Chapter 21: The Unwanted Guest (Part III)

35 3 0
                                    

[An: Another update. Enjoy Reading!!! ^______^]

Chapter 21: The Unwanted Guest (Part III)

---------

EARLIER:


Maagang umalis si Jordan sa tinitirhan nila. Medyo madilim pa ang kalangitan ng siya ay nagpasya na pumuna sa tinitirhan ni Kim. Alam naman ni Jordan na iyon ang araw kung saan sila lalaban ulit sa Battlefield. Balak niya kasing sumabay sa dalaga upang kilalanin pa ito ng lubusan. Nilakad lamang niya ang direksyon papunta sa bahay na tinitirhan ni Kim para ehersisyo na rin umano sa kanyang katawan.

Maliwanag na nung makarating sya sa labas ng bahay ni Kim pero hindi niya pinaalam na nasa labas siya.

"Aissh! Aantayin ko nalang sya lumabas"kinakabahan na sabi ni Jordan.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Kim sa bahay na kanyang tinitirhan.

"Oh? Jordan anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang tanong ni Kim habang sinasara ang pintuan at nilalagyan ng Code.

"Ah... eh.. Gusto ko lang sana sumabay sa iyo.Diba papunta ka rin sa Battlefield?" anas ni Jordan na napapakamot sa ulo.


"Alam ba naman ng mga kasama mo na sasabay ka sa akin?"unti-unting lumalapit si Kim kay Jordan.

"Oo,nagpa-alam naman ako."sagot ni Jordan

"Ah. Ganun ba? So? Tara Na?"pag-aya ni Kim kay Jordan

"Sige." ani pa ni Jordan. Biglang lumabas ang pakpak ni Kim at ganoon rin ang ginawa ni Jordan,inilabas niya rin niya ang pakpak niya na metal at sumunod kay Kim.

"Let's have a race..."sigaw ni Jordan

"Anong race?" tanong naman ni Kim

"Paunahan makarating sa Battlefield." sagot naman ni Jordan

"Anong prize?" tanong ulit ni Kim

"Kapag ikaw ang nanalo gawin mo ang lahat ng gusto mo. Kapag ako naman ang nanalo makikipag-date ka sa akin." paliwanag ni Jordan.

"Talaga? So. Pasensya ka na at mauuna na ako."biglang bumilis ang paglipad ni Kim at umuna na kay Jordan. Bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan.

"Ang daya mo."mabilis naman ding lumipad si Jordan para habulin si Kim ng biglang may napansin si Jordan sa unahan ni Kim.Walang kamalay-malay si Kim dahil sya ay nkatingin kay Jordan.

Papunta sa direksyon ni Kim ang bagay na iyon. Pabilis ng pabilis ito hanggang sa tamaan si Kim.

"KIM!!" sigaw ni Jordan.

Bumulusok sa lupa si Kim na parang eroplanong sumabog.Bago pa mang tuluyan bumagsak sa lupa si Kim ay nasalo naman agad sya ni Jordan.

Inilapag ni Jordan si Kim at sinuri kung buhay pa ba ito. Hinawakan ni Jordan ang pulso ni Kim at inilapit ni Jordan ang kanyang tenga sa dibdib. Na-kumpirma naman niya na humihinga pa ito kaya napa-buntong hininga ang binata.

-----------


"Guys bilisan na natin."pagmamadali ni Shane kay Val at Lyn.


Nag-aalala man si Lyn ay wala syang magawa upang tulungan ang kanyang kaibigan. Lumipad na ulit ang tatlo papunta sa direksyon ng battlefield.

"Ako lang ba ang hindi makagamit sa Wing Spell ni Jay-Ar?"tanong ni Shane.

"Isa lang ang ibig sabihin nun. Naubos na ang lahat ng kapangyarihan at lakas niya or his life is in danger." saad ni Val na nag-anyong dragon upang makasaya si Shane sa likod nito.Habang si Lyn naman ay ginagamit ang kanyang kapangyarihan para paliparin ang kanyang sarili.

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon