Dara's POV
"Shocks! Totoo ba 'to? Nangyayari ba talaga 'to? Weh? Baka panaginip lang." Tanong ko sa sarili ko.
Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko. Kanina ko pa kinukurot at pinagsasampal ang pisngi ko. Jusko! Kung panaginip lang 'to, sana Never na akong magising.
Kasi naman.... Inhale...exhale... Binigyan ako ni Jiyong ng isang necklace.
AHHHHHHHH!!
SHEEEEETTT!!!
tinawagan ko si CL para ipaalam sa kanya ang nangyari.
"Hmm..Dara, napatawag ka?"
"M-may gusto lang akong sabihin..."
"Ano naman 'yon?"
"CL...BINIGYAN AKO NI JIYONG NG NECKLACE!!"
"Ay tangina! Ano ka ba naman Dara! Kailangan mo ba talagang sumigaw? Jusko mababasag eardrums ko! Pero... Dara, 'wag kang magpadala sa Jiyong na 'yan."
"Bakit naman?"
"Gaga! Ang playboy ng lalakeng 'yun."
"Wala. Akong. Paki. Basta, nililigawan niya ako."
"Ha? Ligaw? Agad-agad?"
"Oo. Kasi 'diba binigyan niya ako ng necklace. Ibig sabihin, nanliligaw siya. Sasagutin ko na siya bukas."
"Juskooooo!! Hindi porket binigyan ka ng necklace ay liligawan ka na. Pa'no niya ba binigay ang necklace?"
"Once upon a time, naglalakad ako papunta doon sa secret place natin. Syempre, tayong dalawa lang ang nakakaalam ng lugar na 'yon. Nakita ko si Jiyong na may iniwang pulang box.
"Jiyong, ba't nandito ka? At para kanino ang pulang box na 'yan? Isa pa, paano mo natagpuan ang lugar na 'to?" Tanong ko.
"Nakita ko kasi kayo ni CL na tumatambay rito. At ang necklace na 'yan, para 'yan sa isang babaeng madalas tumatambay rito."
sabi niya at naglakad papalayo. Syempre, ako lang naman ang madalas pumupunta sa secret place natin 'diba? HOY CL SABIHIN MO, KAILAN ANG HULI MONG PAGPUNTA SA SECRET PLACE? Kasi ako, kanina ang huli kong pagpunta, kung saan meron si Jiyong
"Ang ingay mo Dara! Araw-araw akong pumunta sa secret place natin dahil may balak akong ipa-renovate 'yung bahay doon. Para sa susunod na buwan, doon na tayo titira--"
"Ha? Ibig sabihin...p-para sa iyo ang necklace..."
"Hoy Dara! Hindi ako interesado sa necklace na 'yan at sa Jiyong mo. At saka, tignan mo nga oh! 6:30 am pa. Ang aga! Baka naman nanaginip ka lang?"
"HOY CL! Pumunta ako sa secret place kaninang 5:30 dahil wala lang. Gusto kong mag relax."
"Hahahaha baka naman para sa akin talaga ang necklace na 'yan? Joke laaang!!"
"Che! Matulog ka na nga."
In-end ko na 'yung call at napag isip-isip.
HINDI PWEDE! DAPAT PARA SA AKIN ITONG NECKLACE. HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA PARA ITO KAY CL.
Pero what if si CL talaga ang gusto ni Jiyong?
Kakayanin ko kaya? O baka mas mabuting i-end ko na rin ang friendship ko with CL para alam mo na, hindi maging masakit para sa akin 'pag naging sila.
Pero pwede rin naman na kapag sila na, aagawin ko si Jiyong.
Ew. Ayokong maging ahas!
Hays. Ang dami ko namang iniisip. Eh para naman talaga sa akin ang Necklace na 'to.
Time check: 7:00 am
Hindi ko talaga pinagsisihan na pumunta sa secret place namin ni CL. Pumunta kasi ako doon dahil nag away sina Mama at Papa pero ngayon, bati na sila. Pero ayoko namang makarinig ng nababasag na mga plato at baso tapos ayoko ring pag utusan na ako ang magliligpit kaya pumunta ako doon sa secret place. Che! Bahala sila diyan. Sila ang nagkalat kaya sila ang magligpit!
Pumunta na ako sa school at shems!! Nakita ko sa gate si Jiyong!!
"Hi," sabi ko at ngumiti.
Nakatingin siya sa leeg ko kaya hinawakan ko ang necklace na binigay niya sa'kin.
"Uhmm... Hehehe sinuot ko na ang---"
Biglang naputol ang sasabihin ko dahil bigla niya itong.... Kinuha.
Kinuha niya. Inalis niya mula sa leeg ko.
At...
Wala na. Sira na ang necklace. Sira na ang lock. Yung lock lang naman. Hindi naman naapektuhan ang pendant. Pwede pa naman siguro itong ibalik sa dati 'diba? Pwede ko pa 'to ipaayos 'diba?
Pero...ba't niya ito hinila mula sa leeg ko at bakit siya galit?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: may continuation pa 'to. Hanggang part 5 ito. Hihihi mag Update ako agad framis!!
BINABASA MO ANG
DARAGON One Shot Collections
FanfictionMy one shot collections story featuring Sandara Park of 2NE1 and Kwon Jiyong (G-DRAGON) of Bigbang. I really ship them that's why I create this story. ||Just for a ship|| No Bashing please. I respect what OTP ang shini-ship niyo :)) Thanks to @beyeo...
