Chapter 6

1.1K 11 5
                                    

AYOKO NA.

"DON'T! 'Wag mong gagawin 'yan anak!" Bigla na lang tumakbo palapit sa akin si Mommy at inagaw nya sa'kin yung blade.

"Anong nangyayari dito?" said Dad as he entered my room. Then he looked at me. He was shocked when he saw me the blade. He walked towards us.

"LEXINE, NABABALIW KA NA BA HA?!" Mom screamed at me.

"Oo Mommy, nababaliw na 'ko.." Mahina kong sabi at napaupo ako sa sahig. Nanlalambot ang buong katawan ko.

"Gusto mong magpakamatay ha?!"

"Oo, Mommy gusto ko ng mamatay! Gusto ko ng mamatay!" Nagwawala na ako. Pagod na pagod na ako. Araw araw na lang naaalala ko ang lahat ng nangyari. Lagi na lang. Sawang-sawa na akong umiyak. Pagod na ang mga mata ko, pigang-piga na ang utak ko kakaisip. Unti unti ng nadudurog ang puso ko.

"May batang nabubuhay diyan sa tiyan mo! Mag-isip ka naman Kath! Sa iniisip mong yan gusto mo na ring patayin ang anak mo!"

"WALA AKONG ANAK!" 

"Max, please calm down. Princess, calm down."

"Anak." He sat beside me. He faced me to him and held my hands. "Calm down okay? Lexi, you need to accept the truth. Mas lalo kang masasaktan kung paniniwalain mo yung sarili mo sa gusto mong paniwalaan. Anak, you have a baby, tanggap namin siya, sana ikaw rin."

"Ayoko po Dad, siya lang lagi magpapa-alala sa'kin sa lalaking gumahasa sa'kin. Kamumuhian ko lang siya, ayokong madamay pa siya. Tama na, masyado nang madami ang nahihirapan sa sitwasyon ko. Ayokong may dumagdag pa."

Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Dad hugged me and I hugged him back.

"Dad, ayoko na."

"Shh, don't say that princess. Be strong, okay? We're always here for you, always remember that. We will find justice for you and also for your baby. I promise. Magpakatatag ka lang."

Niyakap din ako ni Mommy. I realized na I'm so lucky that I have parents like them. It's been a long night for us.

SUNDAY ngayon that's why we went to church to attend a mass.

Feeling ko ang tagal ko nang hindi nakapunta dito at nakapagdasal.

Lord, hello po. Sorry po kung ang tagal na nung huli kong bisita sa inyo. Kailangang kailangan ko po ang tulong niyo. Lord, bakit? Bakit po? Bakit sa lahat ng tao ako pa? Bakit nangyari sa'kin ang lahat ng 'to? May nagawa po ba akong kasalan sa inyo? Lord, sorry po, kung may nagawa man akong kasalan sana patawarin niyo na po ako. Pagod na pagod na po ako. Pati mga taong mahal ko, nadadamay na. Ako na lang po, wag na po sila. Hindi ko na kakayanin kung pati sila mahihirapan tulad 'ko. Lord, please help me. Bigyan niyo po ako ng sign kung ano po ang dapat kong gawin. May batang nabubuhay sa sinapupunan ko, ano po ang gagawin ko? Hindi ko po alam, tulungan niyo po ako.

After I prayed. Someone caught my attention. There's a couple behind me. I heard the woman praying.

"Lord, kailan niyo po ba kami bibiyayaan ng anak? Lord, hanggang ngayon umaasa pa rin kami, kahit isa lang po. Lord, sige na po, parang awa niyo na."

"Shh, tahan na." said the man.

Lord? Is this the sign?

Then I realized. Marami ang gustong magka-anak. Samantalang ako, gusto ko lang patayin 'tong bata. Dahil nahihirapan ako. Dahil sa mga naaalala kong masasakit kapag naaalala ko siya.

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon