That night dumating sila Alda, Sky, Cloud, Mark, at JC kaya naman magkakasabay na sila nagdinner. Bumaba na lang sila sa restaurant ng hotel at doon nila tinuloy ang kwentuhan. Nang matapos na sila kumain, nagoccupy sila ng cottage malapit sa dagat, bumili na din sila konting maiinom habang nagkkwentuhan. Dahil kabilugan ng buwan nagyaya naman sina Myrtle na mag stargazing kaya naglakad lakad muna sila malapit sa dalampasigan habang nagkkwentuhan, nasa bandang likuran sila ni Cloud na wala ng ginawa kundi ang sumunod sunod sa kanya.
"so, hindi mo alam na company nila Arym yun may handle ng project mo?" tanong sa kanya ni Sky na nasa harapan lang nila.
Umiling lang sya at sumisipa sipa sa buhanginan habang naglalakad.
"ayos talaga trip ng isang yun, napagtripan ka na naman ata babe ng taong yun." sabi naman ni Cloud. Tinaasan nya to ng kilay ng maalala na may atraso sa kanya ang binata.
"bakit ikaw? Di ka ba malakas mangtrip? " tiningnan nya ito na seryosong mukha. Nagaapuhap naman ito ng sasabihin ng bigla syang tumawa.
Ipinaalala nya ang nangyari two years ago ng samahan sya nito nun pinuntahan nya si Ally sa BGC. Sinabi ni Cloud nuon sa kanya gusto daw nitong manligaw pero ng tumawag si Sky at sinabing hinimatay si Alda sa gitna ng presentation, bigla na itong umalis at iniwan syang mag isa.
Sasagot pa sana ang binata ng mag ring ang hand phone nya.
"hello," bungad nya.
"where are you?" tanong ng nasa kabilang linya, dahil di nya bet ito kausapin inabot nya ang phone nya kay Robbie.
"hello?" bungad ni Robbie, pero sa kanya nakatingin na parang nagtatanong.
"what the.... Rob?! (sigh) where are you guys?"
"tsk! Aangilan mo pa ko eh kaw itong babagal bagal. Nasa tapat lang kami ng hotel, last cottage from the left near the cliff." pang aalaska naman ni Robbie kay Arym. After magusap ng magasawa kanina medyo maganda na ang mood nito, tinapos na din kaagad nito ang tawag pagkatapos sabihin kung asan sila at inabot ang phone kay Myar.
"sino yun friend at kelangan iabot kay Robbie ang phone?" tanong naman ni Alda. Ang pinakataklesang babae pero loyal at tunay na kaibigan naman.
"kakilala ni Robbie." sagot naman nya
"kakilala ni Robbie na syempre kakilala mo din kasi sayo tumawag at syempre kakilala din namin?" tanong uli nito sa kanya habang nakangisi.
"tsk! I won't give you the satisfaction." sagot naman nya, at nagtawanan na ang mga kasama nya, umupo na sila sa may buhanginan dahil susunod na daw si Arym.
......
The boys are now setting the bonfire. They also set up camping tents.
Nang matapos na ang lahat, Sky volunteered to grilled the marinated pork, and they set the grille near them.
"Sky, enough na yan. We already have a lot." sigaw ni Cloud. Pinatitigil na nito si Sky kasi pumaparaan lang si JC dito.
"over protective kuya huh!" pangaasar naman ni Alda.
Inirapan lang ito Cloud sabay kuha sa BBQ. Napapansin nyang lagi na lang nagbabangayan ang dalawang to, since they were in grade school lagi na lang magkakontra ang dalawa. Pero may one thing in common sila, pareho sila nasa medical field. Alda is currently in her internship and pursuing as OB-gynecologist while Cloud is in cardio. Naalala na naman nya ang ginawa ni Cloud sa kanya noon pero parang walang alam si Alda dun.
Mga nakaupo lang sila habang nagkkwentuhan ng mga present life nila. She learned that Sky also took medical course, and planning to continue as pediatrician, well ever since naman mahilig na sya sa bata. Then JC helps his parents managing their recording company, though, he is one of the hottest male star in the country. Mark still the playboy, but one of the in demand photographer in Asia, last project he had was ANTM Asia at balita nya may naghahabol sa binata na isa sa mga model dun. Si Prince naman di man nila kasama napagkwentuhan pa din nila, sya yung dating nerd na naging hunk ngayon, kaya naman ang daming nagulat sa transformation nito, the frog has finally turned into prince, was kissed by the princess who suddenly disappeared, at iyon ang hinahanap ngayon ng binata kaya hindi nila ito kasama. Si Robbie naman, inuunti unti na rin ng father nito, but right now he needs to prove something para maging karapat dapat ito na magmanage ng business nila. May ari din sila ng iba't ibang hotels, resorts, bars, restaurants but most of those kashare nila sila Arym dahil family business yun. Sinulyapan nya si Myrtle pero tahimik lamang ito habang nagkkwento ang asawa, and she felt she already know whats bothering her cousin.
"so, how about you?" JC suddenly asked her.
"what about me?" she asked back
"well, what happened to you after moving to California? Do you have a boyfriend? Everything! You know, ever since you came you never care to tell us your where abouts and your life in US." Sky second the motion to JC.
"nothing much. I already told you, I took construction management and graduated in California. Never had a boyfriend, ok?! Kuya Carl never let me and I don't want to entertain as well. That's all." mabilis nyang kwento sa mga to.
"so, why did you left? Last time na umuwi ka napakasandali lang nun, walang chance na makausap ka." Mark all of a sudden asked her. It took her a while to answer but when she was about to utter a word.
"hi guys!" lahat sila ay napalingon sa babaeng nagsalita, lahat sila ay natahimik habang lumalapit ito kasama si Arym.
"hi Valeen! Join us, pre kuha ka na lang ng beer dyan sa Coleman." si Mark na rin ang bumasag ng katahimikan. Wala na syang balak magkwento since di naman sya comfortable sa presence ng dalawang taong bagong dating.
Nang makaupo na ang dalawa, napansin nyang nakatingin sa kanya si Arym kaya sumandal sya kay Cloud.
Napatiim baga naman si Arym ng makita nyang sumandal si Myar sa balikat ni Cloud at feel na feel naman ng kaibigan nya.
"anong pinagkkwentuhan nyo nung dumating kami, you look so serious eh." tanong ni Valeen sa kanila
"Ahm, tamang kwentuhan lang ng mga buhay buhay." sagot naman ni Alda na maya't maya ay tinitingnan si Myar.
"who's turn?" tanong ni Arym, although narinig naman talaga nya, umuna na kasi sya kay Valeen kanina, pero napatigil sya ng marinig nya si Myar ang tinatanong ng tropa kaya inabutan din sya ni Valeen na nakatayo malapit sa mga ito. Di naman kasi sya kita since maliit lang ang bonfire na ginawa ng mga ito.
Walang sumasagot sa kanila at nagpapakiramdaman.
"it's me. So what were you asking again Mark?" lakas loob nyang tanong para mawala ang awkward feeling na nararamdaman nya.
"Tsk. bakit ka ba kasi umalis?"
"bakit nga ba?" balik tanong nya sa mga ito.
"was it Robbie and Myrtle?" si Mark uli. Ito lang naman kasi ang malakas ang loob magtanong ng ganun bagay.
"huh?! Wag na nga natin pagusapan yun bagay na nakalipas na?" napangiti sya ng magsalita si Robbie, tiningnan nito ang asawa na hanggang ngayon ay tahimik pa rin.
"Sige, wag na nga alamin, curious lang naman. Kung ayaw nya sagutin ok lang naman pero kung sasagutin nya may kalooban dyan na mapapanatag na." si Mark na naman at kumindat pa kaya napatawa sya dahil dun pero hindi mawaglit sa kanya ang huling sinabi nito.
"Mapapanatag na kalooban? Ang lalim ha." Sabay bato ng maliit na shell kay Mark
"Did I made someone hurt? I don't think so. Right?!" Tumingin sya kay Arym at nakita nyang nakatitig ito sa kanya."What if meron?" Tanong ni Arym sa gitna ng katahimikan
"really? If that's the case, i pity that person."
"ouch man! Ouch!" Sabi naman ni Mark na nakahawak sa dibdib nito na kunwaring nasasaktan pero nakatingin kay Arym. Iiling iling naman sya habang nakatingin dito.
"gusto mo bang malaman kung sino?" Panghahamon ni Arym kaya naman napatingin sya dito.
"You know what? It's from the past. P.A.S.T. PAST. I am not the Myar you used to know and i don't bother remembering the past. Period."
"So what if I told you I am that person, would you care?" Sabi ni Arym na ikinagulat ng lahat.