CHAPTER 11

4K 132 0
                                    

CHAPTER 11

JESSIE'S POV

Mabilis lumipas ang araw at tapos na ang midterm namin.

Last week na ngayon ng August at wala kaming klase hanggang sa isang pang linggo college day na kasi ng department namin.

At ang activity ngayon araw ay team building dito lang kami sa university namin nag team building, at lahat ng nasa department namin ay kailangan magparticipate kaya marami kami hinati kami sa tig twenty groups.

At sa kinamalas malasan kagrupo ko si Kyler at Warren, at buti na lang din ay kasama ko si Erica.

"Good morning guys" sabi ni Maezel ang president ng organization. Nasa may stage siya ng gym namin, oo sa gym lang kami malaki naman ang gym namin kaya kasya kami nasa four hundred lang naman yata ang nagpaticipant bali twenty groups kami na may tig twenty ding members.

"Ngayon ang unang araw ng college day natin at ito ang pinakauna nating activity at baka magtagal 'to ng three days, so enjoy natin 'to lahat, okay team ready na ba kayo sa una nating game" sabi ni Maezel.

"Ready na!" Sigaw natin.

"Okay, ang una nating game ay tug of war, so orange team versus red team, blue team versus white team" sabi ni Maezel.

Orange team kami kaya kalaban namin ang red.

"Okay guys, kaya natin 'to kailangan ng cooperation, okay go orange team" team leader namin.


Mayamaya ay nagsimula na ang laro, nasa harapan ko si Erica at nasa likod ko naman ang manyak na Kyler.

"Okay teams, ready set go!" Sigaw ni Maezel.

Kaya ayon hilahan na agad grabe ang lakas ng red team.

"Kyle hatakin mo ng mabuti, petiks-petiks ka lang, e" sabi ni Kyler habang humihila.

"Gago ka ba ha, ikaw ang humatak ng mabuti" sabi ko na hirap na hirap sa paghatak.

"'Di ka yata kumain kanina e, ang hina mo, weak!" sabi niya.

"Tarantado ka" sabi ko habang hinihila pa rin ang tali.

"Ang weak mo Kyle" pang-aasar pa ni Kyler at 'di ko na talaga na kayanan ang pang-aasar niya kaya bumitiw ako sa tali at sinuntok siya sa mukha at dahil doon napabitiw din siya at bigla lang kaming sabay-sabay na tatumba at dahil nakaharap nga ako sa manyak na Kyler, ayon ng natumba kami nasa ibabaw ko siya at ako ay nasa ilalim.

"Tangina" bigla kong napamura sa posisyon namin, buti naman ay mabilis na nagtayuan ang mga kagrupo namin at ang manyak na Kyler 'di man lang gumalaw sa pwesto niya at titig na titig sa akin.

"Ano 'to titigan na lang at 'di ka diyan aalis, ha" sabi ko kaya naman napatayo agad siya ako naman nakaupo pa rin maya maya may dalawang kamay na nag abot sa akin pag tingin ko kay Kyler at Warren.

Nang i-abot din ni Erica ang kamay niya 'yon na lang ang inabot ko.

"Inuuna kasi ang landian kaya tayo na talo" sabi ng isa kong kagrupo 'di ko na lang pinansin baka magkagulo pa.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Erica tumango lang ako aa kanya.

"Okay lang 'yan guys, bawi tayo next game" sabi ng team leader.

Next na game namin sack race at dalawahan kami babae at lalaki sa isang sako.

Ang wala na lang kapartner ay ako, si Erica, Warren, at Kyler.

My Pervert SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon