Chapter 9: The Crystals: Heal, Lightning and Water (Part 1)

90 10 2
                                    

Chapter 9: The Crystals:Heal, Lightning and Water

=============================================================

Si Ailyn De Guzman po ang nasa Media Board

Kung gusto niyong makita lahat ng characters punta po kayo sa prologue part..

Click niyo po yung video.

Thanks po.. ^____^..

Yung Book Cover po ay lahat ng Bidang Boys

=============================================================

LYN's POV

After ng ilang linggo naming pagti-training THANK GOD makakapagliwaliw na din kami. Umuwi kami sa bahay ni Judy Ann at doon na natulog after nung training namen sa sword. Actually like ko na nga ang paggamit nung sword eh. Ngayon nagbihis kaming lahat at sabay sabay kaming pumunta sa Black Market. Siguro black market ang tawag dun kasi may mga illegal na pinagbebenta dun. Or maybe baka naman lahat ng tinitinda dun kulay black.

Anyway,naglakad lang kaming labing-lima.

Habang naglalakad syempre nakikipagkwentuhan ang iba sa isat-isa. Hindi mo alintana sa kanilang mga mukha ang hirap sa pinagdaanan naming training na iyon.

"Hoi Lyn bat ka tulaley jan?..May iniisip ka ba?"kulbit sa akin ni Jonel

"Ah..wala naman.."tipid na sagot ko.

Mga ilang minuto na rin kaming ngalalakad at ganun parin ang ganap namen.Kwentuhan doon, tawanan dito, Asaran doon, Batukan dito.

"Oh? Mukhang nandito na tayo"biglang sabi ni Judy Ann. Nang mga sandaling iyon ay nakaharap ako kay Jonel dahil sa nakikipagkwentuhan ako at sa iba.Nabaling lang ang atensyon ko ng bila syang magsalita.Tiningnan ko naman ang tinitingnan niya.

O_O

"Wow! Ang ganda naman!!"hangang sabi ni Shane

"Oo nga Bizpren.Ang daming ilaw oh?"sabi naman ni Princelou habang tinuturo ang mga ilaw na nakikita niya.

Buong akala ko kaya tinawag na Black Market kasi Black, yun pala ang kulay ng market na ito ay White. Kung sa mundo ng earth nangyare ito hindi na Basta bastang market ang tawag dito kundi isang mall,Napakalaking Mall.

Mga ilang floors kaya ito?

50?

80?

100?

Ang galing!! *O*

"Guys tara pasok tayo."aya sa amin ni Judy Ann.

Umuna syang pumasok at sumunod naman sina Ate Lorie ,Kuya Jesster at Jordan

Kaming 11 naman ay sabay sabay na sumunod sa kanilang apat

"Ay Couz sana may Gwapo dito ano?"anas ni Glenn kay Jonel

"Ano kaba naman Couz! Malamang nasa Market slash Mall slash Palasyo ng mga anik anik tayo syempre meron yan sa tabi-tabi"sagot naman ni Jonel

"Tumigil nga kayong dalawa dyan"sabat ko naman

"Hmmp..KJ!"sabi sa akin ni Glenn at sabay lapit kay Princelou na tinitingnan ang taas ng Market.

Nakapasok na kami at bumungad sa amin ang isang napakalaking puno sa gitna ng market na ito.

Hindi ko mapigilan ang humanga sa ganda ng nakikita ko. Mga ilaw sa bawat paligid mga taong naglalakad, mga taong nagsisiliparan para makapunta sa ibat ibang floors. May Gahd!! Sana may ganito sa Pilipinas.

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon