Chapter 5

1.1K 17 4
                                    

I WOKE UP, dahil sa mga boses na naririnig ko. Wala na ring nakatusok sa'kin na swero o kung ano pa. Nakita ko si Mom at Dad na nag-uusap.

"We need to find justice for Lexine!!" Dad shouted.

"I know, I know Alex. Let's just think about it sa ibang araw. Ngayon siya mu--"

'Di ko na pinatapos si Mommy at nagsalita na ako.

"Mom? Dad?"

"Lexine!" Pumunta siya sa tabi ko. "Thank God that you already woke up." Then she hugged me.

"Why mom?"

"Two days ka ng natutulog, we thought you're in comma."

"Kath, how are you feeling right now?"

"To tell you the truth Dad, I'm not really feeling well."

Biglang pumasok si Doc. Cruz.

"Uhm Lexine, puwede ka ng umuwi para mas makapag-pahinga. 'Wag ka masyadong magpagod, you need to rest para na rin sa ikabubuti ng baby mo."

Baby mo....

Baby mo....

Baby mo.....

Parang kung may anong tumusok sa dibdib ko nang marinig ko yun. No, hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi ko mapigilang umiyak. Siya lang lagi ang mag-papaalala sa lahat ng nangyari sa'kin. No! No! No!

"Magpapahangin lang po ako sa labas..." habang may tumutulo na mga luha galing sa mga mata ko.

"Anak, wait!" Mom

Hindi ko na siya pinansin at nagpunta na ko sa mini park dito sa hospital. Umupo ako sa swing.

Hindi ko mapigilang umiyak kapag iniisip ko na merong buhay dito sa loob ng tiyan ko. 'Di ko pa rin matanggap na may nabuo... Ayoko, ayokong isipin pero kahit anong gawin ko hindi matanggal sa isip ko. 

"Hindi, hindi, hindi totoo ang lahat ng 'to. Sana panaginip lang ang lahat ng 'to." sabi ko habang umiiyak at pinapalo ang tiyan ko. Ayoko. Ayoko sa batang 'to. Hindi ito totoo.

Naramdaman kong may umupo sa isang swing sa tabi ko. Pero hindi ko na lang pinansin 'yun. Marami akong masyadong iniisip para pansinin pa kung sino yun.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Ilang minuto rin ang lumipas at nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. 

"Kung ano man ang problema mo  'wag mong iisipin na nag-iisa ka lang. At kung sino man ang dahilan ng problema mong 'yan, sana mapatawad mo siya."

 

Umiiyak siya, alam ko dahil sa tono ng boses nya.

"At isa pa, tahan na."

 

Nagfa-function pa sa utak ko ang mga sinabi niya. Nung nag sink-in na sa utak ko, nilingon ko siya pero wala na siya. Hinanap ko siya sa paligid pero wala, wala na siya. 

Sino siya?

I snapped back to my senses nang marinig ko si Mommy.

"Lexi, tara na, uuwi na tayo."

Lumapit ako at pumunta na kami sa parking lot at sumakay na kami pauwi. Pagpasok ko sa bahay, nakita ko si kuya. Tumingin lang siya saglit sa akin at umiwas agad.

"Mom, Dad, akyat na po ako."

Nandito ako sa kwarto, mag-isa nanaman. Pumapasok na naman sa isip ko ang mga nangyari. I slapped myself to make sure kung nananaginip ba ako.

But who am I kidding? Hindi, hindi to panaginip. Totoo lahat ng 'to. Hindi ko pa nasasabi sa parents ko ang nangyari sa'kin. Di ko alam kung pa'no ko sisimulan. Lord, please help me.

Biglang nagbukas ang pinto. "Anak.." Si Mom. Pinunasan ko agad ang mga luha ko.

Tumabi sa'kin si Mommy at niyakap ako. I hugged her back. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, traydor talaga sila kahit kailan.

"Mo-mmy.."

"Lexi, I'm so sorry. Sana mapatawad mo 'ko. Wala ako sa tabi mo sa mga oras na kailangang kailangan mo 'ko."

"Mom?"

"Alam na namin ang lahat Lexi, lahat ng nangyari. Sinabi na sa amin ni Kacey. I'm really-- really sorry."

Dahil sa narinig ko lalo ako napaiyak. Alam na pala nila. Alam na nila ang lahat ng nangyari. 

"Sorry anak, alam ko may kasalanan din ako kung bakit nangyari sayo 'to. Kung sana nandito kami ng Dad mo, hindi sana nangyari sa'yo to. Kung hindi kami masyadong busy dahil sa business, maa-alagaan ka namin at mababantayan. Sorry, sorry anak."

  

"Mommy..." 'yan lang ang nasabi ko, medyo nabunutan ako ng isang tinik sa dibdib.

Nagyakapan lang kami ni Mommy, sinamahan niya 'ko sa kwarto buong gabi. Hanggang sa nakatulog na kaming dalawa.

WHEN I woke up, wala na si Mommy sa tabi ko. Ginawa ko ang morning routine ko. At pagkatapos bumaba na 'ko.

"Good morning, our princess." sabi ni Mom then she hugged me.

"Good morning, anak." Dad.

"Good morning din po."

Kumain na kami ng breakfast. Ang tagal na rin naming hindi nagkakasabay kumain together. Hindi pumasok si Mommy sa office. Si Dad naman umalis, I don't know kung papasok siya o hindi. Si kuya naman, as usual pumasok sa school, he didn't even bother to greet me or ask me if I'm alright. 

Pinipilit kong kalimutan lahat ng nangyari.

Kacey visited me here, kine-kwento niya sa'kin ang lahat ng nangyari sa school nung wala ako. She told me some jokes, alam kong gusto niya akong mapatawa. Pero wala, kahit anong pilit ko ngumiti, hindi ko magawa. Nasa isip ko nanaman na may baby na ko, NO! Again pumatak na naman ang mga luha ko. Kacey hugged me.

"Shhh Lexi, Kaya mo 'yan, nandito lang ako, kami para sa'yo."

"Kacey, bakit?  Bakit kailangang mangyari sa'kin 'to? Ano bang nagawa ko para pagdaanan ko ang lahat ng 'to? I don't want this child, Kacey. Sa tuwing makikita ko lang ang batang to, siya lang lagi ang magpapa-alala sa lalaking gumahasa sa'kin. Hindi ko kaya! Gusto kong mawala ang batang 'to."

Napabitaw si Kacey sa pagkakayakap sa'kin.

"Lexi! Ano bang sinasabi mo?! Alam mo ba kung ano 'yang iniisip mo ha?!"

"Oo, matino pa ang pag-iisip ko, Kacey."

"Matino?! Eh gusto mong patayin yang baby mo. Nababaliw ka na ba?"

"OO!! Kacey, nababaliw na 'ko. Ayoko sa batang to, ayoko!!" Nagwawala na 'ko.

"Lexi, calm down. Masyado ka lang sigurong depressed dahil sa mga pangyayari. Lexi, hindi ikaw 'yan. Alam kong hindi mo kayang gawin yan." She hugged me again.

"I don't know, Kacey. Hindi ko na alam."

Nandito ako sa kwarto ko, mag-isa na naman ako. Everything that happened to me flashback through my mind again and again and again. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na kong umiyak. Pagod na pagod na kong mag-isip. Hindi ko na kaya. 

I saw a blade in my cabinet then I took it. Bakit may blade dito?

Tama ba 'tong gagawin ko? Siguro ito lang ang solusyon sa lahat ng 'to. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Pagod na pagod na 'ko. Pati ang mga taong mahal ko, nadadamay na. Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko. 

Ayoko na.

 [Author's Note]

Heyya! Another chapter updated hihi =) 

Wait for the next chapter guys.

Don't forget  Vote. Comment. Be a fan :')

LOVE,

Bea, Den, and Tine.

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon