BAE BAE

1.1K 27 6
                                    

A/N: Hehehe. Another one shot.

Dara POV

Umupo ako sa couch at kinuha ang isang plastic sa bag. Sa t'wing nakikita ko 'to, feel ko may something na mangyayari. Alam niyo kung ano ang iniisip kong mangyari? 'Yun ay ang ginagawa ng mag-asawa pagkatapos ng kasal. Ang ginagawa ng lasing na babae at lalake sa five star hotel. Ang ginagawa matapos sabihin ang katagang "i'll be gentle baby." Ang ginagawa matapos maghalikan ng magkasintahan. Ang kadalasang ginagawa ng mga bida sa fifty shades of Grey at iba pang hot movies. Ang nakikita natin sa tuwing nanonood ng adult channel. Ang tinatawag nilang make love kuno. Ang ginagawa kaya nagkaka-baby ang mag-asawa o magka-baby ang lasing na babae dahil may naka one night stand.

Ngayon, alam niyo na kung ano ang iniisip kong mangyari?

Ako si Sandara at isang certified VIP or Bigbang fan. May isang lalake na ubod ng gwapo *ehem* at cute *ehem* at pasok na pasok na maging boyfriend ko, si G-Dragon. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang pangalan niya. Siguro VIP din ang mama niya kaya 'yan ang naisipang ipangalan sa anak. So 'yun nga, mahal ko ang Dragon na 'yan! Kasi naman, ang gwapo, matalino, prince charming ng kababaihan at ubod pa ng pagka-gentleman. Another thing is kamukha niya si Kwon Jiyong ng Bigbang! Kaya nga kung hindi ako ang makakatuluyan ng leader ng Bigbang why not try G-Dragon?!

Pero, nakakainis to the max ang lalakeng 'yun! Kay aga-aga nagbibigay ng rice cakes. Kinakain ko naman ang rice cakes na binibigay dahil alam niyo na, mahal ko ang tao, e. Simpleng galaw niya lang, kumakarera na ang tibok ng puso ko.

Naalala ko nga no'ng binigyan niya 'ko ng rice cakes...

(Flashback)

"Uh..Sandy, 'di ba may espesyal kang nararamdaman para sa 'kin? Gusto mo ng rice cakes?" At inilahad ang isang plastic na may lamang sweet mochi na isang rice cakes mula sa Japan.

Biglang namula ang mukha ko dahil naka earphones ako at saktong Bae Bae ng Bigbang ang tugtog.

Kaka-research ko lang kasi sa google ng bae bae english lyrics at meaning ng rice cakes sa kantang 'yon. Tinignan ko ang comments ng ilan at nakita kong ang meaning pala ng rice cakes ay *tooot*

At ang walang hiyang dragon na 'yan, mahilig man-asar! Alam niya kasing mahal ko siya. Kasi naman...hindi mapigilan friend eh. Ang gwapo, swaeg, maganda ang boses, prince charming, gwapo ulit, gentleman, gwapo na naman.

"Ano ba?! Nang-aasar ka na naman ba? Gago ka pala eh! Ano ngayon kung may nararamdaman ako para sa'yo? Ano? Bibigyan mo 'ko ng rice cake na may pampahilo tapos kikidnapin mo 'ko tapos magigising ako na nakatali sa isang abandonadong warehouse at gagahasain mo 'ko tapos mabubuntis ako?! Gano'n ba?! Sige, akin na ang rice cakes. Kakainin ko na!" Bigla naman siyang tumawa kaya biglang may bombang sumabog sa utak ko.

What the...Sinabi ko 'yun?

"I never knew that you have a wild imagination. Ako? Rapist? Nah, I don't do sex. I make love." Bigla naman akong pinamulahan ng mukha kaya lumabas na ako ng room habang siya ay tawa ng tawa.

(End of flashback)

Nalaman ko lang ang nararamdaman ko sa kanya dahil ang matalino kong kapatid na classmate ko dahil sobrang advance niya dahil sa talino niya, naging barkada si G-Dragon. Palagi silang pumupunta sa bahay at no'ng nalaman kong na-hospital siya, halos nag hysterical ako sa bahay at sa hospital to the point na nagmamakaawa ako sa mga doctor na sagipin siya pero inatake lang pala siya ng asthma. At ang animal kong kapatid, ayun, nalasing sa beer at sinabi kay G-Dragon na may espesyal akong naramdaman para sa kanya. Kaya pagka-umaga no'n, inaasar ako ng Dragon at ako naman, kahit hiyang-hiya na dahil sa mga death glares ng mga estudyante, kinikilig pa rin. Halos patayin ko na nga ang kapatid ko dahil inilunod ko ang mukha niya do'n sa tanke ng tubig dahil sa ginawa niya no'ng nalasing siya.

Ngayon, nakatitig ako sa rice cakes na binigay na NAMAN niya kanina. Ba't ba kasi siya bigay ng bigay ng rice cakes? Alam niya bang iba ang kahulugan ng rice cakes sa 'kin? Malamang hindi niya alam. Wala naman siyang alam sa 'kin bukod sa may 'espesyal akong nararamdaman' para sa kanya. Sus, PAGMAMAHAL naman ang ang nararamdaman ko para sa kanya eh.

"Hoy kapatid! Ibigay mo sa 'kin ang number ni G-Dragon. Bilis!" Sigaw ko sa kapatid kong unggoy. Napag-desisyunan ko na kasing ibalik ang rice cakes na binigay niya sa 'kin kanina. Curious na ako sa Dragon na 'yun eh!

"Bakit? Magkikita kayo? Tapos gagawa kayo ng baby? Ate bata ka pa!" Sigaw niya at mabuti nalang dahil wala dito sina mama at papa.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?! Pero... Gano'n na ba ka manyak si G-Dragon para gawin niya 'yun sa 'kin?" Napatakip naman ako sa dibdib dahil sa sinabi ko. Mukhang masamang idea 'to.

"Hindi gano'n ka manyak si G-Dragon ate! Pero alam kong aakitin mo siya at hindi siya makapagpigil kaya may mangyayari sa inyo. Lalake 'yun eh! May pangangailangan." At nag thumbs up pa sa 'kin ang unggoy.

"Sa tingin mo ba aakitin ko ang Dragon na 'yun?! Kahit mahal ko 'yun, hindi ko naman ibibigay ang virginity ko sa Dragon na 'yun!" Inis na sabi ko sa kanya at nagsimula na siyang magsulat ng number sa papel. Agad kong hinablot ang papel at nagsimulang mag type sa cellphone ko.

To: +639*********

Kita tau sa park. Si Sandy, Dara o Sandara ito.

Agad akong lumabas ng bahay at nagsimulang maglakad. Nakarating na ako sa park at nakita ko na naman ang lalakeng nagpatibok ng puso ko. Palapit ng palapit ako sa kanya at pabilis naman ng pabilis ang kaba at tibok ng puso ko. Damn it. Ang Dragon na 'to lang talaga ang makakagawa ng gano'n sa puso ko.

"A-Ano...ibabalik ko na ang rice cake na binigay mo kanina. Nagsasawa na ako sa lasa at nakyu-curious ako kung ba't mo 'ko binibigyan ng rice cakes."

Ngumiti siya kaya pilit akong ngumiti sa harap niya. "Mahal mo 'ko Sandy 'di ba? Hindi lang naman ikaw ang may puso sa 'tin eh. May puso rin ako. Puso na minamahal ka ng totoo." Ngumiti ulit siya.

Did he...say that...he love me?? He really love...me??

Mahal niya ako??

Mahal niya ako?

Mahal niya ako!!

Mahal niya ako!

MAHAL NIYA AKO!! PARTEEEH!!!

"Huh? Y-Y-You...love...me? A-Ano naman ang kinalaman ng rice cakes?" Nakakapagtataka. Dapat niligawan niya ako! Dapat nanligaw siya! Ba't niya sinayang ang panahon ng panliligaw niya sa pamimigay ng rice cake sa 'kin? Anong akala niya sa 'kin? Patay gutom?

"Kung liligawan kasi kita, alam kong hindi ka magdadalawang isip na sagutin ako. Kaya ang rice cake na 'yan ay nagsisilbing invitation." May pa-ngiti-ngiti pa ang loko.

Invitation?

"Invitation? Para sa'n?" Libog naman ng lalakeng 'to. Pa mysterious pa talaga.

"Alam kong alam mo ang ibig sabihin ng rice cakes. Tsh. Mahabang research pa ang ginawa ko. Kaya ang rice cake ay nagsisilbing invitation para gawin natin ang bagay na 'yon' hehehe." Napakamot siya ng ulo at namumula pa.

Ibig sabihin...ang rice cakes...ay nagsisilbing invitation para...gumawa...ng...baby????

"Wahhh Ang manyak mo!!" Pinalo-palo ko siya sa braso kaya bigla siyang tumawa ng malakas.

Bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya napatigil ako sa panghahampas sa kanya at marahan niya akong isinandal sa puno ng mangga dito sa park. Tinitigan niya lang ako at nabigla naman ako dahil may tubig sa kamay ko. Shit. It's raining.

He just smirk at me and kiss my lips.

Ibig sabihin...gagawin namin ang rice cakes dito sa park mismong banda sa puno ng mangga habang umuulan? Dito ko wawakasan ang pagkababae ko? HINDI PWEDE!!

"STOP! Dadaan ka muna sa mga magulang ko at sa altar bago tayo mag-ri-rice cakes. Paano kung mabuntis ako? Gago ka!" Sigaw ko sa kanya.

"You really have a wild imagination." And we both laugh at each other.

The End.

A/N: Lame one shot pa rin. +.+ Share your thoughts applers. Pwede rin kayo mag suggest/request ng pwedeng i-one shot. Bang Bang Bang. Mag syota na daw si Taeyang ko at si Hyorin. Ship niyo ba sila??

DARAGON One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon