Chapter 16 : The Road to Zerep

34 3 1
                                    

[AN: Eto na po ulet ang ud!!!]

Chapter 16 : The Road to Zerep

---

---

Tatlong linggo makalipas ang laban nila sa Azinec ay patuloy parin sa pagpapagaling ang grupo ng X.O. Bagama't nabugbog ng husto si Jonel ay nagkammalay rin ito makalipas ang isang linggo nitong pagpapagaling, pero hindi niya parin maikilos ang kanyang mga paa dulot na rin ng pagsipa ni Azinec sa kanya. Si Princelou naman ay maayos na rin ang pakiramdam at nagsasanay na sa kabila ng mga pasa na natamo rin niya sa laban tumagal rin ng halos limang araw ang pagpapagaling. Habang si Jay-Ar ay mabilis na gumaling dahil lumipas lang ang dalawang araw simula ng laban ay gumaling na agad at bumalik na rin sa pagsasanay. Si Jesster naman ay mabilis rin namang gumaling dahil kinabukasan ng pagkatapos ng laban ay nakakakilos na ito ng maayos.

Nasa loob ng bahay ni Judy Ann sa Azinec ang ibang miyembro ng X.O habang ang iba naman ay nasa labas at nagsasanay upang palakasin ang kani-kanilang kapangyarihan at katawan.
Sina Princelou, Val, Jay-Ar at Jordan ay nasa labas na sabay sabay na nagsasanay. Si Jonel naman ay nasa loob ng isang kwarto habang nagpapahinga dulot narin ng huling labanan nila. Si Jesster at Lorielyn naman ay nasa dining area na nag-uusap ng mga bagay bagay. Sina Lyn , Jovelyn, Glenn, Shane at Lovely ay nasa kusina para maghanda ng kanilang pananghalian at sina Jemuel naman at Rommel ay pumunta ng Market kasama si Judy Ann upang mamili ng mga kakailanganin nila sa paglalakbay papunta sa Zerep.

-Market City(isa sa pamilihan na malapit sa Azinec.)

Maingay sa buong paligid na kanya-kanyang piniprisintang mga kagamitan at kanya kanyang puri sa kanilang mga damit at mga alahas.

"Uhmm.. Ano pa ba kailangan natin Judy Ann"pagtatanong ni Rommel kay Judy Ann habang bitbit ang mga pagkain at ilang mga bagay na panglakbay.
"Wala na nakuha ko na lahat at na check ko na rin ang listahan kung may kulang ba pero okay na." sagot ni Judy Ann
"Ah ganun ba ? So pwede na tayong umuwi?" tanong naman ni Jemuel.
"Oo pwede na, umuna na kayo kasi may pupuntahan pa ako eh alam niyo naman siguro kung saan ang daan diba?" aniya pa
"Samahan ka na namin baka may mangyari pa sayong masama." saad naman ni Rommel
"Naku hindi na kaya ko na to. Sige na umuna na kayo mag-ingat kayo sa daan ha." pagpa-paalam ni Judy Ann
"Sige ikaw din nag-ingat ka." at naghiwalay na nga ng landas sina Jemuel at Rommel kay Judy Ann.

-Likod Bahay(Ni Judy Ann)
Lumilipad sa ere si Princelou at sunod sunod na sumuntok sa ere na tila ba'y nagsha-shadow boxing. Si Jay-Ar naman ay binabasa ang Book of Spells niya at patuloy na ina-analisa ang bawat letra at pangungusap na nakasaad rito. Si Val naman ay nagsasanay rin at mabilis na nagpapalit anyo sa ibat-ibang klaseng hayop at mabilis na ginagamit ang bawat kakayahan nito. Si Jordan naman ay hawak ang sword niya nagsasanay rin, nakabalot sa bakal ang magkabilang braso niya at nakalabas rin ang mga pakpak na metal na wing spell ni Jay-Ar.

Maya-maya pa ay nagpahinga muna ang apat sa kanilang pagsasanay.
"PRINCELOU BUMABA KA MUNA RITO!!" sigaw ni Jordan kay Princelou na nasa ere parin. Narinig naman ito ni Princelou at mabilis na bumaba.
"Eto tubig!" sabay abot ni Val ng tubig kay Princelou.
"Salamat" saad ni Princelou at pinunasan ang pawis sa kanyang noo gamit ang telang nakalagay sa upuan.
"Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na kamuntikan mo nang matalo si Azinec." ani ni Val kay Princelou
"Hehe. Ako rin ay hindi rin makapaniwala, siguro yung will na kailangan kung iligtas ang mga kaibigan ko kaya lumakas ako ng sobra." sagot naman ni Princelou kay Val.
"Hayss!! Ang sakit na ng ulo ko sa libro na to! Hindi ko maintindihan ang mga nakalagay!" maktol ni Jay-Ar
"Hahaha, hayaan mo na, malalaman mo rin kung ano ang mga nakalagay dyan sa tamang panahon. Hahahaha " ani ni Val
"He! Tigil tigilan mo ko Val ha! Gagawin talaga kitang bato dyan." sagot naman ni Jay-Ar
"Okay okay"sabay taas ng magkabilang kamay ni Val na tila bay sumu-surrender sya sa kanilang usapan.
"Tagal naman ata ng dalawang mokong na yon." sabi ni Jordan
"Baka naman maraming binili." turan ni Princelou
"Oo nga, eh diba sa isang araw na tayo maglalakbay papuntang Zerep." ani ni Val
"Oo tsaka kailangan ba talaga nating lakarin yun? "tanong naman ni Jay-Ar
"Oo daw, bawal kasing gamitin ang powers sa lugar na yun kaya lalakbayin nalang natin. At wala namang transportasyon na pwedeng maglakbay kaya no choice." sagot nalang ni Jordan
"Three Days? Di kaya mamatay tayo sa sobrang pagod dun?" turan ni Val
"Huwag kang O.A. Kaya nga pumuntang Market City sina Judy Ann diba kasi namili sila ng kakailanganin natin." saad naman ni Princelou

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon