CAT OFFICER (1)

310 7 3
                                    

A/N: Enough na tayo sa heavy dramas. Enough na rin tayo sa showbiz. Let's take our imagination to another world. W-two worlds ganern!

Sit back, relax, and enjoy reading! Xoxo applers ;)

----------------------------

SANDARA PARK'S POV

   "Ano ba! Leche! Sa lahat ng lugar na may banggaan dito pa talaga sa isang paaralan?! Anong akala niyo sa eskwelahan? UP DILIMAN na sobrang laki?! Ang sikip na nga ng daan, traffic na, may banggaan pa!"

Sigaw ni manong driver ng tricycle na sinakyan ko.

   "Manong, dito na lang po ako. Eto po, bayad."

Inabot ko sa kanya ang limang piso at dali-daling tumakbo sa gate.

   "HOY BATA BA'T LIMANG PISO LANG? KULANG ITO NG LABINLIMANG PISO! HOY!" Rinig kong sigaw ni manong.

Nagtago muna ako gamit ang librong hawak ko at sumigaw.

   "SA SUSUNOD NA PO MANONG, BUONG LIMANG-DAAN PA KASE PERA KO. LIBRE NIYO NA YAN!"

Tumawa ako at agad pumasok sa gate. Narinig ko pa si manong driver na nagmumura.

Bago pa ako tuluyang makapasok ay may lalakeng humarang sa harapan ko.

   "Handbook mo." Utos niya.

Isa sa mga rules and regulations ng school ay dapat naka complete uniform ka. At isa doon ang handbook. Para masiguradong may handbook ka, ipakita mo iyon sa mga CAT officers na nakabantay at kapag wala ka nito, kukunin ang ID mo para masiguradong pipirma ka sa Prefect of Discipline's office na incomplete uniform ka dahil hindi ka rin papasukin sa classroom mo kung wala kang ID o admission slip mula sa POD.

Napairap ako. Porket CAT officer akala mo kung sino na! Bitter ako sa CAT na 'yan. Sumali kasi ako. Ayun na eh, may pag-asa pa ngang maging isa ako sa CAT Colors. Kaso ayun, hindi ako nakasipot no'ng summer para sa training dahil nagbakasyon kami sa South Korea kaya natanggal ako.

At ang lalakeng kaharap ko, siya lang naman ang may lakas-loob na kalabanin ako sa mga training. Syempre, parati siya ang talo. Kaso, siya pa ang nakapasok sa CAT kaysa sa'kin.

Tss. Isa akong malaking kawalan sa CAT! At ang lalakeng kaharap ko, WALANG KWENTA!

   "Nasa bag." malamig kong sambit at iniwasan ang payat niyang katawan.

Ito ba ang CAT officer ng paaralang ito? Walang pag-asa!

Binilisan ko ang paglalakad pero hinablot niya ang braso ko at hinila palapit sa kanya.

   "ANO BANG PROBLEMA MO?! MASYADO MONG FEEL NA FEEL ANG PAGIGING CAT EH WALA NAMAN KAYONG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAGING SUNUD-SUNURAN SA PREFECT OF DISCIPLINE O SA PRINCIPAL! DIBA?" Bulyaw ko at napalingon halos lahat ng estudyante sa kinatatayuan ko.

Isa rin 'yan sa dahilan kung bakit pinili ko ang South Korea kaysa sa CAT. Sunud-sunuran ka. Pero... kahit sunud-sunuran ka, mataas ang tingin sayo ng mga estudyante.

Oh sht! Kahit ang mga teachers na dumating nakatitig sakin!

   "Gumagawa ka ba ng eksena dahil hindi ka natanggap?" Bulong niya sa tenga ko dahilan kung bakit nakukuryente ako.

What the hell? Scratch that nakukuryente part. Nanggigigil ako sa galit!

Nilingon ko siya at nakita ko ang pag-angat ng labi niya.

   "Pasalamat nga ako at hindi ako natanggap. Na mas pinili ko ang bakasyon. Alam mo bakit? Dahil hindi ako pinanganak para maging sunud-sunuran. Masyado akong high class para sa posisyon kung nasaan ka." Bulong ko sa kanya at tinadyakan ang gitna ng hita niya.

DARAGON One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon