[2 ud this week. Kaya basa-basa rin pag may time!!! hehe XD]
Chapter 17: The Zerep's Battlefield
---
---
"HOO!! Grabe to ha! Pagod na pagod na ako may gahd!" exaggerated na sabi ni Glenn
"Malapit na tayo.. " lagi namang sagot ni Judy Ann
"Ay naku! Kanina pa yang malapit na yan ha ay siya tatamaan ka sa akin" ani naman ni Shane.Pangatlong araw na nilang magkakaibigan sa paglalakbay. Nilakad na lang nila dahil bawal gamitin ang kani-kanilang powers sa ere kaya di sila makalipad. Makalipas ang mga dalawang minuto ay natanaw na nila ang isang bayan.
"Oh my God! May bayan na doon guys oh!" tuwang tuwa na sabi ni Shane
"Sabi sa inyo malapit na eh.."sabi ni Judy Ann
"Thank you Lord"nasambit nalang ni Jovelyn sa kanyang sarili.Pagod na sya sa kakalakad at alam niya riin na pagod na rin ang kanyang mga kasamahan.
Nilakad nalang nila papunta sa Bayan at yun ay ang bayan ng Zircona. Maliit na bayan na kung saan ay may mga players na nagkalat at tumira rin doon sa maagal ng panahon.May nahanap naman silang pa-upahan pero iisa lang kaya nagtiis na lamang sila na tumira sa iisang kwarto. Ang kwarto naman ay pwede kasya ang mga tatlumpu't katao. Agad namang nag-unahan ang iba sa pagpasok sa banyo upang maligo dahil sa tatlong araw nila sa paglalakbay ay wala pa silang ligo kaya naman nag-aagawan sila sa pagpasok.
"Mag-sabay nalang na kayo ni Lovely, Jovelyn at kame naman ni Bizpren ang susunod pakibilisan ha."sabi ni Shane. Pumayag naman na dalawahan nalang sa paggamait sa banyo para maligo kaya mga inabot lang ng isang oras ay tapos na silang lahat maligo.
Alas-dos na ng hapon sa araw na iyon kaya naghanda na sila upang magpahinga pero bago yun kumaen muna silang lahat at natulog na para ma-ireserba ang kanilang mga lakas sa darating na laban kinabukasan.8:18 AM
Sinuot na nila ang kani-kanilang mga damit na susuotin para sa darating na laban. Kanya-kanyang naghanda sila at konting ehersisyo at umalis na sila sa pa-upahan at nagbayad na.Bumili muna sila ng mga tinapay at tubig sa tindahan na nadaanan nila. Tinungo na ila kung saan ang Battlefield ng Zerep at inabot ng mga ilang oras sa paglalakad ay bumungad sa kanila isang napakalaking arena. Isang battle arena, bumukas ang napakalaking pinto nito at pumasok kaming labin'lima.
"It's going to be fun"nasambit ni Princelou at narinig naman ito ni Shane kaya napangiti nalang sya sa narinig nya mula sa kanyang kaibigan.
Pinapunta sila sa isang waiting area sa likod ng isang babaeng pusa kaya sumunod na lamang sila sa sinabi nito.
"Baka hindi lang ordinaryong labanan to"ani ni Jesster
"Kaya maghanda kayo"tuloy pa niya
Tumango nalang ang iba sa sinabi ni Jesster at muli silang tinawag ng babaeng pusa na pumasok sa mismong battlefield. Tumambad sa kanila ang iba pang grupo na nakalaban nila sa huling battlefield.Ang sumusunod ay ang mga nakapasok,
1. Knights of Nights
2. Extra Ordinary
3. Death Guys
4. 12 Sisters
5. Meduza
6. Healers
7. Ghost Eaters
8. Black DivasTanging walo lamang ang nakapasok sa Zerep's Battlefield mula sa sampung natira sa Azinec's Battlefield. Nagulat naman sina Jesster dahil sa kanilang mga nakita. Pagkatapos noon ay pumila sila sa isang hilira at humarap sa isang napakalaking monitor.
Nakapalibot ang mga monitor na iyon buong battlefield at sa paligid nito ay may mga manunuod.Puno ng mga tao ang buong paligid na naka-upo sa bleachers."Ang susunod na magiging labanan ay sa pagitan ng dalawang grupo. Ang walo ay hahatiin sa dalawa at ang apat na grupo magkasama sa isang hanay ay maglalaban laban. Tanging Dalawa lamang sa apat ang matitira. Ang huling tig-dalawa ay ang makakapasok sa Next Battlefield. "paliwanag ng taong nasa monitor.Nakabalot sa isang maiitim na kapa.Hindi kita ang mukha nito na natatakpan ng dilim na nababalot sa paliid nito.
BINABASA MO ANG
Land of Battlefields: Story of Us
ActionA story of Friends who got a Special Powers when they go to Mt. Mahiwaga and the adventure will follow in Land of Battlefields And they will fight for their Love ones to SURVIVE!