A/N:
Hello foughtforlove_ this chapter was dedicated to you. Natuwa kasi kami sa comment mo 6 months ago. hehe, ang tagal na. Hugoooot much eh. Hahaha. Hope na binabasa mo pa rin ang story na 'to. Super thaaaank you :))))
"SO, you're here pala Mr. Mendoza."
May bagong dating. First day of class, late. Amazing. Tall, dark and handsome. Just kidding sa part na dark and handsome. Actually, moreno siya. Okay I admit he has good looks, a bad boy look.
"Can I go to my seat?"
Woah. How rude. Late comer then bad attitude, what a combination. Bad boy nga.
"Hindi ka pa rin nagbabago." Ms. Yuna said with disapponited look on her face.
Pumasok na si Mr. Rude at tuloy-tuloy na naglakad at umupo sa left side ko, we're not seatmates kasi may pagitan na isang upuan. Nakatingin kaming lahat sa kaniya. Nakapirmi lang siyang nakaupo na akala mo normal lang ang ginawa niya. Nakadekwatro pa siya at naka-cross arms habang may nginunguya na gum. Wow, as in wow.
"Bastos." I murmured.
"Ako ba pinaparinggan mo?"
Nagulat ako ng magsalita siya at napalingon sa kaniya. Nakaharap siya sa unahan so it means hindi siya nakaharap sa akin. Tama ba na hindi mo harapin ang kausap mo? Napairap na lang ako.
"Sino pa ba?" This time tumingin na siya sa akin. Those eyes. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ang cold ng tingin niya.
"I don't care."
He said with blank expression on his face at binalik na ang tingin sa unahan. Tss. What's with him? Tatanong-tanong tapos wala naman pala siyang pakialam. Unang pagkikita pa lang namin di na maganda ng pakiramdam ko sa isang 'to. Panira ng mood. Kainis.
Inintroduce lang si Ms. Yuna ang mga activities na gagawin for tomorrow. At ayun ay ang pagpili ng mga clubs and organizations. Maaga niya kaming dinismiss since first day of class naman.
Sumunod ang mga teachers namin sa ibang subjects. Introductions lang, paulit-ulit. Mineet lang namin sila then lunch break na.
Nagpapaalam pa lang si Mr. Eric, filipino teacher, ay tumayo na ang katabi ko sa left side at tuloy tuloy na lumabas ng classroom. Walang talagang manners.
"Bastos talaga." Di ko mapigilang sabi habang inaayos ang gamit ko.
"Masanay ka na dun. Ganun talaga 'yun dati pa." Napalingon ako sa nagsalitang si Sindey. I gave her a look na ituloy mo pa ang kwento.
"We're classmates since first year high school. Masayahin at palakaibigan siya dati pero pagdating ng third year bigla na lang siyang nagbago. Lagi siyang nakikipagaway, he cuts classes, laging nade-detention, in short, naging ganyan na siya."
Medyo nagulat naman ako sa kwento ni Sindey. Masayahin at palakaibigan? Parang di ko maisip na marunong palang ngumiti ang isang 'yun. Pero namuo ang tanong sa utak ko. Bakit siya nagkaganyan?
"Kung tatanungin mo kung bakit, di ko rin alam."
Sabi ko nga. Napatahimik na lang ako since nasagot na ang itatanong ko. Bakit ko ba iniisip? Pake ko ba sa bastos at walang galang na lalaking yun?