Chapter 19: The Queen

44 4 0
                                    

----------------------
AN: This will be a short update.

----------------------

Chapter 19 : The Queen

3rd Person's POV

Sinundan nina Jay-Ar at Val kung saan pumunta si Judy Ann. Dahan-dahan silang kumilos para hindi mahalata ni Judy Ann na may sumusunod sa kanya. Nag-anyong insekto si Val kaya di sya halos makita ni Judy Ann, habang si JayAr naman ay gumawa sya ng spell na makakapag-transform sa kanya into insect.

Inabot ng halos mga dalawang minuto sa pag-cast ng spell si Jay-Ar para maging isang insekto. Mabilis naman syang sumunod kay Val at sinundan nilang dalawa si Judy Ann.
Tumatakbo na si Judy Ann sa mga kakahuyan sa likod ng Azinec Battlefield. Mabilis namang lumipad sina Jay-Ar at Val papunta sa direksyon kung saan papunta si Judy Ann. Habang tumatakbo si Judy Ann ay biglang nabalutan ang damit niya ng pulang cloak/kapa. Mabilis na ipinatong ni Judy Ann ang hood ng cloak niya pero hindi parin sya tumitigil sa pagtakbo. Kinuha niya ang Bow niya at nag-release ng arrow sa kawalan at biglang nagkaroon ng portal.
Bahagyang nagulat si Val sa ginawa ni Judy Ann at mabilis na lumipad papapunta sa portal at sumunod naman sa kanya si Jay-Ar.
Nag-morph naman into kuto si Val at ganun din naman ang ginawa ni Jay-Ar sa pamamagitan narin ng mga spell niya. Pumasok sila sa loob ng cloak at pumunta sa ulo ni Judy Ann at nagtago sa buhok nito.

"Of all insects, bakit kuto pa ang napili mo?" inis na sabi ni Jay-Ar sa kanyang isip.
"Sorry no choice ako."sagot ni Val. Nag-uusap silang dalawa sa kanilang isipan.

Si Judy Ann naman ay naglakad sa isang mahabang pasilyo. Lahat ng mga bagay ay mga gawa sa ginto at pilak. Ang mga muwebles ay napakagandang tingnan na nakalagay sa mga sulok. May isang napakalaking pintuan ang bumungad kay Judy Ann at bigla nalang itong bumukas pagkatapos niyang ipitik ang kanyang mga daliri.

Sa di-kalayuan ay nakita ni Judy Ann ang tatlong malalaking upuan pero mas malaki ang sa gitna. Naka-upo sa gitna ang isang babae na napakaganda na halatang bored na bored.

Lumuhod si Judy Ann sa harap ng babae.

"My Queen." nanatiling nakaluhod si Judy Ann

"Teka-teka tinawag niyang queen ang babaeng to?" tanong ni Val

"Yun ang narinig ko eh." sagot naman ni Jay-Ar.

Sa mga oras na yun any naguguluhan na ang dalawa sa kanilang narinig. Nag-uusap si Jay-Ar at Val sa pamamagitan ng isip.

"Oh? Ryuuka anong ginagawa mo rito?" tanong ng babae.

"Sino naman si Ryuuka? Si Judy Ann ba? Shemay naman andaming revelations ah."ani ni Val
"Shh. H'wag kang magulo." hinawi ni Jay-Ar ang buhok ni Judy Ann para makita niya ang mukha ng babae.

"Lumalakas na po ang kanilang grupo. Dapat ko na bang gawin ang ang pinag-uutos niyo sa akin?" si Judy Ann

"Alam ko Ryuuka, sa bawat araw na nakikipaglaban sila. Unti-unti silang lumalakas , unti-unti silang nagiging makapangyarihan. Sige gawin mo na ang pinag-uutos ko."

Doon napagtanto ni Jay-Ar na ang tinawag ni Judy Ann na Queen ay si Queen Marix ng Palace of Bazuur. Mabilis naman niyang sinabi ang kanyang nalaman kay Val. Maski si Val ay nagulat rin sa kanyang nalaman.

"Ano atakihin na natin?" saad ni Val

"H'wag! Malakas sya para sa isang babae at alam kong mas malakas sya inaakala ko." ani ni Jay-Ar.

"Magka-cast lang ulit ako ng spell medyo nawawala na ang epekto ng spell na transformation eh. Elium Gari Kalou Sanni Kal!" ani ni Jay-Ar.

"SINO YUN!!?"biglang sigaw ni Queen Marix.

"Ano po yun mahal na reyna?"tanong ni Judy Ann.

"May nararamdaman akong napakalakas na kapangyarihan sa loob ng silid na ito." ani ng reyna.

Napatigil naman sa pag-cast ng spell si Jay-Ar. Dahil alam niyang sya ang tinutukoy ng reyna na malakas na kapangyarihan.

Bumaling sa kaliwa at kanan ang tingin ng reyna at pinapakiramdaman ang buong paligid.
Biglang sumama ang tingin ng reyna kay Judy Ann at bigla nalang inilahad ng reyna ang kanyang kamay sa direksyon ni Judy Ann.
Nagulat ang dalawa sa kanilang nasaksihan sapagkat si Judy Ann ay hirap na hirap na huminga habang hawak hawak ang kanyang leeg.

"Naramdaman niya yung pag-cast ng spell mo." nakatingin na sabi ni Val kay Jay-Ar.
"Oo nga at dahil dun akala niya si Judy Ann ang may gawa nun." ani ni Jay-Ar

Itinaas ni Queen Marix ang kamay niya at ang katawan naman ni Judy Ann ay umaangat ng paunti-unti sa ere. Hirap na hirap itong huminga at namumula na ang kanyang mga mukha.

"Kailangan natin gumawa ng paraan para 'di niya mapatay si Judy Ann." mabilis na sabi ni Val

"Oo na eto na nga. EVOC!" saad ni Jay-Ar at biglang nalaglag ang mga bagay na nakakabit sa kisame papunta sa reyna. Hindi naman akalain ng reyna na babagsak ang mga bagay na iyon at hindi na ito nagawang ilagan pa ang mga bagay na pabagsak.

Kasabay ng pagbagsak ng reyna ay nalaglag rin ang katawan ni Judy Ann sa sahig at mabilis na tumakbo paalis sa kwartong iyon. Maaaring patayin sya ng reyna kung mananatili pa sya roon sa lugar na iyon. Kahit hirap pa ring huminga ay tumakbo ng tumakbo si Judy Ann sa mahabang pasilyo. May mga kawal ng palasyo ang humarang kay Judy Ann at sinugod sya.

Nilabas naman ni Judy Ann ang Bow niya at ginamit nya itong panangga sa mga bagay na gamit ng kawal. Sa dami ng kawal ay hindi nagawang makapalag si Judy Ann at sinipa sya sa likod ng isang kawal na nakapagpadapa sa kanya sa sahig. Malakas na inapakan ng isang kawal ang kanang kamay ni Judy Ann, nabitawan ni Judy Ann ang kanyang bow sa pangyayaring iyon. May nakaapak rin sa likod niya at may nakaturo sa kanyang mga spear at espada.
Hindi na magawang maka-kilos ni Judy Ann sa pangyayaring iyon ng biglang...

"GORILLA's PUNCH!!"lumabas mula sa ulo ni Judy Ann si Val at sunod sunod na sinuntok ang mga kawal na nakaharap nito.

"HORSE's KICK!!" sinipa niya rin ang mga ito na nakapagpatalsik sa kanila sa pader.

"Hoy hindi ka pa ba lalabas dyan?"tanong ni Val.

Labis namang nagtaka si Judy Ann sa mga nangyari. Papaanong nasundan sya ni Val? Saan sya galing? Sino pa ang mga kasama niya? Ang mga tanong na pumapasok sa isipan ni Judy Ann.

Lumabas mula sa ulo ni Judy Ann si Jay-Ar at bumalik na ito sa dati niyang anyo. Kitang-kita naman ni Judy Ann na papalapit na sa kanya si Jay-Ar at may binulong sa kanya. Dahil nanatiling nakadapa si Judy Ann ay mabilis na maibulong ni Jay-Ar kay Judy Ann ang spell.

"SLEEP MY FRIEND." sabi ni Jay-Ar.

Nag-cast pa ng spell si Jay-Ar at pinaliit niya si Judy Ann at nilagay niya sa isang bolang kristal. Sigurado syang hindi makakaalis ang kung sino man ang nakalagay roon.

"Tara na!"sigaw ni Val.

Mabilis namang tumakbo sina Jay-Ar at Val paalis sa lugar na iyon. Madaming humarang mga kawal sa kanilang dalawa pero mabilis namang natatalo nilang dalawa ito.
Nakita nila ni Val at Jay-Ar ang pinto palabas ng palasyo at nang buksan nila iyon ay bumungad sa kanila ang napakalakas na hangin at mga ulap.

"KAILANGAN NATING TUMALON RITO!!"sigaw ni Val

"SIGE IN ONE..TWO..THREE!!" sigaw rin ni Jay-Ar sabay silang tumalon sa ere ni Val.

Ang Palace of Bazuur ay nasa ere. Napakataas nito mula sa lupa kaya imposibleng malakbay ito ng iba pang players. Kahit may pakpak man o wala ay wala pang nakapasok na player rito. Tanging secret portals lang ang daan para makapasok ka sa Palace of Bazuur katulad ng ginawa ni Judy Ann.

"VAAAAAAAL!! MAAAAG TRAAAAAAAANSFOOOOORM KAAAA!"sigaw ni Jay-Ar.
"SIGEEEE!!"sagot naman ni Val at nagtransform into red dragon.

Pinagaspas ni Val ang pakpak nito at sinalo si Jay-Ar na bumubulusok sa ere. Naabutan naman ni Val si Jay-Ar at nakasakay na ito sa likod ni Val.
"Gumawa ka ng spell para makabalik tayo sa Azinec."sabi ni Val.

Okay! Milure Jisiu Kalmn Karoipu Amorista." Biglang nagkaroon ng isang portal sa ere at mabilis na lumipad papunta sa direksyon ng portal.


---------------
Chapter 20: The Possession
---------------



Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon