you're doing? May trabaho akong tinatapos duon tapos bigla ka na lang manununtok at ngayon tinangay mo na lang ako bigla at gagawing parang tanga." galit na litanya nya sa binata. Galit na galit talaga sya, ngayon na nga lang ito nagpakita tapos gumawa pa ng eksena.

Nagiba naman ng expression ang binata, humarap ito sa kanya.

"I'm sorry" sabi nito na nakitaan nya ng lungkot sa mata.

"Wow ha! Sorry? Anu yun? Habit mo ng gumawa ng eksena tapos saka ka magsosorry? Wow talaga!" sarkastikong sagot naman nya na nakataas pa ang kaliwang kilay nya.

"ok, I'm sorry. But I did what I know is right." sagot nito sa kanya at nakita nyang napatiim bagang na naman ito.

Di na sya umimik, nakakapagod ng sumigaw. Pagod na nga sya sa trabaho sasabayan pa nitong mokong na to.

Nakakabinging katahimikan ang pumailanlang sa sasakyan nya. Kita nya ang pagod sa mukha ng dalaga, pero ang ganda ganda pa rin talaga nito.

"he was about to kiss you," out of nowhere nasabi nya yun. Di nya matiis eh, kelangan nyang mailabas at baka sumabog na naman sya eh sa susunod na magkita sila ni Jim mapapatay nya talaga yun.

"what?" nagulat talaga sya sinabi nito.

"yes, he was. I saw it, while you were explaining something he was plotting something too." malumanay nyang sagot na nakatingin sa harap ng sasakyan.

"As if it is something that concern you." Biglang nasabi nya dito

"I'm still your friend, we are in a same circle of friends thats why i'm concern. I'm sorry if i cross over the line." Hinging paumanhin nito ng di tumitibgin sa kanya.

.......

Di sya makatulog, di nya malimutan ang nangyari ng hapon na yun, nalilito sya sa mga kinikilos ni Arym. Di na rin sila nagimikan hanggang makarating sila sa hotel. Pagkababa nya sa sasakyan umalis na din ito agad.

Pero yun friends daw sila, parang yun ang di nya matanggap.

Ala-una na ng umaga pero gising na gising pa din sya. Nakailang ikot na sya sa kama di pa rin sya dalawin ng antok, at ngayon nga ay nakatuwad sya at pasilip slip sa mobile phone nya ng bigla itong magring.

Myrtle calling...

"hello?" nagtataka man sinagot pa din nya ang tawag nito.

"Couz, gising ka pa?" tanong nito sa kanya

"malamang! Kausap mo nga ko ngayon db?" sagot nya dito. Ano naman kaya problema nitong pinsan nya at napatawag ng ganon oras.

"Good! Fetch me here at the lobby!"

The Sign Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon