Necklace (Part 4)

562 25 2
                                    

A/N: Huhuhuhu ayoko talaga 'yung last line. 'Yung sinabihan ni Dara si TOP ng shet at epal huhuhu asawa ko si TOP eh! Sorry hubby (feeling Dara din eh noh!) huhuhu!! Anyways, yuhooo malapit na matapos ang necklace!! Mala-action ang part na 'to pero gaya nga ng sabi ko, masyadong lame. Kekeke Enjoy reading! ^_^
------------------------------

DARA POV

"PAKSHET KA TOP! ANO BANG NAKAIN MO AT DINALA MO AKO DITO?? HUTA KA! NAPAKA MO! HINDI KO NA NGA NALAMAN KUNG SINO ANG KAUSAP NI CL, NAUNTOG PA AKO DITO SA METAL LOCKER O LOCKER METAL---"

"Tsk. Ingay."

Wow ha! Siya pa 'tong may ganang magalit! Pasalamat ko na nga lang at hindi ako na amnesia dahil sa lakas ng pagkauntog ko!

Hindi pa kami tapos ng feeling gangster na 'to! Feeling siga at heartthrob din ang lalakeng 'to! Kung hindi lang talaga siya crush ni Bom nakuuu makikita niya ang kamandag ko!

"SABIHIN MO NA KUNG ANONG KAILANGAN AT GUSTO MO PARA MATAPOS NA ANG LAHAT NG ITO!!"

Hinawakan ko naman ang ulo ko. Pakshet! Shet na shet! Masakit talaga eh! Mas masakit pa kaysa sa katotohanang may gusto si Jiyong sa bestfriend ko.

"Si Bom."

Bigla naman nawala ang init ng ulo ko. Ibig sabihin.. MAY GUSTO SI TOP KAY BOM????!!!

Oh my ghad! As in oh my ghad! Magkaka-lovelife na ang amazona kong kaibigan???

"Ahihihihi awieeee yieeee hihihihi you like Bom-unnie? Ahiiiiihihi~"

"Yeah. Siya lang ang kailangan at gusto ko."

"Pfffftt hahaha may 'pananakot' ka pang nalalaman! Si Bom-unnie lang pala hehehe don't worry, babalik siya dito next next week. May time pa tayo magplano. Tutulungan kita!"

Ba't ba ang mga kaibigan ko lang ang palaging pinagpala? Unfair! Tapos 'yung lalakeng gusto ko ng ilang taon, may gusto sa bestfriend ko. Ayos 'diba??

"Whoah! Thanks. And by the way, si Jiyong ang kausap ni CL."

S-si J-Jiyong??

BAKIT SINABIHAN NI CL SI JIYONG NG TORPE ABERR?

Sila na kaya? Ha? Hindi naman easy to get si CL eh! 'Yung manliligaw niya nga, pinaligaw niya ng dalawang taon pero hindi niya rin naman pala sinagot dahil kay Taeyang! Isa pa, man-hater siya simula nung nagka girlfriend si Taeyang!!

"Tss. You're spacing out. C'mon, I want to plan about Bom's comeback sa garden. Is it okay?"

"Edi tara na sa garden!"

Luhh ba't ang lakas ng tibok ng puso ko? Ba't kinakabahan ako? Ba't feeling ko may mangyayari sa garden?

Patuloy lang kami naglakad ni TOP papuntang garden. Mas nauna siya kesa sa'kin. Ayokong magkasabay kami o magkatabing maglakad. Mahirap na baka may magsumbong kay Bom o magpakalat ng mga maling balita. Mga pakialamera pa naman mga estudyante dito.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang pakinggan ang mga estudyanteng nagsasalita. 

"Ang ganda ng necklace na sinusuot ni CL noh?"

"Oo nga eh. Inggit talaga ako."

"Sabi nila Harry Winston daw ang brand no'n. Eh 'diba 'yun ang pinakamahal na jewelry brand sa buong mundo?"

"Hays. Sino kaya nagbigay ng necklace na 'yun?"

"Gaga! Si Jiyong daw."

"Pero...'diba may gusto si Dara kay Jiyong?"

"Siguro masakit kay Dara ang bagay na 'to."

Napairap nalang ako. Eh ano naman ngayon kung nanliligaw si Jiyong sa bestfriend ko? Bakit naman ako masasaktan? Naging kami ba? 'Diba wala naman.  Ayokong magalit dahil may karapatan naman silang magsalita dahil may bibig sila. Pero wala silang karapatang makialam. Grabe kung makapagsalita tungkol sa buhay ko pero hindi man lang nila magawang ayusin ang buhay nila.

Inayos ko ang pagkakatayo ko at naglakad palapit sa kanila. Ang laki ng university pero sa gitna talaga ng daan makikipag-usap.

"Tapos ka na ba? Pwede na ba akong dumaan?" 

Agad siyang yumuko at tumabi. Binalewala ko lang siya at sinundan 'tong TOP na 'to.

~Ring....ring~

May biglang tumawag kay TOP kaya nag excuse muna siya.

Sino naman kaya ang tumawag sa kanya? BAKA SI BOOOOM!!!

 Ang lawak kasi ng unibersidad na 'to at ilang kilometro pa ang lalakarin namin bago makarating sa napakalawak na garden. Wala naman gaanong estudyante ang nagsta-stay sa garden dahil mainit, masyadong makalikasan, at boring daw.

Ang ganda kaya mag picture doon!

"Let's go." Emotionless na sabi niya. 

Naglakad lang kami at naglakad nang bigla siyang tumigil at may kinuhang panyo at parang perfume sa pocket niya.

"Oh ba't ka tumigil? Ang lapit-lapit na lang ng garden oh."

"Pwede ba kitang mayakap?"

ANOOOOO??? Aba! Chansing din ang lalakeng 'to! 'Di kaya ako ang gusto nito at palusot niya lang na si Bom ang gusto niya?

"Bakit naman?" Tanong ko. 

"Tss. Gusto lang kitang pasalamatan dahil sa wakas, may tumulong sa'kin para mapalapit kay Bom."

'Yun naman pala eh.

"Okay fine--"

Agad niya akong yinakap at narinig ko ang pag-spray ng perfume.

"Sorry if I'll do this pero pasasalamatan mo rin ako mamaya." Bulong niya at biglang tumawa.

Problema nito? May saltik na ba 'to sa utak??

Agad siyang humiwalay sa pagkayakap niya sa'kin at tumawa ulit.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong ko.

"May sipon ka." Agad naman akong napahawak sa ilong ko pero agad niya naman itong hinawakan.

"Ako na." Sabi niya at pinahid ang ilong ko gamit ang panyo niya pero bigla niya itong dinikit ng madiin sa ilong ko at hindi ako makahinga.

"Hmmmm....Hmmmm..." Gusto ko sanang sabihing hindi ako makahinga pero nawawalan ako ng lakas at hindi ko rin masabi ang gusto kong sabihin dahil sa malaking panyong nakatakip sa ilong at bibig ko.

"Sorry..." Sambit ni TOP bago nandilim ang paningin ko.

----------3RD PERSON'S POV-----------

Agad tinawagan ni TOP ang mga kasamahan niya.

"Nakatulog na." Sabi ni TOP.

"Sige, buhatin mo siya papuntang garden at itali sa puno." Sagot ng babae.

"Copy." sabi ni TOP bago tinapos ang call.

"You're really adorable. And I'm sorry for what I've done but I know you'll thank me....someday or LATER." Sabi ni TOP bago binuhat si Dara papuntang Garden.

Nakita agad ng grupo si TOP na tinali si Dara sa malaking puno sa Garden. 

Agad naman inayos ng grupo ang lahat dahil maya-maya ay gigising na si Dara.

DARAGON One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon