DARA POVAlam mo ba kung ano ang masakit sa love? Marami. Sa sobrang dami, hindi mo kayang i-enumerate. Kagaya na lang kanina. Ang feeling ko kasi. Ang ambisyosa, feelingera, ilusyonada, at marami pa. Ang necklace na 'yun? Sus. Mura lang 'yun. Sa sidewalk 'yun binili at hindi sa pawnshop.
Nakakainis naman kasi kanina eh! Suot-suot ko pa ang necklace pero hindi pala 'yun para sa'kin. Para pala 'yun kay CL. Humingi ng tawad si Jiyong sa'kin dahil sa ginawa niya kanina. Na carried away lang daw siya ng gulat niya dahil sinuot ko iyon. Pinakiusapan pa nga niya akong ibigay 'yun kay CL eh.
Ang saya ko. Ang saya-saya ko. Sa sobrang saya, teary-eyed na ako. Masaya ako dahil sa wakas, may lovelife na ang kaibigan ko. Pero...masaya nga ba ako? Inaamin ko, may kirot. Tapos bigla akong na bad vibes at uminit ang ulo ko. Ang sakit naman kasi eh! Sa lahat pa kasi ng babae, Bakit bestfriend ko pa?
At ngayon, puta lang dahil ako pa ang magpaayos ng necklace. Nasira kasi ang lock kaya pinaayos ko pa dito sa labas ng university. Nakakainis naman si Jiyong! Ba't ba ang laki niyang torpe? Ba't ako pa ang ginawa niyang bridge para sa kanila ni CL?
"ANOBAA!!"
Awww. Ang sakit ng eardrums ko!! Lumingon ako sa sumigaw, hindi lang ako kundi pati na rin ang mga estudyanteng naglalakad sa labas ng university.
Tumingin sa'kin ang lalake. Hala!! Nakakatakot naman tumingin ang lalakeng 'to. Makinis ang mukha niya, matangos ang ilong tapos may curve 'yung lips at ang swag ng dating. Hindi naman siya mukhang adik o tambay. Parang dito na university rin siya nag-aaral.
Omygad.
Kilala ko ang lalakeng 'to.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Siya lang naman si itaas.
Si TOP.
Sa lahat ng lalake, ba't siya pa ang nakabangga ko? Eh parating highblood o PMS ang lalakeng 'to. Parang ipinaglihi yata sa sama ng loob. Hmmm... Pero gwapo---
"Oh? Anong tini-tingin tingin mo dyan? 'Di ka ba magsosorry?"
Yabang.
Hindi gentleman. Highblood talaga. Kainis!
"Edi sorry. Okay na?"
Inirapan ko muna siya saka nag walk-out. Hep! For the first time in history, may babaeng hindi nabibighani sa charms ng lalakeng 'yon. Sino pa ba? Edi ako!
Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng isang shop na umaayos ng necklace.
******************
Nandito ako ngayon sa secret place namin ni CL at iniwan ang pulang box na may necklace. Sa itaas ng box ay isang card na nakasulat na
To: CL
Ako ang nagsulat ng pangalan sa card at dalawang titik lang 'yan pero ang bigat sa dibdib kada sulat ko ng letra. Pero alang-alang sa lovelife ng napaka-bitter at man-hater o love-hater kong bestfriend, kahit masakit, gagawin ko.
"Best, ang daya ng tadhana noh? Ikaw na hindi interesado at walang pakialam sa love love na 'yan, ikaw pa ang biniyayaan ng lovelife. Mabuti ka pa."
Baliw na ba ako? Siguro nga. Kinakausap ko ang sarili ko. May ilang trabahador o construction worker ang nandito dahil sabi nga ni CL, nagtayo siya ng bahay para sa aming dalawa.
Nakaramdam ako ng likido sa ulo ko. Iniangat ko ang tingin at...ulan.
Biglang lumakas ang ulan kaya agad na umuwi ang mga construction worker pero nanatili ako sa pwesto ko. Wala akong pakialam kung nababasa na ako ng ulan. Wala akong pakialam kung magkakasakit man ako.
Sa pag-ibig nga, kahit alam kong sasakit ang puso ko, umibig pa rin ako.
Tinignan ko ang box at basa na rin ito. Bahala na. Hindi naman mababasa ang necklace. 'Yung card nga lang.
"Tss. Bobo."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko na naman ang lalakeng highblood na pinapayungan ako.
"A-Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito! Bawal ka!"
Aba, totoo naman. Bawal talaga siya dahil secret place namin ito ni CL.
Pero si Jiyong...alam niya ang lugar na 'to, diba?
Bwisit. Ba't ba ako Jiyong ng Jiyong? 'Diba nga mag mo-move on na ako dahil liligawan na niya si CL?
Bigla ako nakaramdam ng galit dahil sa naisip ko. Pero ba't ako nagagalit?
Ahh...alam ko na kung bakit ako nagagalit. Ayoko si Jiyong para kay CL dahil si CL na rin ang nagsabi na playboy ito.
"Sinundan kita dahil alam mo ba na usap-usapan kanina sa university kung paano mo ako talikuran? Nandito ako upang i-remind ka na hindi pa tayo tapos at kailangan mong pagbayarin ang ginawa mo. Ito, payong. Ge."
And for the second time, inirapan ko siya. Tss. Ano ito? Meteor garden? Para may bayad at nakakasira ng pride o image thingy? Sus.
Umalis na siya at basang-basa na siya ng ulan. Samantalang iniwan niya ang payong niya sa'kin. Ba't niya iniwan ang payong niya kung alam niyang mababasa siya ng ulan? Bobo talaga! Makauwi na nga.
*********
"A shining shimmering morning sunshine!"
Ginawa ko na ang morning rituals ko at naglakad na papuntang university.
Nakita ko si CL na papalapit sa'kin na may dala-dalang box ng necklace.
"Hoy Dara!"Sigaw niya kaya tinaas ko ang kilay ko. Ang aga-aga sumisigaw na. Lakas din ng trip nito.
"Ano?"
Ngumiti siya at biglang tumulo ang luha niya.
Sila na ba ni Jiyong?
Biglang naging blur ang paningin ko hanggang sa naramdaman kong may mainit na likido ang lumabas sa mga mata ko.
Niyakap niya ako at biglang siyang nagsalita.
"Gaga ka! May pa Jiyong Jiyong ka pang nalalaman nung tinawagan mo 'ko! Hindi ka naman pala binigyan ni Jiyong ng necklace eh. Nakausap ko siya kanina at sabi niya, hindi ka raw niya binigyan ng necklace. Ikaw pa nga raw ang may balak na bigyan ako ng regalo."
Tumigil siya at biglang lumakas ang pag-iyak niya.
"Hindi ako sweet na tao at alam kong ikaw rin. Pero...salamat sa necklace. Ang ganda. Salamat! Sorry kung wala akong naibigay sa'yo kahapon. Anniversary kaya ng pagkakaibigan natin kahapon. Akala ko nakalimutan mo kaya hindi ako bumili ng regalo. Pero dahil sa necklace na binigay mo, na touch ako ng todo. Kaya babawi ako ngayon."
LAGOT!
********
A/N: Hehehe first of all, sorry sa late na update. Bitin ba? Hanggang part 5 kasi ito eh. Sorry na hahaha.

BINABASA MO ANG
DARAGON One Shot Collections
FanfictionMy one shot collections story featuring Sandara Park of 2NE1 and Kwon Jiyong (G-DRAGON) of Bigbang. I really ship them that's why I create this story. ||Just for a ship|| No Bashing please. I respect what OTP ang shini-ship niyo :)) Thanks to @beyeo...