A/N:
Hello Rexcey, dedicated 'tong chapter sa'yo. Nabasa ko yung pm mo samin last year. Alam namin na super late na at ang tagal na pero thank you sa pagbabasa tsaka natutuwa kami na nagustuhan mo yung story namin. At sorry din kasi ngayon lang kami nakapagdedicate sayo. Sana patuloy mo pa ring basahin yung story namin. We love you! Mwuuuah.
PRESENT
TODAY is first day of school. New school. New uniform. New classmates. New world. I'm super excited. After a long break back
school again. How I miss schooling. Sabay kaming nagpunta ni Kacey sa guidance office at inalam ang section namin."4-A, Room 96." I said. May binigay na booklet sa amin na naglalaman kung anong section and room namin. Nakalagay din ang schedule and mga rules and regulations.
"4-B, Room 97." So, hindi kami magkaklase ni Kacey? Nakakalungkot naman. Gusto ko pa naman sana classmates kami since bagong lipat lang kami pareho dito.
"Kainis, 'di tayo classmates. Tara magcomplain tayo sa guidance." Maglalakad na sana si Kacey pabalik sa Guidance office nang hawakan ko siya sa braso para pigilan.
"Ano ka ba. We're new here and it's not good na may bad record agad tayo sa guidance. It's okay, magkatabi lang naman tayo ng room." Pag-aassure ko sa kanya and smiled at her.
"Fine. As if naman may magagawa pa ako." Nag pout pa siya. Her pouting powers.
"Tara na. It's better to be an early bird kaysa maging late comer!"
Naglakad na kami ni Kacey papunta sa Sciene Building since doon ang rooms ng mga seniors. This is our last year in high school. Our parents decided na ilipat kami rito sa Southbridge High. Medyo malayo ito sa bahay namin kaya sa isang apartment kami titira ni Kacey, walking distance lang ang layo ng apartment namin sa school. Kuya Liam studied here, I remebered, first to third year high school. Actually, yung dati niyang apartment ang titirahan namin ngayon. Tsaka sabi rin ng parents namin ay para daw maiba ang mundo namin. We both agreed dahil magandang idea yun. This is our last year so we better enjoy.
Mabilis lang kaming nakarating ni Kacey sa Science Building since nagschool tour naman kami a week ago bago magpasukan.
"Lexi, I'm going to pee. Mauna ka na sa room mo. Bye. Ingat." Nagbeso kaming dalawa.
"Okay bye. Take care, too." Naghiwalay na kaming dalawa. Hinanap ko na ang room ko. Pinagtitinginan nga ako ng ibang estudyante kasi I look like I'm a freshman na naliligaw ang landas. Which is totoo naman. Sorry naman, bago lang.
Tumigil na ako sa tapat ng isang room. Room 96. Ang weird. Yung katabing room ay Room 70. Ganito ba talaga dito? Random ang room number. Kumatok ako pero walang nagbukas kaya I decided na i-open na lang 'yun. Dahan-dahan ko itong binuksan at mas lalong weird dahil wala pang tao. Napakaaga ko ba? Grabe naman. Sabagay first day of school. Excited kasi ako eh. Haha.
I entered the room. Silence welcomed me. Wow, napakagandang simula nito.
"Good morning, classmates." Sarcastic kong sabi. Hay. Ang alone ko naman dito. Room 70 ang katabing room so it means hindi magkatabi ang room namin ni Kacey. Ano ba yan. Nakakinis naman. Hep. Bawal mainis, it's not a good start to my senior life.