......
Surprised was written all over her face. Totoo ba to? Teka, nababaliw na ba ko? Heneral Luna(iwas bad words) naman oh, ang gwapo talaga ng alien na to. Imagination ko ang lupeeet.
"hey, drooling over me?" untag nito sa kanya na pumitik pa sa harap ng mukha nya. So totoo nga, si alien nga to.
"of course not, just a little bit surprised. Kapal ng mukha! By the way, how did know about this plan?" taas kilay nyang tinuro ang layout plan sa laptop nya. Kunwaring dedma ang presence nito at ang amoy nitong nanunuot sa ilong nya.
Nagkibit balikat lang ito. Bago pa umangat ang eroplano dali dali na nyang niligpit ang laptop nya at sa pagmamadali mas lalong nagkagulo gulo ang ginagawa nya, naiinis sya sa sarili nya kasi nagpapanic sya sa presence ng lalaking ito.
"are you nervous?" tanong nito sa kanya habang tinutulungan sya nito sa pagliligpit, ito na ang nag ayos ng wire ng power bank nya at inabot sa kanya.
"of course not!" defensive nyang sagot dito, medyo napalakas ang boses nya kaya napatingin sa kanila ang ginawa na katabi ni Arym, nginitian nya lang ito at humingi ng paumanhin. Lalo sya nagpanic ng magkadikit ang kamay nila ng agawin nya ang wire dito at may maramdamang kuryente ng maglapat ang mga balat nila.
"that's what you called electricity sparks" sabi nito sabay kindat sa kanya. Naiinis sya kasi di sya makasagot at naramdaman din pala nito ang kuryenteng dumaloy sa katawan nila. Hay, buti na lang pinaayos na sila ng piloto, tinuon nya ang pansin sa mga flight stewards na nagdedemo. Pagkatapos nun, sa bintana na sya humarap, di na rin naman sya kinausap ng katabi, naramdaman na lang nyang unti unti ng umangat ang eroplano.
Nagmumuni muni sya ng marinig ang pinakamahalagang kanta sa buhay nya. Arte lang, hehe!
Grow Old With You, by Adam Sandler in the background.
Napatingin sya sa katabi nya, nakita nya tong busy sa mobile phone nito.
Shemay naman oh, katext siguro si Valeen, di na nga ako makikinig kay mommy sa mga sign sign na yan.
Naalala na naman nya tuloy yun sinabi nito bago sya umalis nuon mga panahong wasak na wasak ang puso nya.
"baby, this is your first flight. Para di ka matakot isipin mo na lang na baka kasakay mo pala yun soulmate mo. Baby sign nan eh, when your favorite song played in it means possibly andun sya." yun ang sinabi ng mommy nya bago sya magpunta ng Singapore, di nito alam na broken heart sya.
"ai, dapat kantahin nya din yon mommy, kasi baka isipin ko lahat ng kasama ko sa plane eh soulmate ko." sagot na lang nya at nagtawanan silang mag ina.
Everytime na sumasakay sya sa eroplano hinihintay nyang iplay ang favorite song nya pero lagi sya bigo, until now. Maniniwala ba ko sayo mom? Bulong nya sa sarili.
Nakasandal sya at nakatanaw sa bintana habang pinapakinggan ang kanta.
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold...So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you.I wanna grow old with you
Di sya makapaniwala sa narinig nya.
"did you just sang the song?" tanong nya dito sa katabi nya
"well, I like the song. Something wrong? Is it awful?" takang tanong nito pero maya't maya naman eh tumitingin sa mobile phone nito.
"no, it's... Never mind" nalilito sya, tinalikuran na lang nya ito na mukhang naguguluhan, eh naguguluhan din kaya sya. Takte naman oh, tumingin na lang uli sya sa bintana at pinagmasdan ang ganda ng kalangitan. Hay, pwede na bang tumalon na lang ako? Gulong gulo na sya.
Di nya namalayan nakatulog na pala sya. 2hours and 45 minutes din ang travel time nila, nagising na lang sya na parang may stiff neck sya.
Teka, bakit nasa kaliwang side ang ulo ko? Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya at napansin nyang may kamay na nakahawak sa mukha nya. Tinanggal nya to nang mapansing tulog din ang may ari ng kamay na yun. Napansin din nyang di na sya nakaseatbelt. Hay, ano ba naman to? Pinaglalaruan ba sya ni tadhana? Tama na yung isang hulog na yun, taken na eh. Umayos na sya ng upo at nagseatbelt, maya maya lang ay narinig nyang nagsalita ang piloto. Tumingin sya sa bintana at lihim na nagpasalamat dahil pababa na sila.
.....
Nagising sya ng gumalaw si Myar sa balikat nya, pinili na lang nyang magtulog tulugan at baka mailang na naman sa kanya ang dalaga. Hirap na hirap ito sa pwesto nito kanina kaya inunbuckle nya ang seatbelt nito at inihilig sa kanya. Nagkunwaring bagong gising sya at nakita nyang pinipilit ng dalaga na wag syang lingunin, tiningnan nya uli ang message ng firm from California para iconfirm ang pangalan ng pinadala ng consultant nila from California at kumpirmadong si Myar nga kaya lalo sya napangiti.
Simula ng malaman nya ang bagay na yun, di na sya mapakali. Kahit katabi nya ang dalaga, maya't maya nya tinitingnan ang message na iyon at ang picture nila ni Myar nuon.
.....
BILIS bilis sa paglalakad si Myar pagkalapag pa lang nila sa airport ng Puerto Princesa at nagdali dali na syang makalabas para hanapin ang sinabing service nya. Di na nya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Arym at mas binilisan pa nya ang paglalakad.
Di naman nagtagal may tumigil na Mitsubishi Strada sa harap nya, bumaba ang driver nito at lumapit sa kanya.
"Ms. Tan? Nando po, driver po ng InWol Builders. " pagpapakilala nito sa kanya, pinakita naman nito ang ID nito at saka sya pinagbuksan ng pinto.
"hoah! Wait! Why are you there?" napasigaw sya sa gulat ng makita kung sino ang tao sa loob ng sasakyan.
"get in, you're causing a traffic jam" utos nito sa kanya. Napasunod na din sya ng makitang mahaba na nga ang linya ng mga sasakyan sa arrival area.
It's a bad sign for her.