CHAPTER 33

2.4K 89 7
                                    

CHAPTER 33

Kyler's POV

Nakakaasar ilang araw na nila akong nilalayo kay Kyle sa tuwing lalapit ako haharangan agad ako ni Menard o 'di kaya ang tarantadong Lorenzo.

Binabakuran nila si Kyle, classmate pa rin naman kami ni Kyle ang kaso nga lang ang singiterong Lorenzo classmate din namin at ganoon pa rin seatmate pa rin kami ang kaso nga lang din pinagpalit ni Lorenzo ang siting arrangement namin at ang gagong Lorenzo ang katabi ko sa tuwing kakausapin ko si Kyle sisingit naman agad si Lorenzo.

Nakakagago na ang ginagawa nila alam ko naman na mali talaga ang ginawa pero sana hinayaan muna nila ako matapos mag-explain, sana hindi muna nila sabihin kay Kyle ayokong sa kanila manggaling 'yon, gusto ko ng ang magsasabi para makapag explain ako.

Alam kong gago ako sobrang gago, tanginang buhay naman talaga, ngayon naniniwala na talaga ako na nasahuli na ang pagsisisi, ang tanga-tanga bwisit, gago ka Kyler Luke Marcelo.

Ano nga bang nangyari kung bakit nagalit sa akin si Menard? Ganito lang 'yon nakakagago.

****

Naglalakad ako sa may hallway ng makita ako ni Menard.

"Kyler" tawag niya sa akin.

"O p're" sabi ko.

"Mag-usap tayo" sabi niya.

"A, sige" sabi ko naglakad na siya kaya naman sumunod ako ano kaya pag-u-usapan namin.

Pumunta kami ni Menard sa rooftop pagdating namin doon. Nagsalita agad si Menard.

"Malapit na mag debut si JK isang buwan na lang" sabi niya habang nakatingin sa ground nakikita ang mga kaunting tao lang na naglalakad.

Pagkasabi niya sa nalalapit na birthday ni Kyle kinabahan agad ako.

'Di kaya alam na ni Menard ang tungkol sa...

"Alam mo na ba?" Tanong ko sa kanya napasmirk naman siya sa akin.

"Ibig sabihin matagal mo na ring alam" sabi niya tumango lang ako sa kanya.

"Tsk, kailan pa?" Tanong niya.

"Matagal na" sabi ko.

"At 'di mo man lang nasabi sa akin" sabi niya na nakasmirk.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon