CHAPTER 7

5.3K 152 13
                                    

CHAPTER 7

Jessie's POV

Kinabukasan sobrang laki ng taba ko sa mata ko puyat ako, dahil sa aksidenteng kiss na 'yon.

Sa t'wing ipipikit ko ang mga mata ko naaalala ko ang punyetang halik na 'yon, at naalala ko rin ang pagmumukha ng manyakis na Kyler na 'yon.

Kaya ito ako ngayon mukha akong zombie.

Nang makarating na ako sa classroom namin laking pasalamat ko at wala pa doon ang manyak na Kyler sana nga 'di na 'yon pumasok.

Direderetsyo akong pumunta sa upuan ko at doon ay nakaupo rin sa tabi ko ang isa ding manyak na Warren.

"Laki ng taba natin sa mata a, buti pa ang mata mo may taba ikaw wala" sinamaan ko naman siya ng tingin at ang tarantado tumawa pa ng malakas.

"Wala naman akong maalala na may exam tayo, bakit puyat ka?" Tanong ng manyak din na Warren.

"Porket puyat nag aral agad, 'di ba pwedeng 'di lang talaga makatulog" sagot ko sa tanong nito sabay upo sa upuan ko.

"Bakit 'di ka nakatulog siguro iniisip mo ako, 'no" mayabang na sabi nito habang tinataas ang dalawang kilay nito

"Gago ang kapal din ng mukha mo 'no, ilang layer ba 'yan pagmumukha mo at nasobrahan ng kapal" sabi ko dito.

"Ito naman high blood agad joke lang naman, nagbabakasakali na baka iniisip mo rin ako kahit minsan" madrama nitong sabi.

"Pakamatay ka na" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Pasensya kahapon 'di na kita nahintay nagka-emergency kasi e, kaya inayos ko na lang 'yong gamit mo sa drawing room" sabi nito.

"Ikaw pala nag ayos, thank you" walang gana kung sabi, inaantok na talaga ako.

"Bakit 'di sincere"

"Pasalamat ka nagpasalamat pa nga ako, e" sagot ko naman.

Mayamaya may biglang pumasok at walang iba 'yon kun'di ang napakaubod ng manyak na Kyler.

Nakaleather jacket siya at nakasun glass.

"Taas ng araw p're, a" sabi ni Warren.

"Pakialam mo, 'wag mo akong pakialaman" sagot naman ni Kyler.

"Hoy Kyle laki ng taba sa mata a, siguro 'di ka nakatulog kagabi kasi iniisip mo 'yong k---" sabi nito sa akin pero bago niya pa matapos ang sasabihin binato ko na siya ng libro kong dala-dala.

"Ang sakit noon, a" sabi nito sa'kin, inirapan ko lang naman siya.

"Ano 'yon?" Tanong naman ni Warren.

"A, 'yon ba nagk--" di na tatuloy ang sinabi ni Kyler ng akmang ibabato ko na ulit ang isa ko pang libro dalawa kasi ang librong dala-dala ko.

"Sige ituloy mo pa" sabi ko.

"Ano nga 'yon?" Pangungulit ni Warren.

"Manahimik ka nalang gago ka, kalalaki mong tao napakachismoso mo" sabi ko kay Warren.

"Sungit mayroon ka ba ngayon?" Tanong pa nito sa akin.

"Paano kung sabihin kung oo, mananahimik ka na ba?" Mataray na balik tanong ko at ang mokong tinawanan lang ako.

"Kyle, Kyle may logic ako" singit naman ng manyak na Kyler.

Tinginan ko lang siya ng masama.

"'Di ba sa orasan may dalawang kamay doon anong oras na kapag tumapat sa gitna ng one and two ang dalawang kamay" sabi ni Kyler.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon