that awkward moment

8 0 0
                                    

"naligo ka ba kaninang madaling araw sa beach?" tanong ni Alda sa kanya. Nasa restaurant na sila sa baba ng hotel para magbreakfast.

"huh?! Hindi, bakit mo natanong?" tanong nya dito.

"pagpasok ko kasi ng toilet nandun yun damit mo sa may bath tub, akala ko nga sa shower ka nagbasa kaya lang puro buhangin." bigla tuloy syang natigilan sa sinabi nito.
"anyway, pinakuha ko na sa Room service yun mga basang damit. Si Myrtle ang naligo kagabi." dagdag pa nito.

"What?!" sagot na lang nya.

"Pero okay naman sya, sinundan namin kagabi akala nga namin ngeemote pero maliligo lang daw sya. Wag mo na lang muna tanungin tungkol dun." Bulong ni Alda sa kanya.

"where's the others? I thought Arym will be staying with us since Mark took his suite but he never showed up. Si Robbie maagang umalis." si Cloud uli

"ano ba kayo? Malamang sa kanila to, e d syempre madami pede ioccupy si Arym. Hayyy. I'm still sleepy. Si Valeen pala nakita ko kagabi sabi nya may event daw sya sa kabilang resort, akala ko kasama talaga natin sya." si Aina

"san ka nga pala natulog kagabi babae?" tanong ni Sky kay Aina.

"Ahm,... hey, Arym. Dito ka lang sa tabi ko oh." di na nito naituloy ang sasabihin ng tinawag ni Aina ang paparating na binata.

"Good morning guys!" bati ng binata sa kanila

"Ganda ng gising natin ah," sabat naman ni JC. Pero Nagkibit balikat lang ito.

"Good morning." Bati ni Myrtle na mukhang maaliwalas na ang mukha, parang mas naging kumportable pa ito ng malamang umalis na ang asawa.

Bandang alas nueve ng umaga nagkayayaan sila na magsnorkeling, excited na ang lahat.

Nang nasa ilalim na sila ng dagat nagulat na lang sya ng may humawak sa kamay nya at paglingon nya si Arym ito. Naguguluhan man ay sumunod sya dito ng tinanguan sya nito na parang pinasusunod sya. Nang tumigil ito sa paglangoy ay tumigil na din sya, ang daming mga isdang nakapaligid, ito na ata ang pinakamagandang lugar sa ilalim. Tuwang tuwa sya sa nakita, iba't ibang klase ng isda ang mga nakikita nya. Sa sobrang tuwa nya nya di na nya napigilan na titigan si Arym, minsan di nya maintindihan ang lalaki pero ngayon alam nyang masaya sya. Maya maya lang ay nagdatingan na ang mga kaibigan nila sa kinaroroonan nila.

After magsnorkeling, nagswimming ang iba. Sya naman ay nasa lounge chair lang. Papalapit sa kanya si Alda at Sky ng may lumapit sa kanyang staff ng hotel.

"Miss Myar, sa inyo po ba ito?" tanong nito sabay abot ng hand phone nya na nawala na sa isip nya. Kinuha nya at nagpasalamat pero di nya maalala kung saan nya ito naiwan, siguro nun nagliligpit sila kagabi ng mga kalat nila.

"hey, san mo nga pala to nakuha? Nawala na kasi sa isip ko." tanong nya dito bago ito tumalikod sa kanila.

"sa ano po Miss...."

"Ricky, is that my phone?" tawag ng paparating na Arym sa crew na kausap nya.

"yes boss, kasama po nun phone ni Miss Myar, nakuha po namin sa may dalampasigan kaninang umaga." sagot nito na nagpatigil sa kanilang lahat.

Napayuko sya kagad, but one thing is for sure, all eyes are on her and Arym. That's awkward, right?

But she keep her mouth locked and infairness to their friends, they respect their silence but she can see the teased in their eyes.

Ala singko ng hapon ng magpasya ang mga ito na bumalik na sa Manila, mga nagleave lang pala ang mga ito ng malamang doon nagpunta si Myrtle, ganun din naman sila ni Arym, di rin sila nagpunta ng site maghapon. Hinatid nila pareho ang mga ito papuntang airport. They kissed her and bid goodbye but before they all left Myrtle went back to her and whisper.

"I saw everything last night. But i won't spill. Thank you couz, be happy. I love you." Myrtle said with a smile and walked away.

Pinamulahan sya ng mukha ng malaman nyang may nakakita sa kanila ni Arym kagabi.

The Sign Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon