Chapter 11

217 4 0
                                    

Patrick Mendoza as Daniel Padilla na nasa media hihi

NGAYON na lalabas ang resulta ng audition. Medyo kinakabahan ako, joke lang. I admit, kinakabahan talaga ako. I really want to be a part of Theater Club.

"Kacey, ang bagal mo namang kumain, tara na baka ma-late tayo!"

Sigaw ko kay Kacey na hanggang ngayon nasa dining pa at kumakain. Nagsusuot ako ng sapatos nang magring ang phone ko.

*0915******* calling*

Unknown number? Sino naman 'to? I decided to end the call since hindi ko naman kilala kung sino yun. I don't talk to strangers.

"Kacey! Tara na, ang bagal mo talaga kumain."

"Asdfghjkl.." Wala akong naintindihan sa sinabi niya palibhasa puno pa ang bibig niya.

"Don't talk when your mouth is puno." Naunahan niya ako sa pagsabi. Paano niya yun agad nalunok? Unbelievable.

"Bakit ka ba nagmamadali? 6:30 pa lang naman, 7:30 pa ang klase natin. Ilang hakbang lang po, school na natin." Sarkastikong sabi niya habang nagsusuot ng sapatos. I just rolled my eyes.

Naglalakad na kami papuntang school nang magring ang phone ni Kacey. Sinagot niya naman agad at mukhang si tita Kate ang kausap niya.

"Ohmygosh! Pupunta sila mama dito bukas. Miss ko na sila lalo na si Jace taba." Nagtatalon na sabi ni Kacey after the call.

"Haha. Miss ko na rin kurutin yung pisngi ni taba."

Sila mommy kaya kailan ako bibisitahin? Miss ko na rin sila. Tsaka di pa rin sila tumatawag. Tampo na si ako. Ah ako na lang tatawag mamaya.

"Yes, nakapasok ako!"

"Ako rin!"

"Kainis, bakit hindi ako nakapasa?"

"Okay lang yan, meron pa namang ibang club na pwedeng salihan."

Sari-saring usapan na naririnig namin pagkapasok namin sa school. Dumiretso kami ni Kacey kung nasaan ang bulletin board since doon nakapaskil kung sino sino ang mga nakapasa sa iba't ibang club.

"Siya si Lexine diba? Ang galing niya grabe."

"Congrats sa'yo!"

"Ang galing mo!"

"Idol!!"

Kahit hindi ko alam kung bakit nila ako pinupuri ay nginitian ko sila. Naglakad na kami papalapit ni Kacey sa bulletin board at hinanap ko agad ang list ng Theater Club.

WOAH! Totoo ba 'tong nakikita ko?!

Theater Club:

1. Lexine Garcia - 4A

2. Irish Fernandez - 4A

3. Sindey Vargas - 4A

4. Jamaica Tulao - 4B


5. Aira Villarba - 4A

and so on.....


"Ohmygosh! Ohmygosh.."

Napatingin ako kay Kacey na napakalawak ng ngiti at nagtatatalon pa. Sumiksik ako sa kanya at tiningnan ang list ng dance club passers.

"Congrats sa'ting dalawa!"



Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon