Chapter 10

193 8 2
                                    

A/N:

Hello sa'yo. Thank you for adding this story to your library and for promoting this to your friends. We really appreciated it. Keep reading and waiting for the next chapters. Ciao! :))))


"GOOD LUCK sa inyong dalawa."

Paalam ni Kara. Nag wave kaming dalawa ni Sindey sa kanya at dumiretso na sa Theater room. Lahat ng clubs ngayon ang auditions kaya walang klase.


Di naman pala galit si Kara sakin. Bigla daw kasi sumakit yung tiyan niya kahapon kaya bigla siyang tumakbo palabas ng canteen.


"Hello, Sindey at Lexine." Bati sa amin ni Aira, classmate namin, pagpasok namin sa Theater room. Nagsisimula na pala ang audition.


"Here. Binunot ko na kayo kanina."

Binigay sa amin ni Aira yung number namin pag-upo namin, thanks to her. Medyo nagulat naman ako sa number ko. 69 again? Really?

"Thank you." We said in chorus.

Nanood lang kaming tatlo sa mga naga-audition. On the spot ang linyang sasabihin mo, no script. Bubunot ka ng topic or ng scene then ikaw na ang bahalang umarte. Medyo kinakabahan ako, but I can do it. Fight! This is my forte, my second love.


"66!"

Sigaw ni Kyla, siya yung nakausap namin ni Sindey nang magparegister kami for audition.


"Here." Agaw atensyong sabi ni wait ano ngang pangalan nito?


"Irish Fernandez. The 'Feelingera Queen'." Rinig kong sabi ni Aira. Nag agree naman si Sindey at tumawa na may halong inis.


"Kung makaasta kala mo reyna. Feeling din niya siya ang leader sa grupo nila eh pero feeling lang naman niya. Hahaha!" Nagtawanan lang ang dalawa kong katabi.

Pumunta na sa stage si Irish at bumunot kung anong scene ang gagawin niya. Ngumiti lang siya with full of confidence. Parang sisiw na sisisw lang ang gagawin niya.


"Go Irish!"

"You can do it, our princess!"


Ang taray, may fans club! Nginitian at kinawayan sila ni Irish. Nagtilian naman yung mga fans niya. Nainis yung iba dahil sa ingay na ginagawa nila. Tumahimik lang sila nang magsisimula na si Irish.


"What? No! You're lying. He can't do that. Hindi niya magagawa ang bagay na yun sakin. Tell me! Nagsisinungaling ka lang diba?"


Magaling siya. How can she do that? She cried in just seconds. Tahimik lang ang buong room at nanonood sa kanya. Nagawa niyang makuha ang atensyon ng lahat.


"Hindi niya yun magagawa. Hindi ako naniniwala sayo. He loves me and he can't do that. He can't. I love him. We love each other."


She's really great. Nagpalakpakan ang halos lahat pagtapos niyang umarte. Nakatanggap din siya ng standing ovation sa ilang judges. Nagsigawan na naman ang fans club niya. Kumaway siya at nagbow bago bumaba ng stage.

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon