Chapter 22: Glenn Vs. Jovelyn (Part 1)

29 3 1
                                    

[Dianne eto na ang iniintay mong update!!!]

Chapter 22: Glenn Vs. Jovelyn Part 1

-------------------------------------

Nabalot ng yelo ang buong katawan ni Jemuel dahil sa usok na nilabas ng kalaban. Mabilis namang bumangon sa pagkakadapa si Rommel at mabilis na umatake sa kalaban. Sa isang iglap lang ay biglang sakal sakal na si Rommel ng kalaban sa leeg.

"BLUE FLAME!!!" sigaw ni Princelou at tinamaan naman sa likod ang lalaki. Nabitawan niya si Rommel at naging hudyat na rin kay Rommel yun na umatake habang tinamaan ito ng pag-atake ni Princelou.

"SPEEDO!" mabilis na tumakbo paikot si Rommel sa kinalulugaran ng kalaban. Sa sobrang lakas at bilis ng hangin na nagagawa ni Rommel ay unti-unting nagkaroon ng ipo-ipo paikot sa kalaban at palaki ito ng palaki.

Habang may ipo-ipong nabubuo ay tumakbo si Rommel papunta kay Jemuel at Princelou.

"Kuya Jess, its your turn..."ani ni Rommel. Narinig naman iyon ni Princelou at tiningnan si Rommel pero ibinaling niya agad ang tingin kay Jemuel.

"UNIVERSAL GRAVITY!!"sigaw ni Jesster at biglang bumagsak ng pagkalakas lakas ang kalaban sa lupa mula sa ere. Sa sobrang lakas ng pagkakabagsak ay nagkaroon ito ng napakalakas na impact sa lupa hanggang sa magkadurogdurog ang katawan ng kalaban.

"Tapos ka ngayon..."bulong ni Jesster sa sarili. Tumakbo naman papunta si Jesster kina Princelou.

"Kaya mo ba syang ibalik sa dati?"tanong ni Rommel kay Princelou.

"Siguro, susubukan ko."naglabas ng kulay berde na apoy sa kamay si Princelou at itinapat niya ito sa nakahigang katawan ni Jemuel.

"Ano? Is it working?"tanong naman ni Jesster

"Oo, Kaya kong tunawin ang bumalot na yelo sa kanya pero aabutin ng ilang oras dahil hindi ito basta bastang ordinaryong yelo. Tanging Green Fire lamang ang kayang tumunaw sa mga yelong ganito kaya gumagana naman ang powers ko. Umuna na kayo Kuya at Rommel ako ng bahala sa kanya."saad ni Princelou.

"No, we won't leave you the both of you here. Sabay tayong aalis sa lugar na ito.Okay?" ani pa ni Jesster.

"Pero..."ani ni Princelou na agad namang pinutol ni Jesster ang pangungusap niya.

"Walang pero pero."saad naman ni Jesster.

"Okay." pagsangayon ni Princelou

"Umatras pala muna kayo I need some space para maalis ko ang yelo na bumabalot sa kanya."utos niya

Umatras naman sina Jesster at Rommel at ginawa na ni Princelou ang pagtutunaw ng yelo sa buong katawan ni Jemuel.

Nabalot ng kulay berde ang buong katawan ni Princelou at lumiliit ang kanyang at pumasok sa loob ng katawan ni Jemuel sa pamamagitan ng bibig nito.

Habang ginagawa ni Princelou ang ritwal ay biglang may naramdaman na kakaiba si Jesster sa di kalayuan. Nagpasama naman si Jesster sa may gubat at tiningnan kung sino ang naroon.

Bago pa man mapansin ni Jesster ay biglang may tumama na maliit na bagay sa leeg niya at ng kinuha niya iyon ay nakita niyang nakabulagta nalang sa lupa si Rommel at unti-unting dumidilim ang paningin niya hanggang sa mawalan ng malay.

-------------------------------------

Nagising nalang si Jonel na may nakadagan sa kanyang malaking tipak ng lupa na galing sa itaas.

Land of Battlefields: Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon