Dara POV
Nakatulala lang ako sa librong hawak ko. May exam kasi kami mamaya at hindi pa ako nag-aral.
Espiritu ng katalinuhan,
Sapian mo 'ko.
"Goodluck sa exam Dara-unnie~!"
Sigaw ni Minzy at pumalakpak pa.
"Huh?"
Mamaya pa ang exam. Hindi pa nga nag-ri-ring ang bell.
"Tanga ka ba o nagtanga-tangahan? Kanina pa nag ring ang bell!"
"Shit!"
Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at tumakbo papuntang room 143. Dahil late ako, umupo ako sa bakanteng upuan--sa tabi ni GD.
"Ikaw lang mag-isa ang magta-take ng exam."
Sabi nito at ibinigay ang test paper.
"Huh? Bakit?"
"E.w.a.n. Kung hindi ka lang late, baka kanina ka pa natapos. 2 minutes nalang ang natitira at kapag hindi mo natapos ang exam for two minutes, GOODBYE GRADES!"
Dahil sa sinabi niya ay dali-dali kong tinapos ang pagsusulit.
1.) What is love?
-Love? Ano 'yun? Makakain ba 'yun? Dejoke. Ang love ay ang siyang mararamdaman ko kapag nakikita ko ang love of my life. Amen.
2.) Love is...
-Love is like heaven. Sa sobrang pagmamahal mo, nasaktan ka. Kapag nasaktan ka, ma-de-depress ka. Kapag ma-de-depress ka, hindi ka na kumakain. Kapag hindi ka na kumakain, syempre magugutom ka. Kapag magugutom ka, mamamatay ka. Kapag mamatay ka, sa heaven ka mapupunta dahil martir ka. MARTIIIIIIR!!
3.) Name the person you love.
At dahil 3 seconds nalang ang natitira, wala na akong natitirang oras para pag-isipan kung sino ang sagot ko kaya ang isinulat ko sa papel ay walang iba kundi ang katabi ko.
-Kwon Jiyong.
"Sana po hindi kami ang mag-che-check ng test paper at sana rin po hindi ipagkakalat ng guro ang malalaman niya."
Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay at itinaas sa ere.
"Anong ginagawa mo?"
"Anong ginagawa ko? Nagdadasal. Na sana hindi tayo mismo ang mag-che-check ng testpaper."
"Huli na ang lahat. Akin na nga ang papel mo. Exchange your paper to your seatmate and the seatmate will be the one to give score. Got it?"
"NO! CANNOT BE! HINDI PWEDE! HINDI AKO MAKAKAPAYAG!! MAGKAKAMATAYAN MUNA TAYO BAGO MO AKO MAPAPAYAG."
Sigaw ko pero agad niyang kinuha ang test paper ko at inilapag naman niya ang test paper niya sa desk ko.
"WAHHHHH HINDIIIIIIIII!!!! NOOOOOOOOOOOO!!!!!! "
"HOY KAYONG DALAWA! PWEDE BANG MAMAYA NA KAYO MAGLANDIAN?? MASYADO KAYONG PDA! TSE! "
Tumigil naman ako sa pagsisigaw dahil kay Bom. Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang testpaper ni GD.
Kwon Jiyong
1.) What is love?
-Love describes Sandara Park
2.) Love is...
-Love is what I feel when I met Sandara Park.
3.) Name the person you love.
-One and only Sandara Park
"So, mahal mo pala ako?" bulong niya pero binalewala ko.
"Alam mo, kikiligin na sana ako sa mga sagot mo eh kaso hindi ko alam kung ano ang intensyon mo. Puntos ba o ang puso ko--SHIT"
Jusko!! Labis na kahihiyan talaga ang natamo ko.
"Miss Sandara Park. Congratulations, first time mong na-perfect."
Sabi niya pero nakangiti. Hanggang ngayon, hindi pa rin maaalis sa labi niya ang ngiti.
"Tumigil ka. 'Wag mo 'kong kausapin. Hindi tayo close."
"Pero mahal mo naman!"
"Ang feeling mo. Mahal mo rin naman ako eh. Ikaw ha! May matinding pagnanasa ka pala sa 'kin."
Namula naman siya sa sinabi ko dahilan para maging cute siya lalo.
Inilapit niya ang mukha niya. 'Yung tipong one inch nalang ang space sa pagitan niyo. Magkadikit na rin ang noo namin at ramdam ko ang paghinga niya. Infairness ang bango ng hininga niya! Pumikit siya kaya pumikit na rin ako kaso...
"Miss Park, dahil late ka sa final exam, kumuha ka ng isang papel sa fish bowl at may tanong na nakalagay na dapat mong sagutin."
Agad kong tinulak ang katabi ko. Jusme! Ano bang nangyayari sa 'kin? Muntikan na 'yun ah!
Tumayo ako at lumapit sa teacher's table saka ako kumuha ng isang papel na naka rolyo sa fish bowl at binigay sa aming guro.
"Okay. Nakalagay sa papel na ang seatmate mo ang magtatanong."
Sinamaan ko ng tingin si GD at bakas parin sa mukha niya ang ngiti. Sana naman 'wag niya akong pagtitripan.
"SANDARA PARK...."
"Will you be my girlfriend?"
Parang binuhusan ako ng hot and cold na tubig sa tanong niya.
Lumapit siya sa'kin at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinihintay ang matamis kong Oo.
"Yes. I can be your girlfriend."
Ngumiti siya saka ako hinalikan sa noo. May naramdaman akong malamig na metal sa batok ko at 'yun ay isang necklace. Ngumiti ako sa kanya saka ko siya niyakap.
"Mabuhay ang bagong mag-jowa!!"
"Baka baby na ang kasunod niyan!"
"Hoy Victor ang dumi talaga ng isip mo! Di ba pwedeng kasal muna?"
"DARAGON IS SAILING~"
END
A/N:
Medyo na-inspire ako gumawa ng isa pang one shot dahil sa photo ni Dara at ng Bigbang kung saan binuhay ni GD ang Daragon. Medyo lame nga lang ang mga one shots ko. Mianhe +_+

BINABASA MO ANG
DARAGON One Shot Collections
FanficMy one shot collections story featuring Sandara Park of 2NE1 and Kwon Jiyong (G-DRAGON) of Bigbang. I really ship them that's why I create this story. ||Just for a ship|| No Bashing please. I respect what OTP ang shini-ship niyo :)) Thanks to @beyeo...