---
G-DRAGON'S POV
*last summer flashback*
"May potential daw na maging Corps Commander si Cadet Park from Alpha team, hyung!" May bahid ng pang-aasar na sabi ng manyakis kong kaibigang si Seungri.
So what? Mas lalo akong mapapalapit sa kanya dahil alam kong magiging Executive Officer ako.
I smiled. Hours ago, nilagyan ko ng bouquet of flowers, chocolates, teddy bear, 5kilos ng bigas, at sanitary napkins ang locker niya. I felt threatened nang nagtransfer ang isang breezy boy mula sa Thailand.
But then, nahuli niya ako. Agad kong nahuli ang mapula niyang labi at doon ako inunahan ng takot. Napakamataray niya pero ayos lang. Kaso, sa na-o-obserbahan ko, sakin lang siya pinakamataray. Kaya sinabi kong kay TOP galing ang mga stuffs na nilagay ko sa locker niya.
And that was a stupid excuse dahil girlfriend ni TOP ang kaibigan niyang si Bom!
Pero kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi siya naniniwala. Pero yun nga lang, nakikita ko rin na hindi ako ang nasa isip niya.
"At si Cadet Maurer ang sabi ni master na bagay maging Executive Officer!"
The heavy metal belt that I supposed to put on my pants fell off.
What the fvck?! That... that breezy boy from Thailand?! Come on! Baguhan pa ang lalakeng yun! Bulol pa. Nilalaro ang dila kapag nagsasalita.
As if he's hot but fvck he's not!
"Tapos tayong lahat ay magiging ordinaryong CAT officer na lang sa lintek na eskwelahang ito." TOP-hyung said matter-of-factly habang pinagmamasdan ang sword niya.
No, I have to do something! Kaya lang ako sumabak sa CAT na 'to para kay Dara! Kung bakit ba kasi napakamanhid ng babaeng yun at napakatorpe ko! Fvck life!
Ginawa ko ang lahat para makuha ang atensyon niya. Lahat ng pagiging gentleman at pagpapakabait. Pero epal talaga ang breezy boy ng Thailand! Kaya binago ko ang pakikitungo ko kay Dara para lang mapansin niya ako. Kahit masama man ang tingin niya sakin, kakayanin ko as long as napapansin niya ako.
.
Pero kung kailan nasa mataas na posisyon na ako sa CAT, saka ko nabalitaan na nag-quit siya at nagbakasyon sa SoKor.
Gusto kong ipamukha sa kanya na walang kwenta ang breezy boy na 'yun galing Thailand kaya pinahirapan ko ang lalakeng 'yun at 2 bars lang ang nakuha niyang rank. Ako naman, ako ang naging commandante o commander. Kahit papaano masaya naman ang training kaso nga lang mas masaya sana kung meron si Dara!
"MAAAAAM! WALA. PO. AKONG. KASALANAN! HINDI KO KASALANAN KUNG LAMPA ANG MGA SUNUD-SUNURAN MO!"
Napalunok ako sa sigaw ni Dara. Shit! Sana sinabi ko na lang ng mas maaga kay maam Prefect of Discipline na hindi totoo ang nangyari pero yung staff naman ang mapapagalitan. Nagsumbong kasi ang isa sa mga non-advisory teachers tungkol sa nangyari kaninang umaga at pinatawag kaming dalawa ni Dara.
Hindi ako natatakot na matanggal sa CAT o sa posisyon na meron ako. Natatakot ako dahil masyadong reckless si Dara sa pananalita niya kay maam at hindi niya alam na maari siyang ma suspended o ma expel sa ginagawa niya.
"Do you think you have any rights to spit the hell out of those gibberish words from your filthy mouth? You are just an ordinary student here with no excellent grades yet the way you act... well no wonder you deserve all of your failing grades. I know that you join and quit CAT for your vacation and because you hate the fact of being the board members' follower. But did you know that CAT is your only choice to graduate? Yet you quit. Well, I guess you want to remain in this school you love way too much so suit yourself."
Napalunok ulit ako at nilingon si Dara. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
Pucha! Ito na nga ba sinasabi ko! Bakit ba kasi napaka ng babaeng 'to! Kung sasagutin ko si maam, pakshet baka pati ako hindi rin makagraduate!
Hindi! Hindi ko kukunsintihin si Dara! Kailangan niyang matuto upang tumanda. Kailangan niyang tulungan ang sarili niya na magbago dahil hindi sa lahat ng panahon ay ang gusto niya ang masusunod.
"Just tell us the sanction we do deserve maam." I said, trying to hid the sarcasm in my voice.
"2 weeks learning experience intervention program and notarized contract because disrespect is under category three. You will not attend any of your classes but rather clean the campus, the comfort rooms, and attend bible study and seminars. You are not allowed to enter your classroom nor talk to the teachers. You are not excused in all quizes especially this coming examination and you will have a failing grade in conduct. Conduct has no remedial class so photoshop your ugly personality para kahit papaano makabawi. Ikaw naman CAT commander, gabayan at babantayan mo si Sandara if and only may free time ka. Ikaw ang magmonitor sa kanya in two weeks."
Tumulo ang luha sa mga mata ni Dara. I badly want to wipe it off. Kaso natatakot ako. Dahil alam kong nandiyan si Maurer na parating nasa tabi niya. Kung pwede lang na ako ang paparusahan ni maam, kaso masasayang lang ang sakripisyo ko kung mismo si Dara ay hindi magbago.
"Yes maam." mahinahon kong sabi.
Huwag kang mag-alala Dara, tutulungan kita. Hindi kita susukuan. Let's grow up together.
"I guess that would be all. Tell your parents about the notarized contract. I hope na magtanda ka Sandara para naman makagraduate at makaalis ka sa paaralan na mahal na mahal mo."
She then covered her mouth and cried quietly. Siguro nag-aalala siya sa maaring sabihin ng parents niya.
But I'm here. I'm always here.
Bago pa kami tuluyang paalisin ni maam ay hinawakan ko ang kamay niya at saka kami lumabas ng office.
Pagkalabas ay padabog niyang binitiwan ang kamay ko. May parte sa sarili ko ang nasaktan pero binalewala ko lang.
Patuloy lang siya sa pag-iyak. Kung hindi ko siguro siya inasar, hindi sana ito mangyayari at hindi niya masigawan ng ganoon si maam.
Pero shit! Nakakagago at nakakagalit lang sa hindi ko malamang dahilan! Nakakagalit ang pagmamatigas niya! Nakakagalit ang hindi niya man lang ako magawang tignan!
Hinawakan ko ulit ang kamay niya at kinaladkad sa likod ng building pero nang makarating kami ay malakas niya akong tinulak.
"ANO BA?! ANO BANG KAILANGAN MO HA?! KULANG PA BA? KULANG PA BA ANG 2 WEEKS LEIP AT NOTARIZED CONTRACT?! MASAYA KA NA BA? HINDI PA BA TALAGA SAPAT ANG POSISYON MO SA CAT?! HANGGANG NGAYON BA AY GINAGAWA MO PARING LECHE ANG BUHAY KO?!"
Bwisit! Pakshit! Bakit ba galit na galit ka sakin ha?! Bakit ba nandidilim ang mga mata mo sakin pero sa mario maurer na yun ay masayang-masaya ka? Dara naman! Pwede bang ako na lang ang tignan at gugustuhin mo?! Hindi ba talaga pwede mangyari yon?! Tangina na kasi!
"DARA HINDI KO GUSTO NA MANGYARI LAHAT NG 'TO SAYO!"
Sarkastiko siyang tumawa na mas lalong nagpapagalit sakin. Sa tuwing kasama niya si mario, napakatamis ng tawa niya pero pakshit putanginang bwisit kabaliktaran ang tawa niya pagdating sakin!
"TALAGA? HINDI MO GUSTO? BAKIT, MAY KULANG PA BA? ANO?! ANO PA ANG KULANG?!"
Kinuyom ko ang mga kamao ko. Maraming kulang Dara! Ang papel ko sa buhay mo at ang kahit katiting man lang na sukli sa pagmamahal ko ang bwisit at animal na kulang!
"KULANG?! TALAGA BANG TINATANONG MO KUNG ANO PA ANG KULANG?!"
Huwag kang sumagot! Huwag na huwag mong sasagutin ang tanong ko!
Lumapit siya sakin at seryoso akong tinignan. Titig na kay tagal kong hinintay.
"OO!"
Hindi ako sumagot at mas lalong kinuyom ang mga kamao ko. Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan!
"ANO BA! TINATANONG KO KUNG ANO ANG KU----" hindi ko na napigilan ang sarili ko at marahas na hinawakan ang magkabila niyang braso saka hinalikan sa malambot niyang labi.
At sa pagkakataong ito, siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
DARAGON One Shot Collections
FanficMy one shot collections story featuring Sandara Park of 2NE1 and Kwon Jiyong (G-DRAGON) of Bigbang. I really ship them that's why I create this story. ||Just for a ship|| No Bashing please. I respect what OTP ang shini-ship niyo :)) Thanks to @beyeo...