Chapter 18 : The True Face of Death Guys

51 3 1
                                    

 [An: Isang chapter lang yung na ud ko. Yung ch19 kasi dpa tapos. Sinabayan pa ng sakit ng ulo at likod ko kya di ako mkapag type. Baka ma update ko sa tuesday.  Sori talaga guyz.]

Chapter 18 : The True Face of Death Guys

-----

-----

3rd Person's POV

Nagpatuloy parin sa pakikipaglaban sina Jovelyn, Jordan, Glenn, Jemuel at Rommel sa mga bangkay na lumalabas sa ilalim ng lupa.

"WING SLICER!!" sigaw ni Jordan at malakas na pumagaspas ang kanyang mga pakpak na nagdulot ng matitinding hiwa sa mga bangkay at nagkandaputol-putol, nagkalasog-lasog ang mga parte nito.

"SPEED PUNCH!!" sunod sunod naman na sumuntok si Rommel at sa sobrang bilis ng kanyang pagkilos ay hindi na sya halos makita.

"BIG FOOT!!"pinalaki naman ni Jemuel ang kanyang paa at sinipa ang mga bangkay na nasa malapit sa kanya. Salitan niyang pinapalaki ang kanyang mga paa at kamao para atakihin ang mga bangkay na papalapit sa kanila.

"STUN SPORE!!" lumabas mula sa ilalim ng lupa ang mga kakaibang kabute na pinalabas ni Glenn, may lumabas sa ibabaw ng kabute at dumiretso sa grupo ng Death Guys. Sa ginawang iyon ni Glenn ay nakaramdam ng panghihina ang Death Guys.

"Guys! Hindi niyo ba napapansin parang pinapagod lang nila tayo sa ginagawa nating pakikipaglaban sa mga bangkay na to!" sigaw ni Jemuel sabay sipa sa bangkay na papalapit sa kanya.

"Kanina ko parin napapansin Jemuel, kaya lang hindi naman natin kayang buwagin ang depensa ng Death Guys kasi nga nakikipaglaban tayo sa mga abnormal na zombie na to." ani ni Rommel

"Jovelyn, hawakan mo ng maigi ang bola!" sigaw ni Jordan
"Sige." kinakabahan sagot ni Jovelyn. Bagamat nagawa niyang sirain ang force field ng kalaban ay hindi parin sapat iyon para matinag ang Death Guys. Ramdam parin niya ang sakit na dulot ng suntok na natamo niya mula sa isang miyembro ng Death Guys. Ipinamahala ni Jordan ang bola kay Jovelyn para maprotektahan ito dahil sa kakayahan nitong gumawa ng depensa sa tulong ng kanyang kapangyarihan.

Tumigil sa paglabas ang mga bangkay sa ilalim ng lupa at nawala na rin ang usok sa paligid ng Death Guys. Unti-unting kumilos ang miyembro ng Death Guys, dahan dahan nilang tinanggal ang suot nilang Cloak pero may maskara parin sa kanilang mukha.

"Siguro mga chaka ang fez ng mga yan." ani ng isang manunuod sa katabi nito.
"Oo nga tapos mga bungi-bungi pa yung mga ngipin nila. Hahaha" pagsang-ayon ng kasamahan nito.

Hawak hawak na ng mga miyembro ang kanilang mga maskara. Unti-unting niluluwa ng maskarang iyon ang mga mukha, mga maamong mukha na tila ba'y anghel na galing sa langit.
"KYAAH!! ANG POGI!!" sigaw ng babaeng manunuod.
"I LOVE YOU!!" sigaw ng iba
"AKIN KA NA LANG!!"
"MAHAL NA KITA!!" at kung ano ano pa ang mga salitang maririnig mula sa manunuod.

Kinabibilangan ng tatlong lalaki at dalawang babae ang Death Guys. Kitang-kita nina Jordan ang mga walang emosyon na mata ng Death Guys. Laking gulat nalang nila ng biglang umatake ang Death Guys sa kanila. Mabilis namang pinalakas ni Jovelyn ang kaniyang depensa para
protektahan ang bola.

Lumusob ang isang babae kay Jordan, ginamit naman ng babae ang isang malaking palakol at hinampas kay Jordan pero sinalag naman niya ng double sword niya. Habang nasa ere si Jordan ay nasa lupa naman ang babae at nagpapalitan parin sa pag-atake. Wala paring emosyon na nakikipaglaban ang babae kay Jordan, habang siya naman ay nahihirapan na sa sobrang lakas ng babae.

"Hindi niyo ba napapansin kahit walang kaemo-emosyon ang mga miyembro ng Death Guys, ang lalakas ng bawat atake nila." saad ni Lorielyn
"Napansin ko na rin yon Lory. Sana kayanin ang labang ito." sagot nalang ni Jesster

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon