WEEKS passed pero wala paring nakakaalam kung ano ang nangyari sa'kin except for my bestfriend, Kacey. I told her everything.
She said na dapat sabihin ko na sa parents ko at mag-report sa mga pulis. Sabi ko na I am still traumatized to do so. Umiiyak at nanginginig pa rin ako habang inaalala at kine-kwento ko sakanya ang lahat ng nangyari. Alam ko, naawa siya sakin, ramdam ko na nalulungkot siya para sakin at galit na galit din siya sa kung sino mang gumawa sakin nun.
Niyakap niya 'ko kaya hindi ko napigilang humagulgol.
"Sige lang, ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Iiyak mo lang 'yan, hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo. Alam ko sobrang hirap ng kalagayan mo ngayon pero tandaan mo Lexi, nandito lang ako."
"We will find justice for you, Lexi. I promise." sabi niya habang humihikbi na din.
I'm happy na kahit papaano may nakakaalam na ng nangyari sa'kin. I'm thankful na nandiyan siya para sa'kin.
Nandito ako ngayon sa bahay, sa kwarto ko, mag-isa na naman ako. My bestfriend can't stay with me all the time but she did her best para iparamdam nya sa'kin that I'm not alone.
Weeks passed at alam kong nangangayayat ako. I am losing weight. Lahat ng pagkain na pinapadala dito sa kwarto ko ay hindi ko naman nauubos, pero kadalasan hindi ko man lang ginagalaw. Wala akong gana. Nanghihina ako na kahit pagnguya nahihirapan na ako. All I can do is to cry. Napapagod na rin akong umiyak ng umiyak. Araw araw na lang, oras oras, minuminuto may pumapatak na luha sa mga mata ko. I stayed in my room the whole time. I was absent for almost three weeks.
My brother didn't even bother to check on me kahit kumustahin man lang ako. Gustong gusto ko siyang yakapin at umiyak sa kanya pero wala na siyang pakialam sa'kin. Gusto kong magsumbong sa kanya at sabihing bugbugin niya yung walang hiyang lalaki yun. Pero wala, kahit man lang tingin na nagpapakita ng pag-aalala hindi niya magawa. Di man lang sya nagtataka o nagtatanong kung bakit ako nagkakaganito.
Isang araw, bigla na lang siyang nagbago. He's a sweet person. He cared so much about the people around him and most importantly, he cared about me... He was my knight in shining armor, he treated me like a princess. He was there when I needed him most and he loves me so much. Pero isang araw, pag-gising ko, hindi na siya ang kinikilala kong kuya Liam.
Sinusubsob niya ang sarili niya sa pag-aaral, he's too busy studying to be a professional businessman. Sa kaniya kasi ipapamana ni Dad ang company namin. Nasasaktan ako na para bang nawalan ako ng kapatid. Hindi ko na siya maramdaman. Nakikita ko nga siya pero parang wala rin siya. Pero kahit na ganun na siya mahal na mahal ko pa rin yun.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, I look so pale. Hindi ko na maalala kung ano ang itsura ko dati. Hindi na ako 'to. Naalala ko na naman ang nangyari, tumulo na naman ang mga luha ko.
Bakit?
Bakit?
Bakit?
Ang daming tanong sa utak ko pero hindi ko alam ang sagot o kung masasagot pa ba ang mga ito.
More days passed...
I HEARD voices from downstairs, mukhang dumating na ang parents ko from business trip. Kinakabahan ako, 'di ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kanila. Gulong-gulo na ang utak ko. Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin sa kanila? Again, tears streamed down my face.
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at bigla akong napatakbo sa banyo dahil naduduwal ako. May nakain ba akong masama? Lumabas na ako at nakita ko ang mommy ko, gulat na gulat sya, siguro dahil sa itsura ko.
"Mommy..."
Then, everything went black again.
----------
[Authors' Note]Miles Ocampo as Kacey Alonzo
![](https://img.wattpad.com/cover/5702137-288-k582896.jpg)