Nang umaga din na yun dumating din si Robbie, hinayaan nya lang na magusap ang pinsan nya at ang lalaki. Pero nangako sila ni Myrtle na walang makakaalam ng tunay na dahilan kung bakit ito umalis, aalamin muna nito kung tama ang hinala nito sa asawa.
Kita naman nya na nagmamahalan ang mga ito, baka miscommunication lang. After niyang pabalikin sa kwarto si Myrtle at sinabing matulog muna ay bumaba naman silang dalawa ni Arym sa cafeteria ng hotel para magusap.
Pabalik na sya sa hotel room ng dumating si Robbie at mukhang wala pa din tulog."Are you trying to hide your cousin inside our hotel premises?" Tanong ni Arym sa kanya pagkaupo pa lang nya galing sa counter.
"Pwede bang humigop muna ng kape, pangpagising lang? Pwede po ba?" Mapang asar nyang sagot nito. Tiningnan lang sya nito ng masama at nag "tsk" kaya pinagpatuloy nya ang pag inom nya ng kape. Nang makita nyang naiinip na ito at halos naubos na rin nito ang sariling kape saka lamang nya naisipan sagutin.
"I'm not planning to hide her, ok? I was also surprised by her sudden appearance." Tinaasaan sya nito ng kilay na para bang hindi kumbinsido pero tinuloy nya pa din.
"I'm about to sleep when she called me and saying she was at the lobby so i went to the lobby to fetch her. If you're not convinced you can check the cctv, it's your hotel afterall.""Did she told you the reason why she ran away?" Tanong nito sa kanya, napansin nyang parang lumungkot ang mukha nito.
"No," tanggi nya, nakapangako sya kay Myrtle na wala syang pagsasabihan.
Papasok na sya ng elevator para bumalik sa hotel room nya ng may tumawag sa pangalan nya na ikinalingon nya ganun din si Arym.
"Robbie," nasambit nya at saka lumingon sa kalapit nya. She want to ask him if he already informed Robbie about Myrtle but he just sigh as if he was also surprised.
Habang papalapit ito sa kanila kitang kita nya ang pangingitim ng paligid ng mga mata nito gaya ng kay Myrtle kaninang umaga.
"Where is she?" Tanong nito sa kanya ng makalapit sa kanila
"Bro, let's eat first. You look like a mess." aya naman ni Arym dito
"No, i need to see her. Please Myar, where is she?" Robbie pleads to her.
"You really like a mess Robbie, kumain ka muna saka ko sasabihin sayo kung nasaan sya or better yet ako mismo ang magdadala sa kanya papunta sa iyo." Tumalikod na sya sa mga ito at ng lumingon sya nakita nyang papunta na ang dalawa sa exclusive elevator na para lang sa may ari ng hotel.
Pagpasok nya ng hotel room nya, nakita nyang gising na si Myrtle.
"Your husband is here. We met downstair." Anunsyo nya dito.
"Sorry couz, pati ikaw nagugulo ko na din." Sabi nito na malungkot ang mukha.
"No worries, we're sisters, ok? Here, take this. Kumain ka naman, nangangayayat ka na." abot nya dito ng kape at sandwiches na tinake out nya kanina.
"Thank you couz, but I have a bad feeling why he goes all the way here."sabi nito habang nakatanaw sa labas
"Wag ka nga magisip ng kung anu-ano dyan. Kumain ka na at lalabas tayo mamaya, kausapin mo yun asawa mo. You both look like a mess."
After that naligo na sya, nang makita nyang tapos na ito kumain inaya na nya itong bumaba.
Kasalukuyan syang nakaupo sa veranda ng hotel at nakatanaw sa dagat, buti na lang at walang pasok ipinagpasalamat nya na Linggo ngayon dahil sa daming kaganapan sa araw na yun.
Marriage.
Their cousins married at the very young age, though she thinks it was not being impulsive because from afar she can see the love the two have for each other so part of her is wondering if Robbie can really do that thing to her cousin.
Impossible. Sabi ng utak nya habang nakamasid sa dalawa. Pero whatever it is, bahala na si tadhana.
Napabuntong hininga sya sa naisip at naalala nya bigla ang kalokohan nila ni Myrtle nuon.
Knock. Knock. Knock. Katok nya sa pinto ng kwarto ni Myrtle.
"Couz, can I come in?" tanong nya kay Myrtle ng buksan nito ang pinto ng kwarto. Ngumiti naman ito sa kanya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"so, what do you have now?" tanong nito sa kanya ng maupo sya sa kama nito. Sanay na ito sa kanya na pag pumupunta sya sa kwarto nito ay may kung anu-ano syang dala para sa orasyon nila.
"here!" sabay lapag ng diamond ring sa kama nito.
"where did you get that?!" tanong nito sa kanya na parang shock sa nakita. Ang daming maliliit na bato na nakakabit sa singsing kaya lalo itong nanginginang sa ganda.
"from mom," kaswal na sagot nya
"I asked her when are we going to marry and she lend me that one." dagdag pa nya."really? So how?" di naman halatang excited ang pinsan nya. Minsan napaka prim and proper nito minsan naman exaggerated.
Sinimulan na nila ang orasyon nila. Nauna nagtry si Myrtle kasi nga di sya halatang excited. Ipinaliwanag nya dito ang dapat gawin.
1. Ibuhol ang singsing sa puting sinulid
2. Kausapin ang singsing at tanungin kung ilan taon sya ikakasal
3. Ilubog ang singsing sa kalahating basong tubig. (glass water)
4. Iangat ang singsing at hayaan gumalaw.
Bilangin ang tama ng singsing sa baso at yun ang marrying age mo. (wag bibitaw hanggang di tumitigil sa pagikot at paggalaw ang singsing.)"21? Really? Am I not too young for that?" tanong nito sa kanya na di makapaniwala.
"Di naman, for sure may trabaho ka na non. Age is just a number ika nga. Now, let me try." sinubukan nga nya at buong konsentrasyon ang ibinigay nya dito.
22..
Tik..
23..
Tik..
"oh my... Nakakaexcite couz, ang tagal tumigil nun sa'yo." di sya umiimik, nagcoconcentrate sya maigi, medyo naiinip na din sya, umiikot ikot lang ang singsing sa baso.
Tik..
Napahinga sya ng malalim.
Titig na titig sya sa singsing.
Ikot na uli pero ngayon mahina na.
Tik..
.....
Tik..
Bigla naman tumigil ang singsing. Iyon na nga. 28? Hmm. Di na masama.
"Couz, ulit ako ha. Kasi I'm too young to marry at 21, malay mo maiba. Hehe!" kinuha nito ang singsing at nagpalit ng sinulid. After ng try nito, iba na bilang nito.
"30 na couz, baka naman di totoo yan." sabi na naman ni Myrtle
"di kaya mabbyuda ka ng maaga and then you will re-marry?." Saad uli nya, kinuha nya uli ang singsing at ginaya nya ang pinsan na umulit uli. Pero 28 talaga sa kanya. Nang umulit uli si Myrtle 30 na uli kaya pinalagay nilang 30 pa magaasawa ang pinsan nya.
28...bulong nya sa sarili habang tiningnan ang magasawa na masinsinang naguusap sa may dalampasigan.
Baka nga totoo yun singsing naisip nya. Pero hindi naman nya gugustuhin maghiwalay ang mga ito, masyado nilang mahal ang isa't isa para mangyari yun. Pero paano nga kung totoo.