Salamat readers.
Ikot na sya ng ikot kakahanap kay Myar pero di nya talaga makita, naiinis tuloy sya kung bakit naharang harang pa sya ng mga kaklase nya para lang sa picture. Tinanong na nya si Alda at sabi nito na nagpunta lang ang dalaga sa washroom pero kanina pa yun. Kinakabahan sya kasi baka makita nito sina Robby at Myrtle. Bahala na, kelangan nyang mapigilan ang posibleng mangyari. It's really hard to see her crying and he can't bear seeing that pain.
Iba ang pakiramdam nya habang tinatahak ang daan sa lugar kung san hindi nya dapat puntahan. Oo, alam nya na maguusap si Robby at Myrtle dahil nakausap nya ang pinsan nya. Sinabihan nya to na gawin yun sa paraan na di malalaman o makikita ni Myar, dahil pag mangyari yun makakatikim talaga sa kanya si Robby.
Habang naglalakad sya, may napansin syang bulto ng babae na nakatago sa likod ng halamanan, palapit sya dito para kumpirmahin pero ikinagulat nya ang pagtayo nito at kitang kita nya ang sakit na nadarama nito.
"Sh*t!" he hardly cursed. Seeing her like that is so painful. Di sya napansin nito kaya bumangga ito sa kanya, gusto nya itong yakapin. Ramdam na ramdam nya ang pagpipigil nito sa pagiyak.
Di na nya napigilan ang sarili na tawagin ang pangalan nito nang bumangga ito sa kanya.
"Myar," tawag nya dito at ang kinagulat nya ay ang biglang pagyakap nito sa kanya, ramdam na ramdam nya ang paghagulhol nito at ang luhang dumadaloy sa polo nya mula sa mga mata nito. Niyakap na din nya ang dalaga at hinawakan nya ang ulo nito.
He can feel the hurt inside her and it's killing him. He hugged her even tighter to lessen the pain. Nang maramdaman nyang tumigil na ito sa paghikbi, inilayo nya ito ng bahagya at iniaangat nya ang mukha ng dalaga. Their eyes met, he want to take away all those pains in her eyes, he touched her face and wiped away her tears, from her cheeks, side of her eyes and suddenly, without thinking he even touch her lips. Things happened so fast, without realizing he slowly bows his head and closed his eyes.
Myar was hypnotized by his touch and the way he look at her, unconsciously she closed her eyes, and what happened next, she can feel his lips touching hers. It's her first kiss.
He kissed her.
Then they heard some footstep that leads them back to reality. Myar doesn't know what to do, so she tried to walk away but Arym never let her. He quickly grabbed her hand and run away from the garden while holding her hand.
After ng pangyayaring yun sa pagitan nila ni Arym, hinatid naman sya nito sa bahay nila na di sila naguusap pero hanggang sa pumara ito ng taxi at makasakay, magkahawak pa rin ang kamay nila bumitaw lang ito ng makababa na sila ng taxi. Nakatitig sya ngayon sa salamin habang hinahawakan ang labi nya at paminsan minsang inihaharap sa salamin ang kamay na kaninang hawak hawak ng binata.
"nababaliw na ata ako, kanina umiiyak ako ngayon naman parang ang saya ko. Ano ba Myar?" kausap nya ang sarili sa harap ng salamin. Sa totoo lang di sya nasaktan sa nalaman nya tungkol kay Robby at Myrtle, nasaktan sya dahil niligawan sya nito para lang sa pinsan nya. Pakiramdam nya pinaglaruan sya nito, lalo na ang damdamin nya.
........
KINAUMAGAHAN maaga syang nagbreakfast. Gusto nyang kausapin si Myrtle pero tulog pa ito kaya lumabas muna sya, naglakad lakad sya papuntang clubhouse ng village nila.
Nagigihawahan sya sa hangin kahit na Marso pa lang, ang hangin ay di ganon kainit kahit na summer ang panahon. Malapit na sya sa Clubhouse ng marinig nyang may naglalaro ng basketball sa covered court nila kaya lumiko sya papunta ng court. Nang makarating sya ng court nakita nya ang barkadahan nila Arym at Robby ang naglalaro, pero mas natuon ang pansin nya sa magpinsan na parang nagkakainitan.
.........
SINUNDO ng barkada ang magpinsang Arym at Robby para maglaro ng basketball. Tatanggi sana sya kaya lang naipangako nya kasi to kay Cloud bago manlang ito umalis papuntang Canada.
Magkalaban sila ni Robby, pag sa tuwing napapatingin sya dito naaalala nya ang nangyari kagabi, naiinis sya pero napapangiti sya.
"bro, anong nangyari kagabi at nawala kayo ni Myrtle? " narinig nyang tanong ni Jc kay Robby.
"ah, wala. Sumakit daw ulo nya kaya sinamahan ko sa clinic, tapos hinatid ko pauwi." sagot naman ni Robby,
"loko ka pre, di ba nililigawan mo si Myar? " tanong naman ni Cloud, hinihintay nya ang isasagot ng pinsan nya.
"ah, wala yun. Di ko na rin naman itutuloy" yun lang ang sagot ni Robby pero uminit ang ulo nya. Gusto nyang murahin si Robby sa simpleng pagpapaasa nito kay Myar, naihagis na lang nya ang bola sa inis. Naging senyas naman iyon na maglaro uli sila.
Nagkakabalyahan na silang magpinsan, sinasadya nya rin naman. Di nya inaasahan na ganon si Robby towards kay Myar. Napalakas ang pagkakabangga nya kay Robby na ikinatumba nito.
"pre, problema ha? Kanina ka pa ganun maglaro." tanung nito na medyo malumanay.
Tinalikuran lang nya ang pinsan at baka makatikim na talaga to sa kanya. Pero di yata nagustuhan ni Robbi ang pagtalikod nya kaya bigla na lang sya nitong hinawakan sa balikat at pabalyang pinaharap sa kanya, at dahil dun bigla nya namang naibigwas ang kabilang kamao nya sa mukha nito at dun na nagsimula ang gulo.
.......
PAPALAPIT sya sa grupo nila Arym dahil sa nakita nya, natakot sya para sa dalawa.
"problem? Damn you!" narinig nyang galit na galit si Arym, pigil pigil lang ito ni Cloud pero halatang gusto pa nitong sapakin si Robby.
"pre, tama na." saway naman ni Mark na nakaalalay kay Robby, tahimik lang naman ang binata habang pinupunasan ang nagdugong labi sa pagkakasuntok ni Arym.
"she heard you last night! You know that?" narinig nyang nagsalita si Arym, walang nakakapansin sa kanya dahil nakatuon ang mga ito sa magpinsan
"galit ba sya? San nya kami narinig?" tanong ni Robby na halatang nabigla talaga, di nya alam kung bakit sobra ang kabang nararamdaman nya at di nya na rin maihakbang ang mga paa nya.
"the place you're not supposed to be at, Sh*t!!! I went there to look for you and I saw her there hiding in a bush, and crying!" sigaw ni Arym sa pinsan nito, at dahil sa narinig nya di nya mapigilan ang luhang dumadaloy sa kanya.
"so you knew about them?" finally she managed to utter the word.
Napatingin sa kanya ang lahat, nabigla ang mga ito ng makita sya.
"Myar, listen" sabi ni Arym na kayang lalapit sa kanya.
"don't you dare!" pigil nya dito.
Tiningnan nya ang buong barkada nila Arym at saka tumingin ng diretso kay Robby.
"I even admire you because I thought, you're the real gentleman but I was wrong, very wrong. Grabe! Ang kapal nyo." di nya na mapigilan ang pagiyak, napatingin naman sya kay Arym.
"and you!" sabay duro sa binata "ang kapal ng mukha mo! You just fooled me! Ever since you came, ginagawa mo akong tanga, masaya ka na? Nasaktan na naman ako! Napagtawanan na naman ako." bawat salitang lumalalabas sa bibig nya ay may diin. Akmang lalapit sa kanya ang binata kaya naman nasampal nya ito ng malakas at saka tumakbo palayo.Yun ang sakit na di nya malilimutan. Betrayed by the person whom she trusted the most, Myrtle, by the person he admired the most, Robby, and fooled by the person he thought he can trust, Arym.
At ngayon napagdesisyunan nya ng sumunod sa kuya Carl nya, dun na din sya mag-aaral. Kelangan nya ng iwan ang sakit na nararamdaman nya, masyado na siyang pinagkakaisahan ng mga taong inaakala nyang totoo sa kanya.