Chapter 22: Glenn Vs. Jovelyn (Part 2)

29 3 3
                                    

Chapter 22: Glenn Vs. Jovelyn (Part 2)

--------------------------------------

Nagising si Glenn sa liwanag na tumama sa kanyang mukha na galing sa itaas ng lupa. Pinakiramdaman naman niya ang kanyang sarili kung may masakit ba sa kanya o wala. Nang wala naman siyang mapansin na kakaiba ay dahan-dahan niyang itinulak ang lupa na nakatambak sa kanyang paanan.

Nagpalabas siya ng malalaking vines at inilabas niya ang kanyang sarili sa pagkakabaon sa lupa.

"Asan na kaya sila?" tanong niya sa kanyang sarili.

"Urgh..." may narinig na ungol si Glenn sa di kalayuan niya kaya hinanap niya kung ano ang pinanggagalingan nito. Nakita naman niya si Jovelyn na natambakan ng lupa sa ibabang parte ng katawan nito kaya ginamit ni Glenn ang kanyang kapangyarihan at unti-unting inaangat si Jovelyn sa kanyang kinalalagyan.

"Are you okay?"tanong ni Glenn kay Jovelyn.

"Sa tingin mo okay lang ako?"sagot ni Jovelyn
"Leche to! Ikaw na nga ung tinutulungan. Oh eto kainin mo."biglang may lumabas na Bulaklak sa lupa at kinua naman ito ni Glenn at pinakain kay Jovelyn ang petals nito.
"Ang pait naman nito."reklamo ni Jovelyn at nakaramdam naman siya agad ng pagbabago. Lumakas ang kanyang nanghihinang katawan

"Oh My God." biglang na-aligaga si Glenn na tila ba'y may hinahanap.

"Bakit?"tanong naman ni Jovelyn kay Glenn.

"Nasaan si Judy Ann?"tanong naman ni Glenn.

"Sh*t! Nabitawan ko ata nung bumagsak ang lupa."sagot naman ni Jovelyn.

"Hanapin natin baka nakawala na iyon sa kulungan niya." utos ni Glenn.

Hinanap ng dalawa ang glass jail sa kung saan-saan pero hindi nila ito nakita.

"Jovelyn nakita mo na ba?"tanong ni Glenn habang naka-upo sa isang malaking tipak ng lupa. Pinagpapawisan na siya sa sobrang init sa paligid dahil na rin sa nasa ilalim sila ng lupa.

"Jovelyn?"patawag ni Glenn ulit kay Jovelyn dahil hindi ito sumagot sa kanang tanong. Nang lingunin ni Glenn ang kinalalagyan ni Jovelyn ay hindi niya ito nakita.

"Jovelyn? Ano ba?" kinakabahang pagtawag ulit ni Glenn.

*BOOGSH*

Biglang tumilapon si Glenn sa di-kalayuan. Ramdam niya ang pagtama ng kung anong bagay sa kanyang sikmura. Nakasalampak siya sa lupa at ng makakuha na sya ng kaunting lakas ay dahan-dahan na siyang tumayo.

"Argh!" inihanda ni Glenn ang kanyang sarili sa susunod na atake. Naglabas siya ng vines sa kanyang paligid at iwinasiwas niya ito sa buong paligid.

"Ahh!" narinig ni Glenn ang pagdaing nito at sunod-sunod niya itong tinira ng razor blades na gawa sa dahon.

Iniangat ni Glenn ang kanyang katawan sa ere sa pamamagitan ng vines na nagtutulak sa kanya pataas.

"LEECH!" sigaw ni Glenn.

Laking gulat naman niya ng makita niya si Jovelyn pala ang kanina pa niyang kalaban.

"Jovelyn anong nangyayare sayo bakit mo ko inaatake?" nagtatakang tanong ni Glenn.

"Kill Him...Kill him...Kill him"sunod sunod na sinabi ni Jovelyn, agad naman narinig ni Glenn ang sinabing iyon ni Jovelyn bahagya siyang nabahala sa mga salitang iyon.

Tumayo si Jovelyn sa kanyang kinalalagyan at naglabas ng energy balls sa kanyang magkabilang kamay. Ihinagis niya ito ng sunod-sunod kay Glenn, habang gumawa si Glenn ng malalaking baging para protektahan ang kanyang sarili.

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon