A/N:
Helloooooooooooooo sayo hytmyx *kaway kaway* Dedicated sayo ang chapter na 'to. Nakakatuwa kasi yung mga reaction and comments mo eh. Sana magustuhan mo. Pagpatuloy mo lang ang pagbabasa at gaganda ang buhay mo. Charot! Hahahaha. Thanks for reading :D
--"ANONG club sasalihan mo?"
Sindey asked habang naglalakad kami papunta sa SB hall. Doon kasi gaganapin ang pagpapakilala ng bawat club para hikayatin kami. At doon din kami magpaparegister sabi ni Ms. Yuna. Required kasi ang mga fourth year na sumali sa kahit na anong club.
"I don't know since I don't have any idea kung ano ang mga clubs and org dito." Nginitian ko siya ng mapang-asar at tinaas baba ang kilay ko.
"Yah! Sabi ko nga, transferee ka."
Kinaladkad, yun talaga ang right term, niya ako papasok ng hall. Ang dami ng tao. May mga booths and standee rin na nakatayo. Bawat booth may in-charge. Namimigay din yung iba ng mga flyers, busy ang lahat sa pagpili ng club na sasalihan nila. Ano kayang sasalihan ko? May mini stage rin sa gitna at may sumasayaw. And all I can say is, wow.
"Lexine!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Kacey na papalapit sa akin kasama si Kara habang kumakaway pa. Sumama ang mukha ni best friend nang makita na kasama ko si Sindey.
"Hello, Lexine. Aww, I miss you na agad." Niyakap ako ni Kara and I hugged her back. Sweet talaga nito parang name niya. Hehe. "Missed you too." Close na agad namin 'no? Ganun talaga pag magaganda.
"Hello!" Bati ni Kara kay Sindey pagkabitaw namin sa hug.
"Ay, nga pala. This is Sindey, my classmate. Sindey si Kara and my best friend, Kacey."
"Hello, nice to meet you." Medyo nahihiyang sabi ni Sindey. Bineso naman ni Kara si Sindey. Si Kacey naman ayun, ngumiti lang ng tipid.
"Anong sasalihan niyong club?" Masayang tanong ni Kara habang nakatingin sa mga booth. Yun nga eh, wala pa kong idea. "Me, I will join Music Club. I really love music."
Pumunta sina Kara at Sindey sa Music Club booth. Naglalakad-lakad naman kami ni Kacey para tingnan ang iba pang booths. Music Club, Dance Club, Sports Club, Magic Club at marami pang iba. Kinalabit ko si Kacey, ang tahimik kasi.
"Bakit?"
"Wag na mag tampo. Ikaw pa rin naman ang bff ko. Best friend forever diba?" Nakita ko naman na naglighten up yung mukha niya. 'Yun lang pala ang kailangan.
"Pero iba talaga ang pakiramdam ko sa Sindey na yan eh. And it's a bad feeling." Seryoso niyang sabi. At ano naman kaya yun? "Hay! Never mind. Just don't be too close to that girl, okay?" Tumango na lang ako kahit na naguguluhan ako sa sinasabi niya.
Bigla niya akong hinila at huminto sa tapat ng DANCE CLUB! Seriously?! Sinamaan ko naman ng tingin si Kacey.
"What? Sinabi ko bang dito ka sumali?" Ngiting-ngiti niyang sabi. Nang-asar pa. Palibhasa parehas kaliwa ang paa ko.
"Hello, two beautiful ladies. Interested ba kayong sumali sa club namin? Basta may mga pretty dance moves kayo... Biglang sumayaw si kuya. Okay, edi siya na. Haha, pasok kayo sa club namin."
![](https://img.wattpad.com/cover/5702137-288-k582896.jpg)