"KACE, ganda mo."
"Alam ko."
"Wala man lang bang 'Gwapo mo rin.'"
"Wag ka nga magpout, so gay. Hahaha."
"Mahal mo naman."
"....."
"Gustong gusto! Haha." At kinurot niya ang pisngi ko.
"Taba mo."
"Mahal mo naman."
"......"
"Gustong gusto rin! Uy, si Grae, kinikilig. Hahaha."
"EARTH to Kacey."
"Ay kabayo!"
"Yung niluluto mo, sunog na." Nagmadali naman siyang hinaan yung apoy sa niluluto niyang burnt chicken este fried chicken.
"Sila tita Maxine pupunta ba?" She asked habang hinahalo yung sauce ng carbonara. Change topic.
"Bakit yan yung niluto mo?"
"At bakit mo ko iniwan kahapon? Wala tuloy akong kasama." Ah, nagtatampo pala kaya ginantihan ako.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa bewang habang nakatalikod siya.
"Hehe, sorry na. Tsaka may meeting din kami sa TC, e. Wag na magtampo."
"PDA. PDA." Agad naman akong bumitaw sa yakap ko sa bewang niya. Ang sweet nga masyado. Haha.
"So apology accepted?"
"Matitiis ba kita?"
Yayakapin ko sana ulit siya nang iharang niya yung malaking kutsara, basta yung panghalo, sa tapat ng mukha ko.
"Maya na ang yakap. Sagutin mo muna yung tawag." Tumakbo agad ako papuntang sala at sinagot ang telepono.
"Hello?"
"Kacey, pakisabi kay Lexi na hindi muna kami makakapunta dyan ngayon. May emergency meeting kasi sa company, e."
"Mo--- toot toot"
Ay naman. Di ko pa nga siya nakaka-usap, e. Tampo na talaga ako sa kanila. Tapos di pa sila makakapunta ngayon. Kainis. Miss ko na sila.
"Bakit ka nakasimangot dyan? Ah, di makakapunta sila tita 'no?"
Lumabas si Kacey mula sa kusina dala ang bowl ng carbonara at nilagay sa dining table.
May nagdoorbell. Agad na tumakbo palabas si Kacey.
"MAMA! PAPA! JACE!" Lumabas din ako at sinalubong ng yakap ni Kacey sina tita Kate.
"We missed you ate!" Tito Jacey pero Tito Jay ang tawag ko sa kaniya. Magkatunog kasi ang Kacey at Jacey, eh.
"I missed you din po."
Naiyak na si Kacey. Miss na miss niya na sila. Tulad ko ngayon lang din siya nahiwalay ng matagal sa pamilya niya.
"ATE GANDA!" Tumakbo papalapit sa akin si Jace kaya sinalubong ko siya ng yakap.
"Aww. Namiss kita taba." Kiniss niya ako sa magkabilang cheeks bago bumitaw sa yakap.
"Sarap naman nun." At pinisil ko ang matataba niyang pisngi.
"Ang shakit naman po." At hinimas himas niya ang bilog niyang pisngi. Cuuute talaga!