CHAPTER 13

3.4K 123 6
                                    

CHAPTER 13

Jessie's POV

Third day na ng college day namin at ngayong araw ang last day ng team building namin.

Naging masaya ang last day namin marami pa ding mga pagame, nang matapos ang mga pagame inaannounce na ang nanalong team at kami 'yon.

Nasa canteen kaming magkakateam at sabay-sabay na kumakain at celebration na daw.

Kung anu-ano nga pinagkukwentuhan namin hanggang napunta na ang topic sa akin.

"Jessie, 'di ba simula elementary magkaklase na kayo ni Kyler?" Tanong ng isa kong kateammates.

"Sa kasamaang palad" sabi ko.

"At hanggang ngayon na college na kayo classmate pa rin kayo"

"Sa kasamaang palad " sabi ko.

"Aw, 'di kaya iba na 'yan, ha? Kyler?" Tanong kay Kyler ng isang kateammates namin.

Tumingin muna sa akin si Kyler bago sumagot, at ewan ko lang din ha, bakit ba ako kinakakabahan sa isasagot niya.

"Hindi, hindi ko naman talaga alam na dito rin mag aaral si Kyle, at isa pa 'di siya ang dahilan" sabi ni Kyler sabay tingin kay Erica na katabi ko lang, hala ano 'yon? Bakit parang sumama pakiramdam ko? Anyare?

"E?" Sabi ng mga ka teammates namin.

"Parang nakakabatang kapatid ko lang si Kyle at hanggang doon lang 'yon" sabi ni Kyler, yeah tama parang ganoon lang talaga 'yon, isang turing na kapatid, bakit ba parang apektado ako?

"'Yon naman pala e, e 'di sa akin na lang si Jessie" sabi ni Warren, kaya napatingin kami sa kanya napansin ko na ang sama naman ng tinggin ni Kyler sa kanya.

"O bakit? Wala namang masama 'di ba, sabi nga ni Kyler parang nakakabatang kapatid lang niya si Jessie" sabi ni Warren sabay smirk kay Kyler, lalo naman sumama ang tinggin ni Kyler sa kanya.

"Ikaw ba Warren seryosong may gusto kay Jessie" tanong ng team leader, lahat kami hinihintay ang sagot niya, at ako kinakabahan sa isasagot niya, hala ano 'to? Bakit ganoon parang kinakabahan ako sa dalawang manyak na 'to? 'Di ako kinakabahan kinikilabutan ako, oo tama kinilibutan ako wala lang 'to.

Ngumiti sa akin si Warren bago sumagot.

"Oo, gustong-gusto ko siya" sabi ni Warren habang nakatingin lang sa akin at ako nakatingin lang din sa kanya ako ang unang nag iwas ng tinggin, ewan ko pero parang ang awkward.

"Ayieeee" sigaw nila kaya naman pinagtitinginan kami ng mga tao sa canteen.

"Oy si Jessie pumapag-ebeg" sabi ni Erica habang marahan na kinurot ang baywang ko.

"Manahimik ka nga Erica" sabi ko.

"Mahiya kayo nasa canteen kayo" sabi ni Kyler.

"Weh? Selos ka lang" aba't sabay-sabay talaga ang mga kateammates ko.

"Hindi 'no, concern lang 'ko 'di bagay si Warren para kay Kyle" sabi ni Kyler.

"At sino ang bagay kay Jessie, ikaw?" Parang na aasar na tanong ni Warren.

"Wala akong sinasabi, gusto ko lang sabihin ang totoo" asar na sagot din ni Kyler.

"Guys stop, na tamah na" awat ng isa naming ka teammates.

Kaya natigil naman ang dalawa.

"Ikaw naman Kyler, may nagugustuhan ka na ba?" Tanong ng isa pa naming teammates.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon