Chapter 21: The Unwanted Guest (Part IV)

34 3 0
                                    

Chapter 21: The Unwanted Guest: Part IV

---------------------------------------

Habang nakikipaglaban sina Jesster, Princelou , Jemuel at Rommel sa isang knight ay mabilis naman umalis Lorielyn na akay-akay si Jovelyn, Jonel at Glenn.

"Bilis!" sigaw ni Glenn

"Oo na,eto na oh!" ani pa ni Jonel

"Hindi tayo ligtas dito" saad ni Lorielyn

"Jonel! Gumawa ka ng tunnel sa ilalim ng lupa ngayon na!"utos ni Glenn

Dali-dali namang sinunod ni Jonel ang utos ng kanyang pinsan. Gumawa siya ng hagdan at bumaba sila doon at pumasok sa ilalim. Mabilis namang sinara ang butas na ginawa niyang iyon pagkatapos nilang makapasok.

"What's your Plan?" tanong ni Jovelyn

"Wag mo nga akong ini-english dyan..."ani ni Glenn na nakasunod kay Jonel. Nauuna si Jonel dahil ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng tunnel sa pamamagitan ng pagkontrol ng mga lupa.

"Oo nga, Ano ba plano mo?" tanong rin ni Lorielyn

"Well, If we are not safe in the surface then maybe here we ar--. ARAY!" sabay sapok ni Jovelyn kay Glenn

"Kala ko ba walang english-an? Eh bat ka nagi-english?"inis na sabi ni Jovelyn

"Sensya, nadala lang." anas ni Glenn

"Well sounds like a plan! Pero pakiramdam ko hinahayaan nateng mabugbog ang mga kasama natin habang tayo tumatakbo na parang manok." paliwanag ni Lorielyn

"Isipin mo nalang Ate Lorie, kung lahat tayo nasa taas nakikipaglaban sa mga hindi natin kilala o kung ano man sila eh mas babagal tayo." paliwanag ni Glenn

"May Point ka Couz." ani naman ni Jonel

"Tsk!" napa-ismid nalang si Lorielyn, bagamat pumayag siya sa plano ni Glenn ay nag-aalala siya sa kanyang mga kaibigan.

"Ilang minuto bago tayo makarating sa Battlefield?"tanong ni Jovelyn

"30 minutes? Di ko sure pero yun ang calculation ko." saad ni Jonel.

"Kung ganon pala ay kailangan na nating bilisan"ani ni Lorielyn

"OMG! Sh*t! BILIS!!"biglang sigaw ni Jonel.

Nagulat naman sina Lorielyn, Jovelyn at Glenn sa inakto ni Jonel. Mabilis na tumakbo si Jonel at gumawa ng tunnel para makadaan sila.

"Teka! Teka ! Ano bang nangyayare? "takhang tanong ni Jovelyn

"May nakasunod sa atin! At sigurado akong mahahabol na niya tayo!" saad ni Jonel.

Agad namang na-alarma ang tatlo at hinanda ang kanilang mga sarili. Sinundan nila si Jonel kung saan ito papunta.

"Jovelyn, ito sayo ko ipagkakatiwala si Judy Ann."inabot ni Lorielyn ang Glass Cage na bilog at maliit kay Jovelyn.

"Sige ate akong bahala."sagot naman ni Jovelyn

"Siguraduhin mong hindi makatakas yan ha! Naku pag yan na-escape warla na tayo gurl!"ani ni Glenn

"Oo na!" ani pa ni Jovelyn

Sa kalagitnaan ng pagtakbo nilang apat ay isang malakas na pagsabog ang nangyari sa kanilang itaas. Ikinabig ni Jonel si Lorielyn pakaliwa kaya sabay silang natumba sa kaliwang bahagi bago pa man sila mabagsakan ng mga malalaking bato. Habang si Jovelyn at Glenn naman ay natabunan ng mga lupa na bumagsak sa kanila.
---------------------------------------

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon