CHAPTER 12

3.6K 125 0
                                    

CHAPTER 12

Jessie's POV

Second day na ng college day namin at pangalawang araw pa din ng team building namin, nasa may ground na kami ngayong, hindi pa naman mainit kaya okay lang, eight A.M pa lang kasi at sabi hanggang twelve P.M lang daw ulit ang team building namin hindi na kami sa gym naglaro kasi may laban ang civil engineering sa mechanical engineering mamaya ng basketball.

"Okay guys, good morning!" Sigaw ni Maezel.

"Morning" sigaw namin.

"Second day na natin ngayon kaya dapat humabol ang mga team na nahuhuli, so start na tayo" sabi niya.

Ang una naming game ay batuhan ng itlog, by partner siya this time naging partner ko si Kyler tig tatlo representative kami per team.

Nang magstart na ang game nangunguna kami ni Kyler pa punta sa pinaka finish line namin at ang mga kalaban namin halos nagkakabasagan na ang itlog, ilan-ilan na lang kaming natitira at nagsisigawan na ang mga kateam namin.

"Go Jessie! Go Kyler! Kaya niyo 'yan" sigaw ng mga kateammate namin kami na lang pala ni Kyler ang natitira sa team namin na representative malapit na rin kami sa finish line, focus na focus kaming dalawa sa pagbabato ng itlog, salamat at nakatulong ang pagiging softball player ko sa game na ito.

Nang mabasag na ang mga itlog ng kalaban namin inannounce agad ang panalo at ang nanalo ay kami.

"Yes, ang galing niyo" sabi ng team leader namin.

Mayamaya ay lumapit sa akin si Kyler habang hawak ang itlog na pinangbabato namin.

"Ang galing mo" sabi niya sa akin sabay basag ng itlog sa ulo.

"Walang hiya kang gago ka" sabi ko habang tinatanggal ang itlog sa ulo ko nang matanggal ko 'yon, winisik ko sa kanyang mukha ang itlog sabay sabunot sa buhok niya.

"Tarantado kang gago ka pupurihin mo na lang ako, ibabasag mo pa ang itlog sa ulo ko, ang langsa-langsa ko na, peste ka" sabi ko habang sinasabunutan siya.

"Tama na masakit na, sorry na sorry na" sabi niya habang hinahawakan ang kamay kong pinang sasabunot sa kanya.

"Gago ka pakamatay ka na" sabi ko sabay bitiw sa ulo niya at naglakad pa puntang banyo.

Nang makarating ako sa banyo, asar na asar akong binasa ang buhok ko.

"Bwisit na Kyler talaga na 'yon" sabi ko habang binabasa ang buhok ko.

"Walang kwenta talaga ang manyak na 'yon, bwisit"

"Sana talaga mawala na siya sa landas ko"

"Ampkkhggfc mamatay na sana talaga siya mapilayan sana siya sa game nila mamaya" sabi ko.

Pagkatapos kong mabasa ang buhok ko lumabas ako ng banyo nagulat na lang ako ng may nag offer na towel sa sa'kin paglabas ko.

"O, ayan towel punasan mo buhok ko at ito damit mo magpalit ka na rin" sabi niya buti na lang talaga at may mabait na kagaya niya kahit minsan.

"Salamat Warren" sabi ko sabay kuha ng towel at paper bag bago pumasok sa ulit sa banyo.

Pagpasok ko nag bihis agad ako kulay orange pa naman ng damit pero ang ikinaganda talaga noon ay ang design na spongebob.

After ko magbihis lumabas agad ko ng banyo at nakita ko si Warren na naghihintay sa labas ng banyo.

"O, sakto lang pala sa'yo" sabi niya.

"Thanks nice ha, spongebob talaga" sabi ko.

"Syempre favorite mo, e" sabi niya.

"Paano mo nalaman"

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon