batang alien

23 2 0
                                    

Grade V- St.Paul

"sino ka?", tanong ni Myar sa batang lalaki nakaupo sa assigned seat nya, pero tinitigan lang sya nito at hindi nagsasalita.

"problema mo bata? upuan ko kasi yan, kung hindi ka aalis ihahagis kita sa labas" pananakot pa niya dito pero parang walang itong narinig at ipinilig pa nito ang ulo. Nabbwisit na siya kasi maya maya lang magbebell na, dun naman biglang dumating ang kaibigan si Robby.

"Ahm, Myar pinsan ko si Arym, Arym she's Myar, the Class President. Magttransfer siya dito sa school naten", pagpapakilala nito sa kanila
Napapanganga na lang siya kasi wala siyang maisip na sasabihin ng biglang magsalita ang batang kaharap na niya ngayon.

"Hi! Nice to meet you, Robby never told me that the Class president is a snob and such a nagger." ngumiti ito at inabot ang kamay na parang gusto makitang hand shake

"ALIEN KA?!" yun ang nasabi nya na napalakas pa imbis na foreigner sana , ewan ba nya bat iyon ang lumabas sa bibig nya at huli na pra bawiin pa ang nasabi nya dahil halos lahat ay nagtawanan sa narinig mula sa bibig nya. Saktong nagbulungan na nun magpapaliwanag siya, nakita naman nyang nakatingin ang batang lalaki sa kanya na may ngisi sa mga labi. Lalo siyang nagngitngit dahil dun, pinangako nya na makakabawi din siya dito.

Di pa natapos ang kamalasan nya.

After flag ceremony nagbalikan na ang mga istudyante sa mga classrooms nila. Habang nakaupo sila, si Arym ay nakatayo lang malapit sa white board nila habang hinihintay ang adviser nila.

"Good morning class!" bungad ng teacher nila na si Miss Barcelona,  nagsitayuan sila at nag good morning sila ng sabay sabay.
" you have you're new classmate today, his name is Arym Zion Wolter." pagpapakilala nito sa bago nilang kaklase, "come!" yaya nito kay Arym para magpunta sa kalapit nito

"Do you speak tagalog? " tanong ng teacher nila kay Arym

Lahat ay nagaabang sa isasagot ng binata nang...

"I can understands few and speak a little but not an alien language." sagot nito na nakatingin sa kanya, at lahat ng mga kaklase nila ay nagtawanan.

Pakiramdam nya pahiyang pahiyang sya. First time sa kanya 'to, sya na class president ipapahiya lang ng ganon ganon, tatayo na sana sya ng hawakan sya sa kamay ni Myrtle, tiningnan nya ito at nakita nyang umiling ito na nagpapahiwatig na wag nyang ituloy at mapapahiya pa lang sya lalo.

Nagpakilala ito at di na nya iniintindi, nagngitngit sya kaya wala syang pakialam, nramdaman na lang nya kinukuhit sya ng pinsan nya

"tawag ka ni Miss" untag nito sa kanya at ininguso an lugar ni Miss Barcelona

Lumapit sya dito at kinausap sya, di rin naman nagtagal umalis ito at babalik ng faculty office.

Bilang class president sya ang inatasan nito na magassign ng bagong seating arrangement, umalis ito dahil may meeting ang faculty at pagkaalis nga nito nagkaingay na ang buong klase.

"Tumahimik kayo! Magkakaron tayo ng bagong seating arrangement" saway nya sa mga maiingay nyang kaklase.

"And you, please occupy that seat at the back," Turo nya sa bakanteng upuan sa likod at tumalima naman agad si Arym.

Nagkaron ng diskusyunan, at ingay pero pagkatapos nun may napagkasunduan din silang lahat. Alphabetical order ang magiging seating arrangement nila.

Isa-isa nyang tinawag ang mga kaklase nya ayon sa last name nila.

"Wolter, seat beside Tolentino. Then si Yui and Zaragoza," sabi nya habang tinuturo ang mga upuan, saktong ok na ang seating arrangement nila ng bumalik si Miss Barcelona.

"nice seating arrangement, very good guys." sabay palakpak, saka naman ito tumingin sa kanya.

"Wolter, please occupy the seat near the window." nagtaka sya ng pinalipat ito dun kaya naman tinanong nya to kung bakit. Nalaman nila na ngmigrate na pala yun classmate nila sa US, pagkakataon nga naman.

At iyon na nga ang simula, lagi na silang magkatabi sa upuan. Buong taon puno ng asaran at pikunan hanggang mag Grade 6 sila, para pa rin silang aso' t pusa. Di na rin sya pumayag maging class president, bago pa man siya inominate inunahan nyang inominate si Robby at ito nga ang nanalo, vice nman nito ang pinsan nyang si Myrtle at sya ay dakilang muse, escorted by an alien.

Announcement na nga top students, 1 week before graduation at alam na nila kung sino ang valedictorian nila, syempre si Robby yun. Nagpuntahan na sila sa bulletin board kung saan nakapost ang top list. Kinakabahan din sya kahit papaano dahil lagi syang pasok sa top ten pero feeling nya ngaun baka hindi na, di kasi sya nkakafocus mag-aral at may alien syang katabi.

"Grabe, bago yun db? 2 sila salutatorian." narinig nyang nagkkwentuhan yun mga taga kabilang section kya lalo syang nacurious. Di na nya nahintay si Myrtle, ang kupad naman kasi kumilos nun. Nahawi naman ang daan nun palapit na sya, iba talaga ang seniority naisip nya at dumiresto na sya sa board.

"OMG!" gulat na gulat talaga sya sa result. Top 2 sya, teka bkit prang doble,

TAN, Myar Stella Y.
Wolter, Arym Zion S.

Napatulala talaga sya, nagulat pa sya lalo ng may magsalita sa likuran nya.

"Do you believe in destiny? Because I do. I really do" pagkasabi nun, tumalikod na at umalis ang dakilang alien, di pa sya nakakabawi ng gulat ng dumating si Myrtle

"Congrats couz, ang galing ah kaya lng kung kelan graduating saka ka ngsecond, dapat valedictorian ka eh." pamumuri nito sa kanya, from nursery to grade 5 sya ang nasa top, pero di sya nanghihinayang kasi deserving naman si Robby, active pati ito sa mga extra curricular activities.

Grade School graduation

Class picture.

Click.

Wacky.

Smile.

Your Best Shot.

Nang may bumulong sa kanya

"after 10 years liligawan kita"

Click.

Result.

NGANGA.

Napanganga talaga sya sa binulong sa kanya at napalingon sya para makita lang si Arym na nakakindat sa kanya. Kaya lalo syang nabbwisit tuwing nakikita nya ang class picture nilang iyon. Sabi ng iba maganda naman daw sya dun napakagenuine daw kasi, di lang nila alam ang tunay na dahilan.

At ayaw nya ng maalala pa.

The Sign Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon