Chapter 23: The Rage of Sonica

45 3 7
                                    

Chapter 23: The Rage of Sonica

----------------------------------------

A/N: Pasensya natagalan. This will be short so bear with me.

----------------------------------------

Habang ang ibang miyembro ng Extra Ordinary ay pagod na pagod na at ang iba pa ay nawalan na ng malay, may iba rin na kasalukuyang nakikipaglaban pa rin. Samantalang sina Shane at Lyn naman ay nalalapit na ang kanilang pagdating sa Battlefield.

"Natatanaw ko na ang battlefield"ani ni Shane

"Oo nga, ibig sabihin lang nun ay makakarating na tayo run ng tama sa oras pero paano yun iba?" tanong naman ni Lyn

"Magtiwala ka lang sa mga kasama natin. Alam kong kaya nila yun. Kailangan natin bilisan bago pa tayo mahuli." saad naman ni Shane

"Sige"

Bumilis ang paglipad nina Lyn at Shane. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating rin sila sa likod ng battlefield pero napakataas ng pader nito at hindi ito basta basta naakyat ng sino man.

"Sh!t. Paano to?"tanong ni Shane habang pinagmamasdan ang taas ng pader.

"Sandali lang. Susubukan kong gamitin ang kapangyarian ko. Umatras ka muna" saad naman ni Lyn

Umatras naman si Shane at tiningnan niya si Lyn sa ginagawa nito.

"PHASE!!" sigaw ni Lyn. Pinalibutan ng hangin ang buong niyang katawan. Nag-iba na rin ang daloy ng hangin sa buong paligid. Ang mga puno at dahon ay nagliliparan na rin at umiikot na para bang ipo-ipo.

"Ano bang ginagawa mo?"Tanong ni Shane

"Sinusubukan kong makapasok through this wall pero may humaharang na hindi ko alam. Isang spell ata na nakakapag-protect ng wall" paliwanag ni Lyn

"Protection? Ng ano?" tanong ulit ni Shane

"I don't know. Maybe attacks from the outside or any kinds of harm na makaka-apekto sa wall". aniya

"Haay! Eh kung gamitin ko kaya ang Lion's Roar?" ani ni Shane

"Tanga ka ba? Kakasabi ko lang diba na hindi sya ma-aapektuhan ng ano mang-atake mula sa labas." sabi ni Lyn

"Oo nga no..." nasabi nalang ni Shane.

"Wait lang. What If iangat nalang kita gamit ang hangin tapos gamitin mo ang powers mo para mag-landing sa gitna ng battlefield?" suhestiyon naman ni Lyn

"Pwede, pero bakit ako lang?" nagtatakang tanong ni Shane

"Mas magagamit ko ang full power ko kung nakakapag-concentrate ako ng maayos rito at mukha namang walang kalaban na umaaligid tsaka halos isang oras na rin tayong nandito baka ma-disqualify ang team natin" paliwanag ni Lyn

"Sige sige, pero sandali lang may gagawin lang ako." lumapit si Shane sa pader at hinawakan ito. Pinakiramdaman niya muna ito at ipinikit ang kanyang mga mata.

...

"Alam ko na kung sino ang lumusob sa grupo natin" dahan dahan siyang lumapit kay Lyn.

"Sino?"tanong naman ni Lyn

"Pagbabayarin ko siya...Gawin mo na"utos ni Shane

----------------------------------------

SA LOOB NG BATTLEFIELD

Malapit ng magsimula ang labanan sa loob ng battlefield pero wala pa rin ang grupo nina Jesster.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon